Tuesday, December 8, 2015

Hello :) It's me!


It started with sobrang frustrated at depressed dahil I already renewed my subscription sa GoDaddy.com pero hanggang ngayon hindi pa rin naibabalik sa kulapitot.com ang page ko :( Nawalan ng gana kaya sabi ko sa sarili ko ayaw ko nang mag-blog para saan pa? .. Pero para saan ba nga ba? Hay :(

Pero bat andito ako ngayon at nagsusulat binuksan ulit ang blog sa sobrang haba ng panahon na hindi na nabisita. Para saan ba nga ba? Nakakamiss din pala , nakakamiss ang mga tao at mga kapwang blogero nagpapalitan ng komento sa isa't isa at yung feeling na merong nakaka-aappreciate sa mga kwento mo na wala na mang laman. May ibang kilig na kumukurot sa puso na dito lang mahahanap at kaligayahan na walang katulad.

Nakakamiss din pala kahit alam ko may nagbago na

Na hindi ko na maibabalik ang nangyari na...

If only I can undo things pero wag na, ganun talaga ...



Charot!

Kaloka yung intro ko may ma sabi lang hekhek ..Ganito kasi yan dyusko ambot lang ! Sinabihan ko na yang letseng GoDaddy customer service nila lahat ng pananakot ginawa ko na wala pa rin epek ayaw pa din ayusin yung domain ko na nirenew ko na at BINAYaran ko na!! 

Ano sila Hello! Ano ako nagpapacharity at ginaganito nila ako! Pwes dyan sila nagkakamali dahil makakabawi din ako sa kanila sana tubuan ng pimple ang mata nila at magka athletes foot ang bunganga nila .. Nakakagalit grrrr!


Magsusulat ako ulit . Hello its Me :) 

kbye.tnx




Tuesday, April 14, 2015

Beware : For Virgin Onli




Wow ha at nagclick ka sa post , bakit Virgin ka pa ba? Hmmm yung totoo?

Tuesday, November 18, 2014

Happy 5⃣



Happy ✋💋 five years sa ating dalawa Kulapitot. Hindi man perfect ang ating relasyon pero nakakaraos pa rin tayo. Ano pa bang masarap na sabihin at ibigay na gift sayo kung hindi I ❤️❤️❤️❤️❤️ You!  Oh kelan ka magpopropose? 💍 hihihi

Babalik na ulit ako sa pagbablog pramis...