Tuesday, April 14, 2015

Beware : For Virgin Onli




Wow ha at nagclick ka sa post , bakit Virgin ka pa ba? Hmmm yung totoo?



At nag want more ka pa? Asus hindi nga? Talaga?Promise? Mabagsakan ka pa ng bubong ngayon? lols ...Kasi ako aamin ko ako din virgin pa..Aray ang sakit ng bubong hahaha  virgin pa sa teynga yiee ...

Anewei aney anengyere?Anong petsa na at ngayon lang ulit nakapag-post. Madami ng dumaan at lumipas naunahan pa ako ng The Buzz na magoff-air at si Marian kinasal at nabuntis na!Si ano streyt na at si ano na blogger ayun pa-men-ta pala kaloka! Ang dami na nangyari! Hay! Long time no post , pssst na-miss ko kayo kahit napapansin ko unti unti ng nawawala ang mga kaibigan ko dito sa blogworld na like me hindi na rin nakakapagpost at ang iba tuluyan ng gumive-up at ang iba naman ayun eto boldstar na. 

Alam ko kung sa sinaing inamag na kung sa milktea nalason ka na pero hayaan niyo na ituloy ko ang kwento ko :)


After namin mag dive sa Balicasag tinanong ko si Steph kung anong next destination at ayun pupunta daw kami sa Virgin Island. Nag worry ako bigla kasi baka ako lang pwede pumasok sa isla at baka maiwan sila sa bangka. Feel ko kasi ako lang yeah ako lang ang hindi pa naano yung ano basta virgin pa char! Never been touch ,never been kiss pa ako noh sa pores! 

Kahit nag-aalala ako sa mangyayari si tita naman confident na confident na makakapasok din


Tita sure ka?

Hindi naman kalayuan ang isla from Balicasag isang kurap ko nga lang andun na kami. 

Welcome to Virgin Island ang isla ko ,isla naming mga wala pang karanasan ganern?

Agad agad akong bumaba sa bangka dahil na-excite ako pramis sa magandang sandbar nito. Nagpa iwan ang mama ni Steph sa bangka nung bumaba kasi siya nag-alarm so confirmed. Buti nakapasa si Jikoy kasi alam ko hihi ayaw ko na magkwento..


Diba Jikoy?

Maganda ang isla dahil sa white sand nito though hindi siya magandang lugar para magswim. Ang tubig sa lugar ay mababaw lang at pinapalibutan pa ng maraming halamang dagat plus direkta ka talagang natatamaan ng sun dahil wala masyadong puno sa lugar.


Nagtaka ako bakit nakapasok si Steph sa isla hmmm ayun pala iba na pala ang name ng isla from Virgin Island to Isola di Francesco pero according to my sources mas kilala pa din siya as Virgin Island. Pero naintindihan ko naman ang may-ari ng isla kasi naman ilang beses na itong napasukan , labas pasok ng TAO  kaya hindi na cya virgin hihi.


Diba direkta , direct na direct :)

Speaking of direktang natatamaan ng araw pramis alam kung maitim na ako pero dito ako natosta ng bonggang bongga. Hindi rin kasi ako nagpa-awat aber nilubos lubos ko na 
. Kaya sabi ko kay Steph ilabas ang camera magpipictorial ako!


Sabi ko ilabas ang camera hindi lechon!

Dahil inggetera si Steph nakisali na rin.


Ayaw din paawat ni Bessy!


Nauumay na kayo noh?


Wapak wapakels lols


Ganyan kami ng bff kong si Steph ! basa basaan :) 
So nagbihis na kami ulit alam ko umay na umay na kayo

Before kami umalis dumaan muna kami kay God at humingi ng tawad at nababoy namin ang isla. You can find this sa mismong isla din.


Sorrry po!

At si Bessy tumikim ng sea urchin madami din kasi nagbebenta ng ganito sa isla.


Nakakalungkot man pero kelangan na naming magbabu sa isla pabalik sa mainland. At binaba kami ni manong bangkero sa tinatawag nilang Alona Beach ang mini Boracay ng Bohol. Taray talaga nakapag isip ng pangalan ng beach very very mahirap hihi.


Ang pino ng sand pramis!


Pagoda pero masaya sobra kahit na tosta :)


Maituturing ngang ala Borcay dahil sa pino nitong white sand at sa mga turista all over the rainbow este world. Marami ding bars , souvenir shops at mga nag oofer ng tours plus may mga hotels at inns na din. Gusto ko pang suyurin ang lugar pero ang mama ni Steph ihing ihi na. At dahil hindi na nakatiis si mader pak umihi na lang siya sa may gilid ng hagdanan na kung saan dumadaan ang mga tao. Walang takip takip i dont know pano niya nagawa na hindi man lang siya nabasa. Basta umupo muni muni tas ayun nakaihi na siya. Wala lang bilib ako.


Para paraan si Tita!!


At bago ko tapusin ang kwento Salamat sa pinakamagandang photographer namin !

Namiss ko kayo pramis! May bago na akong work hindi na ako callboy ngayon manager manager na ang peg at puro gala . Actually dami ko ng napuntahan at sisikapin ko maikwento ko sa inyo.. Throwback post muna pang appetizer para makabalik na talaga sa pagsusulat :)


Hope okay kayo lahat! Dahil ako eto nakasandal na hindi ko na kaya ang stomach in sa buong kwento na 'to winks!





19 comments:

  1. At talagang nagbalik sa blogging with plenty of brief poses. Summer na summer ang dating dahil ang init init ng nilalaman. Welcome back, may guessing game din ba itong post mo? Lol!

    ReplyDelete
  2. Ang hot ng post na ito , ang daming brief poses , summer na summer he he : )

    ReplyDelete
  3. omg, tumataba ka na naman! brief kung brief noh?

    ReplyDelete
  4. ang saya naman ng summer nyo :D

    ReplyDelete
  5. I love Virgin Island! Something about sandbars and their fleeting, now-you-see-it-now-you-don't nature. I've been there and your post reminds me that I should also share my own experience there too! Salamat! :)

    www.sunsetgoddessmanila.com

    ReplyDelete
  6. OMG!!! Eto yung namissed namin puntahan ang Virgin Island :D hahaha :D ganda sa balicasag island noh? My latest post is also about it :)

    xx,
    Jewel
    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  7. Kulapitot sulat kna ng bago please hehe

    ReplyDelete
  8. click over here now m2o16w1n25 louis vuitton replica replica bags uk g0b78t4n94 their explanation x5p29q4g26 replica ysl handbags replica bags vancouver replica bags in pakistan find more information h2e83o1x87 replica bags sydney

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!