Sunday, September 8, 2013

KulaTRIPtot : Last Leg to the Last Frontier

Back read din pag may time heto oh Part 1 , Part 2 at Part 3 ....

Ako si Kulapitot isang blogero , gwapo at echosero at sa huling pasabog natin sa El Nido damhin at tuklasin ang mga nakatagong ganda nito...


Oks ba? Dun ka sa kabila may space pa ...

Uminom kami ni Mon nung gabing yun, hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari, nagising na lang akong walang saplot sa katawan, pagod na pagod , masakit ang katawan,amoy pawis, masakit pati si junjun, may mga galos na tila sinipsip ng maigi sa may bandang dibdib. Napasigaw ako "Hindi! hindi maari 'to" pinagsamantalahan yata ako ng mga  ng mga lamok! Hihihi!






Isa lang akong tao na may kahinaan char! 


Gumising kami at naghanap ng makakainan and it's part of our itinerary to visit this place na sikat at pinupuntahan ng lahat lalo na ng mga bloggers , presenting The Alternative Inn ...


Sorry sa kuha , sobrang bright! #hindimarunongkumuhasiMon Lols


 (Naka-paa mode sa loob)

 Dito na rin kami nagkainan este nag-breakfast ni Mon, aside kasi na isa siya siyang inn in na in din siya pagdating sa food and beverages! The price here usually starts Php 200.00 pero kung sa ganda lang ng view makikita mo priceless na!

Hindi na rin kami nagtagal at naghanap kung anong gagawin pa at ayun we texted Kuya Apol for inland tour na quicky kasi kelangan na din namin bumalik ni Mon sa Puerto Princesa. (Kuya Apol's celphone number to be posted ). Gumastos kami ni Mon ng mga Php1,300 pero okay na din kasi hati naman kami hihihi.


First stop namin ay ang Nagkalitkalit Falls na dadaan ka sa kagubatan at ilang ilog as in madaming ilog at sa dadaanan mo kelangan mong mamili kong sa right o sa left ang daanan. 
Ending nawala po kami, partida matagal na palang hindi ito pinupuntahan ni Kuya Apol at ang isang oras na walkhaton naging almost 2 hours. Nganga!


Hula hulaan na kami sa mga time na yan!

Dahil ramdam ko na nawawala na talaga kami wala na talaga akong choice kung hindi baliktarin ang brief ko para mahanap ang falls! 

 

At effective nga nahanap namin ang falls!


Sana may Jikoy pa akong mauuwian nito pagnakita tong mga pictures na to! Haahaha! Harot mode!

Well, kung si Kuya Apol ang kasama niyo no dull moments at wala sa kanyang bokabularyo ang "bawal"  at dahil dyan inakyat namin ang falls na yan at nabigla kami ni Mon dahil may isa pa palang falls na nakatago sa taas nito na wala pa daw name kaya sabi ko kay Kuya Apol from now on Kulapitot Falls na itawag nila
dito!




Buhis Buhay po ang pag-akyat sa taas ng falls at tumama pa ang ulo ni Kuya Apol sa bato, bawal akyatin ang taas at puntahan si Kulapitot Falls pero matigas lang talaga ulo namin sa baba este sa taas! Hihihi


Next stop this over-looking place na nakalimutan ko na ang pangalan na akala ni Kuya Apol private na place but si Manong driver insisted na pwede kami umakyat.


At ang sumunod na tanawin ang nagpanganga sa amin! Literally!


While nasa taas kami sabi ni Kuya Apol na pupuntahan namin yung tinatanaw namin para maligo at maglakad lakad at eto pa nakita namin habang pababa ... 


Welcome to my Paradise! 


Welcome to El Nido!


And as what I told you kelangan bumaba para mapuntahan ang baba na kung saan pagbumaba at pag bumaba basta bababa , ah ewan .. I scroll mo pa pababa ...


Ito daw ang tinatawag nilang Las Cabanas! 


Dios Mio Marimar andito pala si Sergio Santibanez!



Marimar Aw! At this time naka-ready ako noh! Brip kung brip!

We meet Caleb from Israel and his friend and he thought na hindi kami pinoy ni Mon, he thought isa akong half Philippines half tao! Lols..Ayun nagswimming swimming kami , habulan dito habulan dun! #assumero

At yun napagod kami sa kakaswim at iniikot ikot ang lugar at here are some of the photos :


Hey Joe's?


Hindi masyado white ang sand pero sobrang pino nito na parang pulburon! Nag-uwe pa nga si Mon pang souvenir at nung umuwe kami dun lang niya napansin butas pala yung bulsa niya #epicfail 


Eto yung moment na nagpapasalamat ako kay Kuya Apol being a very good na tour guide na hindi talaga kami pinabayaan hanggang sundo at hatid at take note ayaw pa niya kami pauwiin..


I love my LIFE!


Tama na ang pagpapanggap isang oras na ako nito hindi humihinga! Hahaha!


Sumapit na ang oras at kelangan na namin  umalis ni Mon back to Puerto Princesa. Nakakalungkot pero kelangan na magpaalam! 

Ako si Kulapitot at dito nagtatapos ang paglalakbay ko sa paraiso ng El Nido. Sana nagustuhan niyo  :)

For your trip to El Nido, you may contact :
Kuya Apol : 09276106991

34 comments:

  1. sana nagustuhan niyo ang KulaTripto ko :)

    ReplyDelete
  2. thanx for sharing. i definitely miss el nido. i don't mind going back but i do hope they open the airport there soon. sayang yung 5 hrs trip between el nido and PP just sitting in a van/bus.

    ReplyDelete
    Replies
    1. i just realized something. the 3rd to last pix where nasa duyan ka, is that the resort next to the cemetery??

      if it is, don't get me wrong, it a nice resort and i saw a lot guest...but just a bit creepy. i stayed somewhere past the cemetery which was not a great idea especially walking at the wee hours of the morning. kakatakot...

      Delete
  3. Grabe! Sarap naman ng bakasyon na yan! Excited na tuloy ako sa trip ko din this month. :)

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
  4. Daming rekado, sarap naman! May pagkain, may tanawin, may tubig, may tao, may istorya, galing!

    ReplyDelete
  5. Great story telling Panget... Uhmm mukhang gusto ko na talaga mag beaching dahil dito.

    ReplyDelete
  6. hihintayin ko reaction ni Jikoy sa post mo na ito! Hala lagot ka! hahaha

    ReplyDelete
  7. astig naman..... ^^

    ganda din ng pagkaka kwento mo... nakaka enjoy basahin....

    ReplyDelete
  8. Sus mura sad ko naka-abot sa El Nido. Thanks for sharing. :)

    ReplyDelete
  9. Kaingit. Sobra ganda ng lugar. Thumbs up ako sa atin bansa. Dami paraiso:)
    Thanks to you. Nakapag trip ako ng libre:)

    ReplyDelete
  10. Kinagat pala ng lamok.. hahahahaha.. salamat sa pagtotour sa el nido.. supah ganda ng place.. parang sarap mag kuni muni at huminga ng malalim...

    ReplyDelete
  11. Hmmmmm..........

    Grabe tong pasabog mo sa blog post mo na to ha!! Walang patawad ha!! Nilabas mo lahat lahat ha!! Hmmmmmmm.....

    Galeng galeng ha!! Hehehe. Ang kulet ng kwento ha!! Lalo na yung ke Mon ha!! Sbe ko na nga ba kaya lagi kang walang signal ha!! Hmmmmm. Kaya pala ha!! Hehehe.

    Dalhin mo ko dito ha! Ako naman dahil ako legal legal. Hehe.

    Aw!!

    ReplyDelete
  12. ikaw na ang detalyado ang post! mahusay ! maliwanag nga ung ilang photos. pero okay pa rin

    ReplyDelete
  13. Pisting mga lamok yan. Pinagsamantalahan ang mura mong katawan *evil grin*

    Pero grabe sa ganda ang lugar ng El Nido, wow as in wow!

    Kaaliw ang pasabog much mo lol

    ReplyDelete
  14. hindi ka man lang nag dala kahit isang puno ng niyog at binigay mo sa akin sa office ahahahaha.

    ReplyDelete
  15. matagal ko nang gustong makarating dyan. pero ayos na rin tong post na to. parang ito na rin ang tour ko dun.

    thanks. at ang hot lang nung nakashades. hehehe

    ReplyDelete
  16. parang ang pogi ni mon. o di ba sa ganda ng lugar, lalaki agad ang napagdiskitahan. ahaha

    pasensya na bakla lang. lol

    ReplyDelete
  17. mapapa-nganga nga talaga kapag nakita ang el nido, ang ganda!!!! sulit ang byahe nyo... :)

    ReplyDelete
  18. natatawa ako sa mga captions mo! haha... loving your blog na .. :)

    lavinajampit.blogspot.com

    ReplyDelete
  19. hang ganda naman ng paradise mo, hehe! at kulit mo :P

    ReplyDelete
  20. hindi nio napuntahan yung twin beach? yun ang gusto ko mapuntahan sa el nido..

    ReplyDelete
  21. I wish i had your life. hahaha! You're so blessed to be there in El Nido. Ang ganda talaga! It makes Boracay so over-rated. hehehe!

    ReplyDelete
  22. yummy ung fruits pero mas yummy sila kuya... maganda ang views except nung naka-trunks ka sa falls...hahhaha

    ReplyDelete
  23. Ikaw na ang Mr body KUlapitot hehehe :)

    ReplyDelete
  24. Gustong gusto ko yang line mo na " I love my life ":)
    Tama yan kapatid, enjoy ka lang.
    Ang ganda ng place sobrang nakaka relax picture palng yan what more kung personal ko ng makikita ang lugar.
    Naiintindihan ko ang tour guide niyo na ayaw kayong pauwiin, ang saya saya niyong kasama for sure:)
    I cant remember pero sa Ilocos Norte pumunta knb? Hehehe

    ReplyDelete
  25. El nido. Puerto prinsesa. Palawan. Mararatig din kita..sobrang ganda ng mga pinuntahan nyo kainggit!!

    ReplyDelete
  26. Ang ganda ng El Nido! :) Enjoyed looking at your photos!

    ReplyDelete
  27. Ang ganda!!!! brief talaga ang babaliktarin ah. Sana makapunta din ako dyan. Naingit ako. Lol

    ReplyDelete
  28. trendsetter ka talaga josh, pinauso mo ang pag bri-brief sa beach, ayan nagaya si Mon :) sana madami pang lalaking mag brief lang everywhere! char! haha ang saya naman dyan, bakit di ko napuntahan yan dati? hmmm!

    ReplyDelete
  29. ikaw na tlga....mahalay...lol...wag mo kaming kalimutan pag kunin ka na ng beanch ha...talent fee should go to PBO...lol

    ReplyDelete
  30. Parang na miss ko ang episode na to, ang Paglalandi, lol

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!