Monday, January 20, 2014

Home

I'm at home lang for three days na dahil maysakit .. Ewan ko ba parang naging masakitin ako lately hindi naman ako nagpapabaya tsk tsk .. Well, bago ko simulan ang kwento ipagtitimpla ko muna kayo ng kape para sa malamig na weather condition at kelangan ko din 'to kinakabahan kasi ako sa bagong  look ng blog ewan ko kung magugustuhan ninyo..Dahil bored at nasa bahay lang nag-aarange arrange ako ng very light at ta dan eto na itsura niya.


Hindi tong kape , yung new face ng Blog ko :)
Oks ba o chararat? Medyo hindi na siya bright masyado pero keri lang pagchaka palitan ko na lang .

Speaking of home , finally nakauwe na din ako after three years sa amin at nanghihingi ako ng sorry sa Mama at Papa ko dahil kung saan saan ako nakakapunta pero ngayon lang ako nauwi sa amin. Nakauwi na din ang anak niyong nognog, performer at ayaw magpakabog from kindergarten hanggang ngayon.




Ako to nung hindi pa uso ang gluta at mga papaya soap hihi 

Sa pagbalik bayan ko nakita ko ulet ang mga kapatid kong naiwan sa bahay, si Christina na malandi pa kesa sa akin si James na pinapaaral ko sa college, si Michael na dats may tambay na after magquit sa pagsusundalo, ako sympre na alam na maputi na ng konti at si Ate Elaine na wag na kasama ko naman dito yan sa Manila lols 


5 out of 8 wala kasi si Kuya Noel  busy sa work si Ate lourdes naman nasa ibang bansa at si Argie nasa work din. Sana sa darating na Christmas magkakasama kami lahat para happy family na.

Bukod sa bonding bonding moment hindi ko na din pinalampas ang kumaen ng kumaen ng mga favorite kong pagkaen at sympre matulog ng bongga


Kashi nemen eh fiborit ko talaga fish :)

Well, isa din sa mga rason kung bakit ako umuwe ay para maging flower girl este best man ng ate ko sa kasal niya. Madami na din pinagdaanan tong ate kong 'to kaya ang saya ko at finally she found her true love at true magic kay Kuya Wendel na sobrang baet din.


Taray ayaw pakabog sa Gown!

Magaling tumira kasi si Kuya Wendel kaya natira niya agad ang (oi ang bastos niyo!) haha natira niya agad ang puso ni ate . Eh kaw ba nun isang sundalo eh matatamaan ka agad! 


Sabi ko "Kuya Wendel hindi ako nainform na tatakbo ka din pala sa eleksyon! " 
Bagay pala sa akin mag barong pero mas bagay talaga sa akin yung gown ni ate! Lols!


At ayaw patalo ni Mader at Pader . Si Mama si Gloria ang peg at si papa kala ko si Sec. Butch Abad!


Ayun bongga naman ang kasal ni ate at NKKLK (nakakaloka) lang dahil konti lang pumunta sa church pero sa reception box office. Kaya pag ako ikakasal sa reception ko na din gaganapin ang kasal! Huh! 


Si Rjay? Sympre hindi mawawala yan dahil part na rin siya ng pamilya at kilala na din siya nina Mama at Papa. Hindi ko alam kong alam nila pero siguro alam nila hindi lang sila nagtatanong o kaya nahihiya lang. Siguro bibiglain ko na lang sila na ako na pala isusunod na ikakasal at ibabahay hahaha!


Sobrang saya ng feeling na nakauwi at nakasama ang pamilya , ibang klaseng saya na hindi ko maipagpapalit sa lahat ng mga napuntan kong lugar. Iba pa din ang lugar na kung saan ako unang nangarap at una akong u-maura! Chos! 

Im home! Dinas, Zamboanga del Sur! Ikaw kelan ka uuwi?

17 comments:

  1. Kanindut. Ako unta pod makauli sunod.

    Congrat sa imong Ate ug Kuya Wendel.

    ReplyDelete
  2. I am so honoured to have met your family here in your blog. You're right, family is the main reason why we always go back and the togetherness it brings is something to look forward to. This post is about love and hope. Love your new home/blog.

    ReplyDelete
  3. Pagaling ka Kuki! Kaloka talaga ang reception sa mga kasal! Hahaha... Dinudumog! Lols.. Congratd and best wishes to your ate and kuya.. In fairness, bet ko din yung ganung design ng gown.. Hehe... At bagay sya sayo at saakin.. Hahahaha

    ReplyDelete
  4. Medyo di ko gusto yung gray color, masyado kasing dark, pero natutuwa ako sa header. Very clean and simple.

    Wow overachiever ka pala nung bata ka, with matching medals pa. Samantalang ako ni isang medal wala hahaha... (wow pinamalita ko pa talaga, proud?).

    In fairness maganda ang gown ng ate mo ah, bongga sa ruffles! Congrats sa ate mo.

    ReplyDelete
  5. There's no other place like home. :)
    Magaling ka na ba Josh? Tara, gala na! Sa 26 huh. :D

    ReplyDelete
  6. bongga!

    hantaray miss zamboanga ka pala! loves it.

    ReplyDelete
  7. gusto ko ang new look ng iyong blog :)
    sa tingin ko mas naipapakita nito ang iyong personality.
    ang gaan sa paningin, madaling basahin.

    nakakatawa naman yung eksena sa kasal-
    kaunti lang sa simbahan pero box office sa reception lols, alam na!

    get well soon!

    ReplyDelete
  8. Home sweet home :) Hoping for more love to come. ;)

    ReplyDelete
  9. Oh! Kaingit naman family bonding:)
    Buti uuwi na rin ko soon:)
    Congratulation sa sister mo:)

    ReplyDelete
  10. woot? ayus naman tong new look ng blog mo. pero nami-miss ko talaga ung yellow version hihihi

    biggie congrats ulet kay ate mo Josh. best wishes!

    ReplyDelete
  11. Ooohhh...sad you're sick. Namiz ko and dating vibe ng blog mo na super loud ang pagka-neon. Ang sarap magbalikbayan diba? Sayang wala kaming province. Paandar ang reception venue ha. Ganyan lagi, mas maraming tao pag kainan na. Hehehe...

    ReplyDelete
  12. Naku! kung ako papipiliin at kahit ilang personality test pa yan or character test, mas mahilig daw ako sa bahay lang :D CHOSSS! HAHAHAHA :D Pagaling ka, bawal kaya magkasakit ngaun. :P

    ReplyDelete
  13. Congrats to your sister! I love weddings, haha! Sana makauwi kami sa Pinas this year. I really miss spending Christmas back there! Mas masaya pasko pag kasama relatives and cousins. Mas bongga ang celebration :P

    ReplyDelete
  14. Hi Kulapitot! Tunog maharot ahahaha bet ko ang name ng blog mo :) Nakakatuwa naman basahin yung mga posts mo, nag-eenjoy ako. Aliw!

    Salamat sa pagbisita sa blog ko, natututwa ako kapag may bagong visitors at tao sa rarely visited kong page. Sana makasama ako sa mga bloggy friends mo:)

    ReplyDelete
  15. Microsoft does not offer any sort of comparable option for
    gamers, and while they offer some streaming compatibilities, Sony does as well, so
    there is no comparison when it comes to drive technology.
    The Xbox 360 delivers many new features that players will cherish:.
    There are several levels and hurdles that the players must complete before time
    runs out.

    Also visit my page psn code entry

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!