Friday, August 9, 2013

iFEATURE - Zai Moonchild

"Ayaw ko sanang sagutin ito kasi baka maging masama ang interpretation ng iba, pero ..."(The Controversies)

Matatawa ka , maaliw ka , this just the few things ang mararamdaman mo habang binabasa ang blog niya.Hindi na baguhan pagdating sa pagsusulat at masasabi ko isang institusyon na sa ganitong larangan. What you see is what you see! Oo! His tall, gorgeous, stunner and witty.A living proof that beauty and brain really exists! Walang kakaraka let me introduce to you ang babaeng este lalaking bumihag sa puso ni Tikboy , ang nagpakilig at nagbigay ng saya sa atin sa bawat post niya , si Zaizai Salonga ng Zai Moonchild

''baka naman mapagod na ang mag basa hindi na tapusin! hahaha....''

When I texted him about this segment it took hours to receive a response from him , madaming naglalaro sa isip ko baka ayaw niyang pumayag o kaya pag-iisipan pa niya but he texted me back at sabi niya "Basta nakakatawa ha" then I sent to him the questions at sa dami ng tanong he kinda worried baka sa haba ng article mapagod na ang magbasa at di na tapusin! I laughed a lot  pero sa isip ko its a privilege to interview this person at sasayangin ko pa ba?


Life from 1 to 30

In your 30 years of existence , how's your life so far?
At talagang binunyag ang 30 years! Anyways, okay naman ang buhay, masaya naman. Simple lang ang buhay ko pero masaya dahil sa pamilya at sa mga kaibigan. Wala naman ako masayadong narating sa buhay pero madami dami na din akong napuntahan, naranasan at napasaya - okay na din yun .

 Hindi na rin isang malaking sikreto kung ano ka , i mean who you are , kelan mo ito natuklasan?
Mag mula ng humarap ako sa salamin ay nalaman ko na kung ano ako! Cute! Hahaha! Biro lang, mga grade 6 confused na ako, 1st year high school, tumodo na ang realization ko sa sarili.

Did you feel na iba ka, may naramdaman ka bang galit sa sarili mo ..
Wala naman, ng pangit naman kung magagalit ako sa sarili ko. Baka magalit kasi yung ibang tao tapos magagalit pa ako, paano na yan?! Baka nag suicide na lang ako haha.

Hindi natin maiiwasan na usually isang malaking issue ang tinatawag na "acceptance" na-feel mo ba iyon sa mga taong nakapaligid sayo? 
Oo naman. Though hindi pa ako officially out, as in may "hello Mama at Papa, bading po ako!" Ay alam naman na nila. Yung kapatid ko at ibang pinsan alam na nila officially at sobrang tuwa ako dahil tangap nila ako 

Zai and his family 

Naranasan mo din bang ma-bully at usually laughing stock sa grupo ...
Nung high school syempre, hindi maaalis yung tutuksuhin ka ng mga classmates mo na "bading! bading!" Noong umpisa syempre nahihiya ako, may time na bumaba ang confidence ko pero pag tagal naiisip kong "e ano naman? wala namang masama kasi di naman ako nakakasakit ng kapwa. Sila pa nga itong nakakapanakit." At pag tinawag kang bading, parang di naman sya tukso, para lang tinawag na "lalake! lalake! o babae! babae!" Di ba hahaha ..

How to survive and deal with those kind of people?
Well sa ngayon nakaka aliw lang tignan ang mga nanunukso sa akin nung high school, puro beer belly na, ako sexy pa rin. Chos! Syempre isang irap lang tapos move on na. Wag mag dwell sa mga pinagsasasabi ng iba lalo na't walang dulot na mabuti.

How to look fresh sa edad mo ngayon? Pansin ko kasi ang bata mo sa mga photos mo even sa personal ..
Observant ka pala! Haha! Ewan ko ba, basta kumain ng marami, uminom ng maraming tubig, have happy thoughts and use moisturizer. 
  1. "..pag tinawag kang bading, parang di naman sya tukso, para lang tinawag na "lalake! lalake! o babae! babae!.."



Is it age does'nt matter para maging stay gorgeous and pretty?
Yes, age doesn't matter. Kasi may iba pang mas matanda sa akin na gorgeous and pretty pa rin. At wala lang naman yun sa mukha, nasa pananamit, sa kilos, sa madaming bagay. Dapat babagay nga lang sa edad kundi baka mag ala Madam Auring ang peg!

As a Reader and Writer
''..excited lang ako mag kwento, sadya lang akong madaldal na tao.''
Sa dami ng blog na nagsusulputan ngayon anong klaseng ingredients ang hinahanap mo para basahin mo ang isang blog?
Para sa akin, nagiging ma-appeal sa akin ang blog kung nakaka relate ako sa laman nito. Personally ma-appeal sa akin yung puro travel, food, mga damit, mga DIY. At pag madaming pictures, doon aliw na aliw ako .

Grammar concious ka ba? Mas prefer mo ba yung context in tagalog or english written? 
Oo medyo grammar concious ako. Pero okay lang malay ko ba kung sinasadya yun ng writer para maging nakakatawa, este nakaka aliw ang post  Okay lang either Tagalog or English! Pag Bekimon, doon ako aliw na aliw! 

Yung detailed or yung short at direct to the point? 
Depende sa pagkaka kwento. Meron kasing short at direct to the point pero sa sobrang ikli, aba nawala yung point. Meron ding detailed at mahaba..at aba, wala pa din palang point. Lol!

And would you rather choose to read kesa magsulat?
Pareho lang. I believe a writer should be a good reader too. We learn by the things we read, see, experience, etc and it helps us grow as a blogger.

And what will urge you to bookmark the page , yung parang kung sa The Voice mapapaikot yung chair mo sa sobrang aliw at ganda ng blog?
Pag cute yung blogger! Haha! Pag naka relate ako personally sa mga kwento nung blogger. Yung napa tango ako habang binabasa ang post nya, napatawa, napa iyak, napa burp! Etc, etc..


Who inspires you to write?
People I love inspire me to write. Aside from them, I also feel inspired by the things I see, the places I get to go to, the thoughts I have. 

On as a writer's point of view gaano ba katagal magsulat bago ma-ipublish ang isang blog post mo?
Isang sulatan lang ako. Una upload ko ang pictures tapos I form the story using them. Pag tapos na, publish agad agad .

May ritual pa bang epik para makapagsulat ka at depende sa mood? 
Hahaha meron! Kailangan malinis na ang kwarto ko. Navacuum na ang carpet. Tapos naka ligo na ako. Tapos may tasa ng kape at may pagkain sa harap ko. Pag ganun okay na, pwede na ako mag blog.

Ano yung mga bagay na hindi alam ng mga readers mo behind your write-ups?
Hmmm wala! Wala namang echos echos ang write ups ko, I tell it as it is.

And you have distinct humor sa pagsusulat infairness dahil napapatawa mo kami , hindi ba uso sayo ung sad? Dapat ba happy? 
Haha pwede din naman maging sad. Normal naman yun na part ng buhay. May mga posts naman ako na emo pero hindi ko hina-high light. Kasi gusto ko pag pupunta ang mga tao sa blog ko ay looking forward sila sa isang masayang kwento. Puro food, chika, etc. Para makahawa man lang ako ng good vibes.

Anong vitamins ang iniinum mo para maging consistent sa pagsusulat for how many years na? 
Bawal ako mag vitamins, baka lalo ako magka gana kumain, nakakatakot na yun! Hahaha! Wala naman, basta excited lang ako mag kwento, sadya lang akong madaldal na tao. 

What is your favorite post at why? 
Favorite ko siguro yung post ko about my nakakahiyang mga experiences. Walanghiya (http://simplycomplicatedzai.blogspot.com/2012/06/walanghiya.html) Kasi natatawa ako sa mga ka eng-engan ko. Mahalaga yun sa tingin ko, na kaya mong tawanan ang sarili mo.

Ano naman yung less favorite mo? 
Hmm wala naman, like ko silang lahat kasi iba iba sila ng kwento. At pag binabalikan ko sila at binabasa, natatawa naman ako sa kanilang lahat .

What is the secret behind the success of your blog?
Di ko naman na isip na successful ang blog ko. Basta kwento lang ako ng kwento, hangat may nagbabasa o may nag co-comment, masaya na ako. 


Zai's humble Abode


You have a very good taste pagdating sa design ng room mo, anong concept ang gusto mong ipahiwatig dito? 
Gusto ko mukhang room sa beach ang kwarto ko. Kaya may pictures ng anything related sa beach. May pictures din ng mga travels sa mga beach. Gusto ko nga may surf board at buhangin pa e - para araw araw feel kong nasa bakasyon ako.

Tila agaw pansin ang wall mo kung saan may iba't ibang frames na nakalagay at may mga photos sa malaking corkboard , collections mo ba 'to? 
Oo, lalo na yung pictures ng mga travels. Naaliw ako pag tinitignan ko ang mga ito, naaalala ko ang mga experiences ko sa mga lugar na iyon.


May malaki ka ring closet, hindi halatang mahilig kang pomorma ha, how much ang nagagastos mo sa damit? Ikaw ba ung concious sa brand? 
Di naman ako concious sa brand kaya mura lang ang aking gastos. Mahilig nga ako sa ukay ukay bumibili para mura. Basta maganda naman, wala sa halaga o sa brand.

Also you have your own tv at personal computer , lagi ka lang ba nasa kwarto? 
Tama lang, pag uwi ko at tulog dito ako. Pag weekends naman lagi akong wala sa bahay, tinatalakan na nga ako ng Papa ko hahaha!


What are the most important things dito sa loob ng kwarto na 
di pede mawala?
Yung tv at computer! Mababaliw ako pag wala sila pareho. Masyadong tahimik.


How often you clean and check your stuffs?Yung totoo hahaha... 
Hahaha basta pwede ko ng sulatan yung salamin, dahil sa alikabok, ayun maglilinis na ako. Once a week ako maglinis! Pwede na yun diba? Haha!

Kung in case kelangan mo ng umalis sa kwarto mo dahil meron ng ibang magooccupy nito at isang gamit lang ang pwede mong bitbitin ano yun at bakit?
Hahaha isa ito sa dati ko pa iniisip pero di ko masagot! Siguro yung buo kong cabinet! Haha! 


The Controversies


Recently, nabalitaan ko nagbitiw ka na daw as President ng PBO (Pinoy Bloggers Outreach) is it true? 
Yes it is true!

Anong dahilan at kelangan mong iwan ang pwesto? 
Ayaw ko sanang sagutin ito kasi baka maging masama ang interpretation ng iba, pero okay na din siguro para malinaw ko din ang side ko. Dumating kasi sa panahon na konti na lang ang kumikilos sa PBO, yung sa preparations before the outreach itself. Alam ko naman busy lahat tayo kaya may time na hindi pwede lahat, kaya lang, kaya nga natin nabuo ang PBO kasi willing tayo mag extend at mag sacrifice ng oras at effort para dito. Ito na lang inisip ko kaya kahit medyo konti lang tumutulong sa preparations ay okay pa rin sa akin, Go pa din. Pero nung last outreach, I was sick, I was having a high blood attack, and then something else happened and I felt I was tired and I just needed to rest. I realized na kahit gusto ko, parang di na healthy sa akin. Kasi puyat ako lagi from work, tapos high blood pa. So I thought long and hard and I still decided to give up my position.
BTW, I want to say that the tiniest to the greatest effort to help PBO, I appreciate it very much. Thank you sa lahat ng sumuporta sa akin nung PBO president pa ako, umpisa pa lang nung pag boto nyo sa akin. Nasa akin pa nga ang mga papel nung nagbotohan tayo - ganun ko sya trinesure  Thank you sa lahat.

At may hidwaan ba kayo ni Joanne kaya hindi na siya visible sa blog mo at hindi na din siya nakikita sa blog mo? 
Hahaha wala no, BFF kami nyan! Bakit si Deo wala na din gaano sa blog mo? Ganun din ba ibig sabihin? Hehe! Medyo tamad tamaran lang si Pretty Marseng Joanne at hindi na kami nakakalabas pag weekend kasi..kasi..may iba na akong ka date!

Zai and Bff Joanne who also a certified blogger


Gaano katotoo sabi ng mga bubwit na hindi ka na nagcocomment sa ibang blog dahil busy ka na kay Tikboy?
Excuse me, pag may time ako mag blog, best in comment ako! Hahaha!

At balita ko may isang blogger kang kinaiinisan dahil kung ano ano na ang tsinisismis tungkol sayo?
Hmm, meron ba? Ikaw ba ito? Sa totoo lang wala akong idea na may ganyan, kung meron man, okay lang. Ang mahalaga ay alam ko ang totoo at eventually malalaman din ng mga tao ang totoo. O ha, wala daw alam no haha! 




Love, Relationships, Choices,Sex

Isa sa mga inaabangan sa blog mo eh yung journey mo sa pag-ibig , paano magmahal ang isang Zaizai Salonga?
Naku 'day, napapa Crazy in Love ako pag ako ay in love haha! Basta ako ay tunay kung mag mahal, sweet, toughtful, caring. Loyal at faithful din syempre.

Despite sa paano ka magmahal sa isang tao, what happen to your previous relationships bakit hindi naging successful? 
Nag fail kasi yung isa tingin ko immature pa kaya humanap ng iba, yung iba naman, immature pa din. Ay puro immature! Immature din naman ako minsan pero yung nakaka tuwang immature, hindi yung nakaka inis haha!

Nakamove-on ka na ba o may isang chapter pa din dun sa past mo ang hindi mo pa din nakakalimutan? 
Naka move on naman na. Hindi naman ako papasok ng relationship kung di pa ako naka move on sa nakaraan.

How will you define this kind of love wherein hindi sa opposite kung hindi sa same sex? 
I don't think it is any different from love between people of the opposite sex. Yan ang para sa akin. Sa iba naman tingin ko nagiging negative ang tingin nila sa relasyong man to man kasi aminin natin, mas open ang mga ganito sa mas komplikadong set up, meron may open relationship, etc, etc. Ayaw ko ng ganun, gusto ko normal na relasyon lang.

Tanggap ba ng mga mahal mo sa buhay ang ganitong relasyon? 
Wala silang choice! Haha!

Eto na nga after 100 years dumating na din si Mr. Right at alam namin lalo na kaming mga avid readers mo na inlove ka ngayon , sino si Tikboy at sino siya sa buhay mo ngayon ....
Si Tikboy po ang aking Patootie. Sya po ay nag dagdag ng saya at kulay sa aking masaya at makulay na na buhay. 


''Kung mahal nya talaga ako, di nya ako patitigilin. Kung wala talaga akong choice, titigil ko na lang ang blog. Di naman ako napapa kilig o nakikiss ng blog ko e! E si Tikboy nagagawa ang mga yun....''

Paano, Saan at bakit siya? 
Tadhana! At dito lang din sya sa Antipolo kaya malapit kami sa isa't isa. Bakit sya? Kasi sya ay cute, mabait, thoughtful, loving at honest. Close sya at mapag mahal sa pamilya at mga kaibigan.

Gaano mo siya kamahal? 
Kasing mahal ng MacBook! Mahal na mahal! Haha!

At anong mga bagay ang kaya mong i-sacrifice para sa kanya?
Madami, kaya kong mag sacrifice ng time, pagkain, time at pagkain pa. Haha!

Paano kung dumating iyong panahon na mainlove siya sa isang girl, magka-anak at magpakasal , okay lang ba sayo makihati sa pagmamahal ng kanyang asawa? #myhusbandslover
Aba hindi no, nauna ako. Itanong mo ito sa babaeng kakabit sa aming dalawa hahaha 

At anong gagawin mo kung pagpipiliin ka niya ang pagbablog o siya... 
Kung mahal nya talaga ako, di nya ako patitigilin. Kung wala talaga akong choice, titigil ko na lang ang blog. Di naman ako napapa kilig o nakikiss ng blog ko e! E si Tikboy nagagawa ang mga yun, at much more! Hahaha..

Sa kabilang dako , how will you rate your sexlife from 1 to 10? 
10 syempre! Hahaha!

Is sex important or requirement sa isang relationship? 
Para sa akin important ito. Ito ay isang intimate act between lovers, a high, if not the highest form of how love can be shown between a couple. So yes na yes, important ito! 

How often? 
Not often as I want to hahaha ..

At anong mas prefer mo hard or soft? 
Hmm ano ba tinutukoy mo dito? Kung tama ako ng iniisip, hard syempre, pag soft baka impotent! Chos! Hahaha! 

Fast or slow?
Slow, tipong take your time ...

Time pressured or take your time? 
Ay, sabi ko na di ba, take your time hahaha ..

Top or bottom? Lols!
Wink! Wink!


Zai the Explorer

''I just love to travel! Ibang saya nag dulot sa akin ng pag byahe sa ibang lugar kasi may bagong experiences....''

Though, hindi mo tinatag ang sarili mo as a travel blogger isa sa mga highlight ng blog mo ay yung mga travels mo , is it for the sake na maiblog lang o its your passion or hobby? 
I just love to travel! Ibang saya nag dulot sa akin ng pag byahe sa ibang lugar kasi may bagong experiences, bagong mga makikita, makakain, masusuot! At syempre may pang profile at cover photo at may ma-i-Instagram!  At btw, I don't travel or do anything for the sake na may ma blog lang 

How much usually nagagastos mo sa mga trips mo? 
Medyo mura lang naman. Pinakamahal na ata ay P8,000 nung nag Bohol ako kasi 2 lang kami. Usually madami ako kasama sa trips kaya mas mura, kasi madami kahati sa packages.

What is your most memorable experience sa pagtravel .. 
Favorite ko ay nung nag Cebu kami ng aking BFF na si Emer, puro kain, masahe, kain, masahe pa ulit kami! Sobrang paka busog lang. At nung nag Cebu ako dating dati pa, na nag lakad lang ako around Cebu habang naka smile. Feeling wanderer lang..

Pansin ko din yung mas prepared ka pa sa mga outfits mo kesa sa itinerary , kelangan ba talagang maging maporma sa mga lakaran? 
Haha oo naman! Madaming pictures kaya dapat maganda outfit! At ako kasi na re-relate ko sa trip ang mga nasuot ko. Tipong pag nakita ko ang shirt - maiisip kong, "ay sinuot ko to sa Davao!" Nagiging special sa aking ang damit dahil sa memories at lugar na na associate ko sa kanya.

Agaw pansin din yung pang ANTM mong pose sa mga lugar na pinupuntahan mo , paano mo yun nagagawa? Who inspires you? 
Syempre ang idol kong si Victoria Beckham! Haha! At oo malaking tulong manuod ng ANTM kasi malalaman mo kung paano i-highlight ang good points mo at itago ang mga not so good (flabs hahaha)

What is your top 5 destinations ..
- Vigan
- CDO
- Batanes
- Bicol
- Sagada

What's next at saan ang next travel?
- Mag Ba-Baguio kami this August 9 to 11! Dito kasama ko na si Marseng Joanne, ilang friends at si Tikboy. Honeymoon namin!

Message to your Haters and Readers


I just want to thank you all for taking a few minutes from your precious time to read my blog. Ang gusto ko lang ay to make people smile, to give them positive vibes. Kahit simple lang ang buhay, if we learn to appreciate the little things, we'll get to see that life is great! That is my goal and I hope kahit paano, kahit minsan at na feel nyo yan while reaing my blog.
Sa mga haters, kung meron man..hmmm wala lang! I understand kanya kanya tayo ng trip at kung di nyo ako trip, okay lang. We can't please everyone and we aren't born and we do not live to please others. Life is short like a pekpek short, so let's just all have fun! Love love love! 


Indeed no exact words that I can tell and describe this person! He truly deserves all the best things in life! Zai ikaw na!



27 comments:

  1. Naloka ako sa mga questions at mga sagot ni Zai... First time to see him here... Mukhang interesting... Masundan nga. :D

    ReplyDelete
  2. Sa haba , although I enjoyed reading the interview ay nakalimutan ko na kung ano ang umpisa:) Dyuk.
    Anyway, I liked Zaizai very much, his kindness, honesty and sincerity. Nakalunkot lang kasi di na pala sya ang leader ng PBO. Well, I understand him. It is a tough job. ANyway, good luck pala sa naging kapalit. Sino kaya?

    HOpe our path will cross again Zaizai!May God guide you along the way.Be happy always!

    ReplyDelete
  3. sa lahat ng mga nababasa kong feature sa mga blogs, eto pinakagusto ko. iba atake mo sa interview. it's personal. it's witty. at tinanong mo ang mga gustong malaman ng readers :) galing!

    at di ko kinaya yung mga sagot ni Zai! haha

    ReplyDelete
  4. ay si Zai! bongga! yan ang nasabi ko nung makita ko sa blog roll ito at agad agad ko talagang binasa.. isa ang blog ni Zai sa kokonting nagpapatawa saken habang binabasa ko...very witty and funny gal..

    naintriga ako sa blogger na kinaiinisan mo sino kaya yon? haha chos lang.. gustong gusto ko ang mga sagot mo lalo na dun sa rate na 1-10 ang sexlife.. apir tayo jan!

    i miss you Zai and Joanne ;)

    i love this portion of your blog Josh and i miss you ;)

    ReplyDelete
  5. Nagawi na rin ako sa blog ni Zai pero nakilala ko sya (online) sa blog ni Joanne, mas lalo ngayon dahil dito sa feature mo, binasa ko daw talaga mula umpisa hanggang dulo. di na pala sya ang president ng PBO, ang huli ko lang sa balita. hehe...

    ReplyDelete
  6. ang haba hehehe


    nag enjoy ako... mas lalong nakilala ko si zaizai.... naaliw naman ako sa love life niya hehehe.... kakatuwa lang...

    okay ang interview.....

    nagustuhan ko ung sagot kung gaano ka importante ang sex hehehe

    ReplyDelete
  7. Wow, walang kurap at lunok ko itong binasa, word for Word.. busog na busog sa info at katuwaan! I love this portion, one of my fave posts dito sa blog mo. Not because kilala ko ang featured blogger mo na si Zai, pero ang ganda ng pagkakakalap mo ng mga info at ang pagkakadeliver mo ng ganitong talakayan, pang talk show, yung mala Boy Abunda o higit pa! walang biro, mahusay talagang pinag isipan at pinaghandaan ang mga itatanong, applause! At siempre, kabog ang lahat sa mahusay at walang kembot na sumagot, ang witty at sexy na si Zai. Bigay na bigay ang mga sagot, short at talagang direkta sa punto. Feeling ko tuloy fast talk na pinahaba ni Tito BHOY hahaha nakakatuwa IHAW NA!

    ReplyDelete
  8. Ang haba nga, hehe....

    'Wag mag dwell sa mga pinagsasasabi ng iba lalo na't walang dulot na mabuti.' - Tama yan! I definitely agree!

    ReplyDelete
  9. masundan nga din tong si zaizai...pinakilig ako ng kilay nya eh...wait..naiihi na ako..LOL

    ReplyDelete
  10. muntik na humaba ang post hehe ^_^

    kaloka yung Love, Relationships, Choices,Sex portion hehe
    galing din ng pagkakainterview mo idol! :)
    pano kaya i maintain yung bigote na gaya nung kay Zai? LOL

    ReplyDelete
  11. Ang kulit ng hirit yun lalaki,lalaki, babae,babae.. you make my day happi zai!! Iba ka talaga!!

    tumpak kung walang magandang sa sarili move on!!

    I believe a writer should be a good reader too. We learn by the things we read, see, experience, etc and it helps us grow as a blogger.- sobrang laking check nito!!

    hahaha... ttalunin mo ata si mecoy dito eh... "Excuse me, pag may time ako mag blog, best in comment ako! Hahaha!"



    hahaha isang tawa ko. about sacrifice... hahaha time pagkain,time, pagkain hahaha.. pambihira...

    grabe... super enjoy ko tong ifeature mo natalo mo yung sa akin hahaha joke lang!!

    ReplyDelete
  12. Una.. woaw! 30.. hindi halata.. super bata ng mukha mo.. at may nagsabi na sa akin na importante talaga ang moisturizer.. ngayon pakiramdam ko bibili ako ng moisturizer... hahahaha.. at I agree.. na super parang puro happy thoughts pagdating sa blog niya.. kahit mahaba.. binasa ko pa rin.. masaya lang makilala ang mga tao dito sa blog world...

    ReplyDelete
  13. wow ahh 30 na pala si zai nagulat naman ako,
    nice honest at straight forward ang mga sagot
    haha at wala kong kaalam alam sa pagreresign ni zai
    naguilty naman ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. 30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...30 na si ZAI...

      Ayan ang paulit-ulit na gumulat sa aming lahat. Hahaha!

      Delete
  14. From one happy relationship to another, great first feature Josh. I visited Zai's blog and peek once in a while, nakakalanggam nga lang, baka ako ma diabetes. Now I know why he doesn't answer comments, chaka kasi ako at hindi bekimon blog ko, ha,ha,ha. Great answers Zai, be yourself and I like that!

    ReplyDelete
  15. Cool! Sana ma feat din ako at ang blog ko dito. haha! Bookmarked your blog kasi avenue niya siya for cool pinoy bloggers out there. :)

    ReplyDelete
  16. Wow: on the whole conversation and that Zai is 30 (mamamakyaw na ako ng moisturizer!)

    ReplyDelete
  17. Hihihi thanks sa pag feature sa akin at sa mga comments nyo! Nakaka touch! At mag 32 na po ako this year, hindi 30! Hindi ko lang kinorrect si Kulapitot kasi mas okay naman nga ang 30 kesa 32 hehe! Thanks again everyone! :)

    ReplyDelete
  18. 32 na si kuya zai? Seriously? Di halata super baby face kaloka. Anyway..ang tindi ng mga sagot straightforward and witty kuya zai na kuya zai. And the questions, superb! Pang talk show ang peg. Hehe

    By the way, if you have tome feel free to visit my new blog.

    superjaid.blogspot.com

    ReplyDelete
  19. Ay oh! Charot! Ngayon lang ako napadako, ayaw ng pinagtatrabahuhan kong maging matalino kami. Haha. Very positive si Kuyang Zai sa pananaw sa buhay. Masarap mag-travel! Tapos walang pera! hahaha

    ReplyDelete
  20. ANG HABA!

    The rest na lang sasabihin ko na lang sayo ng personal.
    I'm happy you're one of the good friend i met sa blog world.
    Masaya pag ang mga friends mo ay mababait at napapasaya ka.
    He's a cool person i must say.

    Tawang tawa ako sa CONTROVERSIES.. haha

    ReplyDelete
  21. honghobo! lol... pero aliw.. i didnt srop reading until the veey end, happy happy much nga si zai.... at halatang madaldal aya..hihihi

    ReplyDelete
  22. Wow!
    This is one long post na hindi ako nanghinayang sa time na basahin. Actually I saw this post some few mins after it was posted but I was about to go out so I said I'll just come back so I can have a proper read.

    I found Zai as a very interesting person. I came to like him through his blog and I like him even more when I met him personally. Ang ganda ng aura and he really looks gorgeous kahit ano pa sigurong preference ang dalhin nya. I openly call him a beautiful persona.

    Grabe yung mga questions mo Josh! Others may find it very challenging (or intimidating and something like that) but Zai's wittiness and frankness made this post more interesting.

    I was surprised with some of the topics/questions na natanong dito may mga ganun pala... I honestly wish na wala yung mga tampuhan and intrigues between bloggers because walang magandang kakapuntahan yan. I just wish that we all stay in the middle of everyone and everybody and in peace with each other.

    I am also saddened to know that Zai resigned as PBO Prez. That was one tough position that he was able to performed successfully. But I think I will also be the one among those who will understand him fully for that decision. Kung ako rin nasa kalagayan nya I will do the same. Marami na rin kasing request sakin something similar but I said no because I feel that I can not handle them properly because I am already into a lot of things. It's not because that you don't want to do or don't want to do it anymore but because you feel that you can not do it as effective as you want to.

    You have a nice segment here Josh :) Congrats!

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!