Monday, August 25, 2014

# Boom Bohol



Steph: Kilala kita Josh dadaan muna ang isang buwan bago mo ma-iblog 'to!



Pwes! dyan ka nagkakamali Steph dahil ibablog ko na ang trip natin sa Bohol!



I attended the travel expo last July at nagkataon din na si Steph (my number 1 hater at officemate) may planong umuwi sa Bohol her province to visit her family.The expo gave us a very good deal sa tix back & forth kaya I also bought another ticket for Jikoy as a gift for his birthday last July 17. It cost us Php 1,200 for the tix each balikan na. 


Jikoy, Ako at ang #hater kong si Steph

Ayun dumating nga ang araw na aales kami at kahit may takot pa din na sumakay ng eroplano push pa rin ng push sayang naman din ang ticket kung aatras pa at sayang yung binili kung two sets ng brip para sa swimwear competition hihi. 




Takot na may halong excitement dahil first time ko ma-meet ang mga friends kong tarsier at ofcors makakasama ko si Jikoy. Kung maalala ko last January pa huli naming bonding sa labas lagi na lang kasi sa loob hihihi .. Alam mo na yun ;)



Well, on time nakaales ang plane at after isang oras at ilang minutong emote emote sa himpapawid nakarating din kami ng buo safe and sound. Hindi kami na ocean deep o na natamaan ng missile salamat talaga. 


Sinundo kami ng dalawang kaibigan ni Steph sa airport at isa sa kanila ay si Bessie na galing pang New York. Si Bessie ay ang makakasama namin sa buong stay namin sa Bohol. She knows how to speak Bisaya and English pero nahihirapan siya magtagalog . Kaya nagbaon ng tissue si Jikoy dahil sa language lang na English sila magkakaintindihan. 


Dumiretso kami agad sa bahay nila Steph na kwento niya near lang daw sa syudad pero ending far far away pala. Pag nagkwento siya parang Cubao to Galleria lang ang layo ay yun pala Cubao to Mall of Asia kaloka! 



We stayed at Steph's house kaya ibig sabihin accomodation at food ay libre. Kaya gusto ko sumabay sa mga umuuwi ng probinsya dahil hindi ka lang makakatipid mapapamura ka pa tang *na free haha! 

Kaya kayo pag may balak kayong umuwe makikijoin ako ha? pramis hindi ako sakit sa ulo! 

So mga kaibigan nakatulog na si Jikoy nakapag nail cutter na ako ng kuko hindi ko pa din ma sight ang sinasabing malapit lang na bahay niya. So after 45 years atlast narating din namin ang haus na sinasabing "malapit lang" lols



Ito na naman si Steph storytellling na naman na nasa likod lang ng bahay nila ang dagat .Sa isip ko as in likod lang talaga ay kaloka tong si Steph nagwalkathon kami ng kahaba haba pinawisan na ako sa kasingit singitan at halos mahimatay na si Jikoy sa kakalakad dahil sa katabaan bago pa namin nasight ang dagat.


tsss mabuti na lang white sand kung hindi nakuu malaki pa naman tong bangka chos!



Since hapon na kami dumating hindi na kami gumala pa at binuhos na lang namin ang oras sa pagtulog.  Actually, bumili pa si Steph ng alak pero hindi na ako nakitagay sa kanila ni Jikoy una akong nakatulog hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila hmmm ....Alam kong maypagka ahas yan si Steph pero mas ahas ako sa kanya charaught! 
That's how our Day one ends.

Are you redi for the Day 2? 
Tara!



Here we go!

Blood Compact


Dumating kami na may meeting sila at nagtatagayan kaya hindi na namin sila inabala pa para magpapicture umalis na lang kami agad. So far wala naman akong nakitang dugo keme! 

Baclayon Church


Remember last year nung may malakas na earthquake na tumama sa Bohol? Isa ang Baclayon Church sa hindi nakaligtas at nasira na gawa pa naman sa coral stones at egg white! 

Teka sino yung nakadenim na damit Baklayon diba? Lols

Loay Church 


Just imagine kung gaano kalakas ang lindol at bumagsak ang chuch ng Loay. Literal talagang nalaglag pati panga ko nung makita ko 'to.


Kaya Jikoy iiwan ka namin dyan at i-hug mo yang bell tower na yan baka malaglag pa.Okay?

Prony & Baby Prony
Entrance Adult Php 30 , Kids Php 10


Kung hindi london bridge falling down ang mga church deds na din pati ang biggest python na si Prony. Ang tsika nalunok daw niya ng buo ang tagabantay nito at tsika naman ng driver namin sa tour na cardiac arrest daw. Pero I conclude nakalimutan ni Prony huminga kaya siya nag stairway to heaven hihihi (korni).


Oo alam ko kawawa ako kasi late na ang pagpunta ko dito sa Bohol! Huhuhu

Yan sige ahas kainin mo si Steph na kapwa mo ahas lols

Wait! May naiwan pa naman na mga dabarkads si Prony. Pero juice colored tutulay na lang ako sa alambre wag lang ganyang trip.


Hindi niyo lang alam pumatak ang luha ko dyan. Tse hindi tears of joy , tears of takot!

After ilang push na-try ko din na mag sit beside sa mga kaibigan ni Steph for one second and one picture. 
"Sabihin niyo na lahat na matatakutin at bading ako dahil kahit busog sila hmm yung mga tipo ko pa naman ang yummy sa paningin nila"

Itak Maker

Ayun umalis kami agad at may nadaanan kami na gawaan ng itak. Pinatabi ko muna ang sinasakyan naming van at bumaba para makabili ng isa at pangsaksak sa mga ahas dyan charaught!

Tigabo Hanging Bridge 
Entrance Php 20


Dinaanan din namin ang twin hanging bridge na 'to na gawa sa kawayan. Sayang hindi naputol para mas masaya chos! 
May makikilala din kayo na sikat na tao na andyan nakapwesto pero sikreto kung sino siya punta na lang kayo dyan dahil pag ibablog ko na lahat baka mawala na ang excitement niyo lols.

San Pedro Church in Loboc


Famous ang church na ito kung saan nagshoshow ang sikat na Loboc Children's Choir pero look nasira din ito. Sana mabuo ulit.

Loboc River Cruise & Floating Restaurant 


Eto na ang pinakahihintay namin ang mag cruise at kumaen! Ito yung isa sa pinaka excited kong puntahan at gawin ang KUMAEN hahaha este ang mag sheryl cruise .Buti na lang at ma- sunshine cruise kaya masarap talaga mag rayver cruise nung pumunta kami.Nakakamangha ang linis ng tubig! Wasabi gondo talaga!


Sana maging ganito ang Pasig Riverrr!


Kasama sa tour ang buffet for lunch. So habang naglalayag ka kumakaen ka! 


Jikoy: Ano 'to water lily? 
Us: hahahaha! 


Crabs: Olalalala! Oh lumapit ka at kainin mo 'ko


May nanghaharana din kaya ang soyo lang! 


May sing & Dance din! Actually naki-dance din ako pero shy ako i-upload yung video baka sabihin niyo na "Josh ang galing mong sumayaw pwede ka ng huwag umuwe ng Manila at sumali sa kanila"  at taka noh ayaw ko sila mawala ng career.


Steph natatae ka noh?

Huminto din kami dito para masilayan ang mini falls! 



Cge tatalon ako!

Ayaw ko mang matapos ang paglayag namin no choice kung hindi back to daungan ulit kami. Tinakot ko na nga ang bangkero inoffer ko na pati katawan ko pero was kelangan na talaga bumalik..

Tarsier Conservation Keme!


Looking forward din ako namameet ang mga pinsan ko ay ni Jikoy pala na laki mata! Kaya nung makita sila ni Jikoy nagkahiyaan pa sila. Naiintindihan ko naman sila kasi graveyard shift din tong mga tarsier na gising sa gabi tulog sa umaga.

Hello po! 

Ayun oh! Pero yung isa hanep gising pa! Ano kaya account niya siguro morning shift charoot!


Eh ano na lang to sila hahaha! 

Puputulin ko muna ang kwento kasi natatae na me .. Pramis ipopost ko agad ang next! Pati ang nagastos namin sa tour plus the contact number ... Babush muna!


17 comments:

  1. pagpasensyahan niyo na my page still under enhancement hihi

    ReplyDelete
  2. Hahaha,sbf MAS AHAS KA~Hhahahha... hindi to maiintindihan ni bessie, kelangan mong etranslate to in english!!HHAHAHA

    ReplyDelete
  3. Wahh! Nawala comment ko:)
    Anyway, miss ko na rin mga bloggers friends like you. Too busy lang ako kaya nag stopped muna ng blogging.
    thanks for making me laugh sa adventure nyo:))

    ReplyDelete
  4. Asan na yung picture na ni-promise mo? *hihihi*

    ReplyDelete
  5. Uban sad ta ha inig-uli nako ug Bohol. Hehehe. Promise, sa Tagbilaran ra amoa!

    Naa nay bayad ang kawayan bridge? Wow. Business minded na jud kaayo ang mga taga Bohol dah!

    Ug na disappointed to nganong wa ga blue brip sa Loboc River. hahahaha

    ReplyDelete
  6. aww, deds na pala si prony. na-try ko sya hawakan pero saglit lang, wala pang one second haha.

    sayang mga simbahan at iba pang structures sa bohol, sana maayos pa nila, thankful na nakita ko sila bago nasira.

    ReplyDelete
  7. Nakakamiss si Prony..nung nagpunta kame last 2013 buo pa siya..ngayon buto na. :(

    ReplyDelete
  8. Libreng byahe na matatawa kapa, naiiimagine ko si Steph (close lang) habang binabasa ito haha

    ReplyDelete
  9. Kakalungkot naman yung nangyari sa churches. Sana maayos sya kagad. =(

    ReplyDelete
  10. hong sarap naman ng Bohol adventure nyo :)
    nakakapanghinayang nga lng yung mga old heritage churges na sinira nung lindol last year >_<

    ReplyDelete


  11. Ang mura ng tix ha...
    natawa ako bigla sa two sets ng brip imba lang!!
    Paps ang ganda ni Bessie.. panalo...

    Tara pampanga next time paps hahah..

    Sayang yun mga heritage ng simbahan..

    Natawa namana ko sa kwento mo kay Prony....

    Super enjoy ang bohol mo ha...
    sana ako din makapunta!!

    ReplyDelete
  12. HAHAHAHAHA! Nice at nakapag Bohol ka na! :) When naman sa Cebu? :) Anyway, natawa ako ng marami mga... hindi ko mabilang kasi naman kung maka Sheryl, Sunshine and Rayver Cruise eh! Rhyme na rhyme! :) Galing mo talaga mag post. :D

    Ingat!

    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  13. Ang bongga ng trip, ng pictures ng food! Ikaw Josh, andun ka na e hindi mo pa tinayo ang Loay church! Sayang ang chance :)

    ReplyDelete
  14. Ang bongga ng trip, ng pictures ng food! Ikaw Josh, andun ka na e hindi mo pa tinayo ang Loay church! Sayang ang chance :)

    ReplyDelete
  15. Nakakatuwa basahin ung blog mo. I'm a fan now. :)

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!