Thursday, September 26, 2013

KulaTRIPtot : I Zambales mo 'ko! Part 1

Ako si Kulapitot at sobrang namiss ko kayo pasensya nagkasakit lang po ang inyong lingkod pero eto uma aura ulet sa blog niyo. Kumusta na kayo? 


Kakabrip yan tuloy nagkasakit hihihi :)

Hindi man maganda ang una kong pagpunta sa Zambales last year dahil sa isang malagim na aksidente Traumatic Zambales Trip buong tapang ulet akong bumalik para sa kakaibang adventure with my officemates. Hindi ako nadala diba? Tigas ulo eh ... Siguro ganun talaga pag makakati ! Oo! MAKATI ako! Makati paa ko lagi toinks!



Bago ko muna simulan ang adventure , meet Ace ang lalaking gusto na walang balls at si Amber ang babaeng may balls! lols


Since hanggang 4am lang ang shift namin dumiretso na kami agad sa Victory Liner (Pasay) para sa destination namin. Nakakatuwa pa nga kasi hindi namin alam kung anong bus ang sasakyan kaya tanong mode kami pagdating sa bus station.Ayun, sasakay lang pala ng bus byaheng Iba then baba ng San Antonio fare Php 281.00 at ang byahe took almost 5 hours as in hours dahil sa stopover!

Speaking of stopover , dahil sa katakawan ni Ace bumaba siya sa isang lugar kung saan may stopover ang bus para bumili ng pagkaen at nang bumalik siya , guess wat??? sa ibang bus siya sumakay hahaha buti na lang at nanotice niya mali yung bus kaya bumaba siya , well pagbaba niya lumipat siya sa maling bus pa din hahaha ! At saksi kami ni Amber dahil nakita namin siya , #epicfail! 

While nasa bus, anlakas na ng buhos ng ulan na mala signal # 3 pero positive pa rin kami na makakalayag para mag overnight sa isla. Unfortunately , zero visibility na sa lugar kaya bagsak namin sa isang karinderya na hindi alam kong anong gagawin.


Kumaen na lang kami! At ang sarap ng kilawin at kalderetang kambing nila! 


Hopeless na kami sa oras na yun even yung bangkero na contact namin, so we decided mag-stay na lang sa isang resort , no choice! kesa lalaot kami at mag aala Life of Pie sa gitna ng dagat after ... 


Ace okay lang yan! Tahan na , okay lang yan nakarating ka na dito at hindi maling bus nasakyan mo hahaha!

Hinatid kami ng kakilala ng bangkero sa isang resort na tawag nila Canoe Beach  Resort, a typical resort na may swimming pool at may matutulugan. We paid for Php 1,500 na fan room na good for 4 persons with toilet but no toiletries.Hindi na kami naghanap pa ng iba dahil sobrang wet na kami dahil sa ulan at ibang part  na dinaanan namin na lugar ay flooded na #marikina lang peg kaya we immediately fix ourselves at ang eto na ang sumunod na nangyari ...


#Rated
(kung makulit ako mas makulit sila, 100x)



Eto yung way para ma-maximize ang bayad sa room since maulan!


Kaen ulet??

Well, naligo naman kami sa dagat kahit anlakas ng ulan at hampas ng waves , nabingi nga kami after sa sobrang lakas ng current ng tubig. Nagswimming sa pool hanggang sumapit ang gabi at kumaen ulet ng dinner at nag inuman hanggang umaga. Nasira man ang first day pero very worthy naman ang kwentuhan namin sa room. Tawa kung tawa kami :) Sikret na lang yung topic at sikret na rin yung tumambling si Amber sa gilid ng pool! Hahaha at sikret na rin yung sumuka siya! Ew!



Amber alak pa! lols


TST for Breakfast Tapa, Sardinas, Tocino


Sumilip din ang araw sa second day namin ng onte lang , kaya we decided na puntahan ang falls na tanaw namin from the resort . The Pundaquit Falls!


Buhis buhay ng pag-akyat sa falls na may shortcut pala pero si Kuya Milan our tour guide pinadaan kami sa mahirap na daan haha!


#crocodile shot


Dahil sa kagusuthan ni Amber a mag-island hopping  buong tapang kaming naglayag papuntang Capones Island. 



Ito na siguro ang hinding hindi ko makakalimutan na Island Hopping sa buong buhay ko na halos tinawag ko na lahat ng Santo sa sobrang laki ng waves! Pramis last na 'to!


Akala ko dun na natatapos yung kalbaryo kelangan pang umakyat sa bundok para mapuntahan ang lighthouse. At take note di namin namalayan suot suot pa din namin ang lifevest paakyat  #shunga lang!


Kaya pa?



Sa pagdating namin sa taas ng lighthouse may mga eksenang hindi namin inaasahan ... Abangan!


16 comments:

  1. ayos sa olrayt ang trip nyo sa zambales at pwede ka na talaga maging pole dancer. lol! Paki kamusta mo nga pala ako kay Amber. :3

    ReplyDelete
  2. Ang laswa ng introduction! *hahaha* Pero na-enjoy ko magbasa ng adventure nyo. Parang kasama na din ako. Nakakabitin lang ang huli. Ano kaya ang eksenang tumambad sa inyo? :P

    ReplyDelete
  3. Sosyal! Ikaw na maraming trip! Tipid tipid din pag may time.... hehehe

    ReplyDelete
  4. Good to know that you had fun kahit may difficulties along the way:)

    ReplyDelete
  5. :). jusko ko! blue brip ang first photo.

    ReplyDelete
  6. Hey! Maganda dyn. Masarap ung camping part.

    Pansin ko dora na dora ang peg lately. Glad that you're enjoying your trips

    ReplyDelete
  7. More lakad more fun ka Josh! Pero sa Antipolo hindi mo kami mapuntahan huhu! Char haha! Sama mo naman kami next time! :)

    ReplyDelete
  8. ang sarap lang mag travel kasama ang mga kaibigan :) ang ganda ng falls. kainget. ^^

    ReplyDelete
  9. Awitan na lng kita Josh... Oh I wanna dance with ZAMBALES! I wanna feel the heat with ZAMBALES, with ZAMBALES who loves you.... nyahahaha!

    Kamusta namanyung mala Baywatch na posing sa first pic LOL

    and... mukhang may mumu kayong nakita sa lighthouse ah...

    m___(-_-)___m

    ....waaagggg... kaaannngggg.... lilingggooon!

    ReplyDelete
  10. nakakaloka ang pambungad na litrato. buti na lang absent ang chismosang katabi ko! hahaha

    ReplyDelete
  11. Talaga namang ibibilad dahil may K. isa pa yan sa hindi ko pa napupuntahan. Ayoko ng maalon, masusuka ako niyan kaya dapat summer pumunta.

    ReplyDelete
  12. medyo wholesome ang post nato hi hi hi

    ReplyDelete
  13. ang harooottt mo!!! hahahahaha yong una mong pic ang bumulagta sakin! hahaha ang busy ng buhay niyo patravel2x lang ha! kayo na talaga!! hahahaha

    ReplyDelete
  14. kaya gusto kitang blogger, entertaining!! haha, nakakatawa na, narereview mo pa lahat. hehe keep it up! natawa ako sa crocodile shot!! wahaha. :)

    ReplyDelete
  15. Hanep. Approved! Haha.

    [www.iambuchok.com]

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!