Tuesday, September 2, 2014

Xxxtreme Bohol



Bohol Next Tarsier este Model

Sa pagpapatuloy ng serye ng totoong buhay kemerloo after namin masilayan ang mga tarsier umalis na kami agad papuntang CHAP pero bago ma reach namin ang lugar nadaanan din namin ang ang tinatawag nilang Mahogany Man Made Forest.

Andami na daw nagshoot dito for movie at ang chika ni kuya tour guide nagshoot daw dito ang twilight.
Napa-wow ako bigla mala Coco Martin! Wow!




Pero ewan ko ha kung twilight nila Bella at Edward Cullen yung tinutukoy niya o yung twilight na movie nila Tyron Perez at Allen Dizon? hihi

Credits to chyngreyes.com 

 Well it's my fault , hindi na ako nakapagtanong for clarification basta twilight yun na yun.

Hindi na kami nagtagal sa lugar at dumiretso na agad papuntang (CHAP) or Chocolate Hills Adventure Park .It was situated at Camanayon, Buenos Aires Carmen, Bohol
(sosyal diba lakas maka Argentina lang).

Medyo it's raining men ng dumating kami at nagtago na si Sunshine Dizon pero gora pa din.The entrance fee 60 pesos.

Maraming pakulo ang adventure park like
zip line, canopy walk, hiking trail, bike zip at marami pang iba. Gustuhin man namin gawin lahat pero dahil sa sama ng panahon (sa sama ng bulsa hihihi) umindi na kami. Lahat ng activities may nakaakibat na fee pero meron din sila nakapackage at combi na makakatipid ka.

Aside sa mga activities ng park, ito na yung most awaited part ng tour ang makita ang Chocolate Hills.




Sabi nga nila hindi kumpleto ang Bohol Trip without seeing the hills.

Pero juice mio marimar kelangan mo pang maglakad paakyat ng mga 438 steps papuntang viewing dick este deck .

435,436,437,438 ha! hoo! Tubig plsss! Hiningal kami ng bongga lalo na si Jikoy.

Pero nung makita namin ang view sulit.com naman.

Ka-shape lang ng nose ko!

Pooop!


Atlast! Is'nt amazing????
Choco na Choco!

Nasa taas na kami at kumakanta pa din si Regine ng "Tuwing Umuulan" akala namin hindi na titila pa ang ulan buti na lang effective ang sun dance ko at unti unti unti unting humina.

Sa may viewing dick ano ba yan lagi na lang ako na mimispronounce I mean  deck din matatagpuan ang sikat na adventure na bike zip .Ito yung 275 meter zip line gamit ang isang pang-bundok na bisikleta. The Bike Zip Php 400 papunta pa lang sa kabilang bundok then another Php 400 ulit pabalik pero may option ka naman lalo na kung nagtitipid ka :) ang kelangan mo lang ay tumawid without the bike and its free charaught! Joke lang Php 400 lang papunta at pabalik.

Before naumpisahan ang bike bike keme may Q & A portion pa like may history ba ng sakit sa puso sa pwet charot! Dapat kasi emotional at physically fit bago ka isabak.





Unang sumalang si Steph. Sayang hindi naputol ang wire hahaha (evil laugh)



Pangalawa si Jikoy na ako mismo natakot sa cable wire kung kakayanin ang bigat nito.


Pangatlo si Bessie na akala ko ang lakas ng loob yun pala kung makasigaw wagas!

Nung ako na may biglang nagradyo from the reception area:

Girl on Radio : Ilan na lang andyan?
Crew 1: Isa na lang , cguro last na 'to kasi medyo may nakikita na kaming kidlat delikado to.
Girl on Radio: Cge hindi muna kami tatanggap dito.
Crew 1: Sige last na 'to
Crew 2: Nakuu yung CCTV nga nasunog nung isang araw dahil sa kidlat , dalawa yun ha.
Ako: Ahh excuse me nakaka-attract ba ng kidlat itong tower.
Crew 1: Oo!
Ako: (Natakot) Cge Kuya bibilisan ko na lang po para matapos na tayo nakakashokot naman!


Eto na pabalik na!


Pak!


Boom!


Panis!


Oo Charo binilisan ko talaga dahil ayaw ko matosta!

Pak we survived the Bike Zip! kakaibang experience.
Mapapa - Ave Maria ka
Mapapa - kapit ka sa bisikleta ng akala mo wala ng bukas
at Mapapa-sigaw ka .You should try this adventure :)

Eto na ang last stop para sa land tour. We paid Php 1,300 sa tour kasama na ang lunch (activities sa Chap not included) 

Kung may plano kayong pumunta ng Bohol just contact Mr. Romie Comiso contact # 0926-710-3051 or 0946-460-2994 ambaet po niya sobra at ganda ng sasakyan niyang Avanza . The tour fee was based sa 4 persons at siguro kung marami mas mura.  


Ayun si Kuya Romie at sympre ang mga fans ko! Anjirap talaga maging sikat!
Dami nagpapapicture daming bookings daming daming basta! 

Abangan niyo  dahil may pasabog ang artista sa next post ...


16 comments:

  1. The best ung biking experience niyo on top of the hills!! Diko naranasan to when I was there last year. :) Should go back. :D

    ReplyDelete
  2. Wala pa rin yung picture na promise mo! *hahaha*

    ReplyDelete
  3. ka ingit yong biking ek ek...hahahaha! at least bohol still looks amazing after the quake:)

    ReplyDelete
  4. Pumopogi si Jikoy a! At lumaki din ng konti.

    ReplyDelete
  5. ay ang sayaaaa nomon niteeeezzzz hihiihihi

    ang echosera lang ni manong sa twilight na chika. haha

    ReplyDelete
  6. must-try ang biking in the air. :)

    ReplyDelete
  7. nah! nakakamiss tuloy mag bakasyon sa bohol! there's a lot of fun talaga in bohol! nice post! have a great weekend dear :)

    http://lavinajampit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  8. Mukang exciting, nag-enjoy ako sa panulat mo. haha! Wala pang bike zip nung napadpad kami sa Bohol.

    ReplyDelete
  9. Oh! I miss the island terribly. Proud Boholana here---body and soul! :)

    ReplyDelete
  10. Hi there to every body, it's my first pay a visit of this
    webpage; this web site consists of remarkable and in fact excellent stuff for readers.


    my blog post ... browse this site

    ReplyDelete
  11. BAt wala kang ANTm pose? Tsk, di ka na fierce.

    ReplyDelete
  12. kakaibang adventure ang bike zip na yan, wala pa nyan nung pumunta kami. tsaka yung deck na kung san umakyat kayo ng 438 steps pansin ko bago na, dahil nasira yung dati sa lindol kamakailan lang.

    ReplyDelete
  13. OMG! Timing itong post na ito, Bohol kami next month ng mga officemates ko, at sakto ang ganitong challenge, sana magawa ko to! Nakakatakot sya ha! :D Dito na talaga ang #Yolo at maraming dasal talaga to for sure! :D

    Ingat!

    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  14. musta na....

    nakakatakot naman niyan pero mukhang masaya.... sana ma experience ko yan....

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!