"Hay nakuu trabaho na naman" ,
"Hay papasok na naman"
" Hay paulit-ulit na lang ang routine ko"
relate much ba?
Ganyan kasi ako hindi naman lagi pero slight lang hihihi. Minsan kasi may gana at minsan demotivated talaga lalo na pag dumating ang sahod at abrakadabra ting!ubos agad pambayad lang ng mga obligasyon sa buhay.
Well, kahit ganun maniwala kayo sa hindi mahal na mahal ko ang trabaho ko. Oo! As in mahal na mahal excited nga ako lagi pumasok sa office at magtrabaho kahit maysakit ako at halos di na makatayo go ng go pa din ako!
Bakit i love my job? Dahil ...
10. Nganga na lang ba ako?
Tinatatak ko sa isip ko na pag hindi ka pumasok wala akong kakainin! Ang trabaho ko ang nagpapakaen sa akin.
9. Nagpadala na ba ako?
Ang trabaho ko ang tumutulong sa akin sa pagpapadala ng pera sa mga magulang ko at sa kapatid kong nag-aaral sa college!
8. Gusto kong gumala diba?
Hindi ako makakapagtravel kung saan saan kung wala ang trabaho ko.
7. Paano na si Savings?
Sa oras ng walang wala na talaga at sa mga hindi inaasahan na pagkakataon ang pera naitatabi na galing sa trabaho ang tumutulong sa akin sa oras ng kagipitan.
6. Bet ko?
Hindi na lang ako hanggang tingin at nabibili ko ang gusto ko.
5. Less pagod less alala
Dahil sa trabaho ko hindi ko na inaalala ang paglalaba at minsan pagluluto #instant.
4. Komportable ako
May maayos akong matutuluyan , may malinis na tubig na galing Maynilad at may liwanag ang buhay dahil kay Meralco.
3. Tatago o tatakbo?
Hindi ko na kelangan magtago o tumakbo dahil may pambayad ako sa mga utang ko.chos!
2. Lucky?
Sa dami dami ng naghahanap ng trabaho na ilang beses na nagtatry hindi pa rin nahahire lagi kong iniisip "swerte" ako at may trabaho ako!
1. I dream
At sympre Love ko trabaho ko dahil may pangarap ako!
Tapos na ako mag internalize at magself talk , kaw naman! Bakit mo love ang job mo?
Intayin ko sagot mo pero but for the meantime gorabells muna ako dahil papasok na ako sa work dahil love na love na love ko trabaho ko! Char!
(Ano ba yan papasok na naman! Hahaha)
Kapag nagtatrabaho ka talaga wala ka na talagang ibang chice kunid mahalin ang trabaho na meron ka ngayon, at duon mo pagibayuhin ang iyong galing diba.. kahit pa sandamukal ang mga kontrabida sa trabaho eh ganun talaga.. sa paraan na lang kung paano ka tatagal... :)
ReplyDeletePEro ako naiisip ko pa talaga humanap ng ibang mapagtatrabahuhan...
Hmmmm..related much!!! Lalo na si number #8..dammit. I caught by my Supervisor doing my blogs once and asked me how when where who why and what is my priorrity?! You can't go anywhere else kung wala kang work. So I learned no blogging inside the office. Darn. Haha.
ReplyDeleteI also do my blogs in the office and I use office resources; internet, laptop, photoshop, and have my photos stored in a company provided 2TB HDD. I meet all my deadlines kaya hinahayaan na nila ako..ahaha!
DeleteMas nakakapagod kapag walang trabaho e kaya love ko ang job ko ;)
ReplyDeleteHaha.. Isang malaking check dito Kuki. Mabuti at magaling ka na makakapagtrabaho. Kapag demotivated, walang ibang makakaencourage satin kundi ang ating mga sarili nga naman.
ReplyDeletenaku, sa panahon ngayon bawal ang aarte-arte. basta mapagkakakitaan, go lng ng go! basta in Legal ways hah. bawal ung illegal na raket nyahaha!
ReplyDeletehahaha, ang galing mo naman mag-motivate sa iyong sarili, tama ang lahat ng iyong nabanggit! :)
ReplyDeletebakit ko love ang job ko?
siguro kasi natutunan ko kung paano intindihin ang iba at masaya kung alam mong nakatutulong ka para mapaunlad ng iba ang kanilang mga sarili, at nagkakaroon ka ng mas malalim na pag-unawa at panibagong pagtingin sa buhay, that's all thank you! hahaha
wala akong masabi about sa financial benefits ng pagiging guro haha, dahil lagi na lang yun ang huli sa pwede mong ma-appreciate lols :)
at tama ka, at the end of the day, blessed tayo na may mga trabaho :)
Totoo. Kahit pa andami nating reklamo minsan lol (hello monday), at the end of the day, we are blessed to have our jobs. Haller, ang hirap kaya maghanap ng work ngaun! haha! :D
ReplyDeleteGo, go, go sa pangarap!
I love my work because I can be creative there and also all of the above that you wrote:)
ReplyDeleteI see my job not as work but a part of my learning, with salary of course. The best thing about going to school is seeing the smiles from the children, and that's when my day begins.
ReplyDeleteI see your point. Actually lahat ng nasa taas na nalista mo ay napakatotoo Nget. Minsan talaga nakakatamad kaso pag tamad lage, apektado ang sahuran eh. Like kahapon absent ako. Buti may sick leave ako.. ho ho!
ReplyDeleteI love my work kasi dito nag aaral mga anak ko. hindi ko kaya magpa aral sa international school kung hindi ako dito nagta trabaho hahahha.....thanks for visiting my blog again fren. been so busy these days dahil sa mga junakis. ayan, pasok na naman sa opis..hay...
ReplyDeletehahaha! tamaaah! pag may wErk, you're financially confident anytime & anywhere. LOL!
ReplyDeletehttp://www.lavinajampit.blogspot.com
You have to love it for it to love you back too.
ReplyDeleteganyan din me...
ReplyDeletesaka, hindi naman ako stressed much na uber uber at di rin negang-nega ang atmosphere sa work kaya mahal ko ito.
Love ko rin job ko 'cos aside from providing me with the things I want/need, I work with fun people! Cheers sa'tin na vinavalue ang work. :D
ReplyDeleteSeryosong sagot? Hehehe Kahit may love-hate relationship ako sa trabaho ko.. pinaparamdam sa akin ng trabaho ko na may silbi at relevance ang existence ko sa mundo :)
ReplyDeletedami ka naman palang reasons to love your job, so wag ng magsawa so routine. ganyan din reasons nating lahat!
ReplyDeletesabi nga nila may mga bagay o gawain talaga na kahit nakakatamad gawin ay kailangan di lamang para sa ikakasaya mo kungdi ng mga taong nasa paligid mo (pamilya). Ika nga kung may isang bagay na ayaw mo maghanap ka ng 100 bagay na dahilan kung bakit mo ito gagawin..
ReplyDeleteOk lang love mo ang job mo kaso huwag lang masyado kasi hindi mo kung kelan ka hindi na love ng job mo.
ReplyDeletewow. make sense :) galing isang makabuhuhang post. minsan na iisipi ko dim yung kasi nakakasawa walang growth personally and for career pero maswerte din ako kasi di lahat may trabaho :)
ReplyDeleteSabi nga nila mahalin mo an trabaho mo at mapapamahal din siya sa ito, oo minsan boring dahil paulit-ulit pero masaya naman di ba?
ReplyDeletelove ko rin ang job ko ngayon, love na love! kahit pagod sa maghapon, kahit need mag-ot at mag-work pa ulit sa bahay to cope up with my peers, kahit di na ko nakakadalaw sa mga blog nyo (sensya naman!), kahit sa ngayon eh sa work na lang halos umiikot ang buhay ko, enjoy pa rin akong pumasok. di ko pa naiisip na 'papasok na naman!' kaya sana magtagal ako, ngayon lang ulit ako nage-enjoy habang nagwo-work. hehe...
ReplyDeletewoow akala ko pa-deep ang post na 'to. hehe. pero your one liners definitely make sense. yan yung mga bagay na hindi natin narerealize minsan, dahil sa sobrang tamad natin pumasok. :)
ReplyDeleteLahat ng sinabi mo totoo... but i dont love my job, having my current job is what i call need for survival... wala naman akong ma complain sa current job ko kasi ok naman .. onky thing is wala ako sa pinas at higit sa lahat di ako nag gro-grow mentally sa work ko. as for sa sinasahod ko.. mas ok pa rin to compare sa pinas kahit papano kaya di ko binibitawan kahit walng growing thingy na nangyayari sa akin. Importante i use this opportunity to save money para pag nawala to me pambala ako.
ReplyDeletei love my job dahil itong trabaho ko ang dream job ko talaga. :)
ReplyDeletegusto ko nang magtrabaho! haay.
ReplyDeleteOngoing giveaway here: Blossoming Wallflower
Oo naman. I love my job sir, I care for my job sir. LOL. I love my job kasi challenging sya everyday and not scripted, I mean paulit ulit :) Though I have this "lazy days" mode din. I usually dress up lazy and sometimes, I let myself late for few minutes, no pressure, but for me what matters most is I'm done or deliver my tasks on time. :)
ReplyDeleteCurrently, I am self employed, so I can't relate much hahahaha! Pero all the reasons you've stated are VALID for me. To each his own lang yan hehehe
ReplyDeleteSuper tumpak to kulapipot!! - I agree, though may mga kanya kanyang challenges ang work nating mas matimbang naman yung mga bagay na naibibigay nito hindi lang satin kungdi pati na sa mga taong sinusuportahan natin. Nakagala na, nakakatulong ka pa... Cheeers!
ReplyDeleteako, i always keep in mind the #2.. hehehe... yan lagi kong iniisip pag tinatamad akong pumasok minsan,, LOL!!
ReplyDeleteI agree! Kahit ano pang sabihin mo, you need to work in order to live (unless ba e supar yaman parents mo at trust fund baby ka. Hehheeh! Fantasy ko yun minsan nung naiinis ako sa work dati.) =)
ReplyDeletemas chalenge kung wala kang trabaho pls visit visit http://www.unemployedpinoys.com
ReplyDeletewant to earn money while at home??
ReplyDeletethen come and join us. Be a freeman. We are DTI registered.
member: Angelica Cuizon
ID# MI201406-0306
‘for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
THANKS =D
want to earn money while at home??
ReplyDeletethen come and join us. Be a freeman. We are DTI registered.
member: Angelica Cuizon
ID# MI201406-0306
‘for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
THANKS =D
ReplyDeleteDo you want to earn an extra income for your other expenses? Are you a student who wants to earn while studying to have an additional allowance? Are you an unemployed and want to earn just like employed ones do? If YES, this could be a help for you.
We are looking for Filipinos who can do data research and encoding by not just depending on the internet. A Filipino who can do other I.T works, such as SEO and blogging. If you are one of those, then JOIN US. And be a part of the community.
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com
replica bags delhi replica bags qatar zeal replica bags reviews
ReplyDeleteyeezy shoes
ReplyDeletehermes bag outlet
off white outlet
chrome hearts outlet
yeezy boost 350 v2
curry 9
kd shoes
kd shoes
hermes bag
off white