Tuesday, August 13, 2013

EatSpesyal : Estela's Goto


Tag-ulan na naman at sabay buhos ng ulan ay ang hatid nitong lamig sa klima natin. Minsan ko na din na shoutout sa Facebook na  mas masarap matulog kesa pumasok sa work sa panahong ito, agree? At kakaen at kakaen ng Goto! Well, sa pangalawang edisyon ng EatSpesyal we will try the famous Estela's Goto ng Marikina City. Famous? Oo! Chika ng babaeng nakausap namin na manugang nung may-ari na dadalaw daw si Kris Aquino sa lugar kaya todo handa na sila. 




Located at # 21 Villalon St. Sto. Nino Marikina City , Estela's Goto served the best Goto in town for almost 40 years though the woman behind the success of this gotohan already passed away. The family business still up and still serving our kumakalam na sikmura. Hindi na nga lang si Madam Estela ang nagluluto pero kung bet mo eh goto heaven ka at dun ka mag-order lols.


Before we took some pictures pa , we decided to order na! Rjay ordered for (1) Goto at fresh lumpia at order ko naman (1) Goto at isang tinapay that cost us Php 65.00. So magkano ang Goto?Hmm that's for you to find out ...

 The famous Goto ready to serve!
 
Wait there's more! Aside sa Goto meron din silang pansit, spaghetti, halo-halo at iba pa na very affordable sa bulsa!


BURP!

According to Rjay he will rate the place 2.5 out of 5 dahil the taste of Goto was different na unlike daw before and for me medyo hindi ko lang gusto ung klase ng rice na ginamit though highly recommended pa rin pagdating sa budget at the same time sa quality! So anong hinihintay niyo go to Estela's Goto now na!

------------------------------------------------------------------
Maraming Salamat sa almost 5k views at 255 likes sa Facebook  sa unang episode ng EatSpesyal na Welcome to Lechon City . Daghang Salamat and God bless!

29 comments:

  1. Medyo mababa ata ang rate so di pala sya ganun kasarap. Sayang naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. By the way, if you have time feel free to visit my new blog.

      superjaid.blogspot.com

      Delete
  2. Ok dyan ah! Basta affordable kahit di gaanong kasarapan, pasok pa rin.

    Or Else, Goto Heaven talaga tayo para hanapin si Madam Estella hahaha

    ReplyDelete
  3. Hindi ako mahilig sa goto pero my eyes popped when I saw halo halo. I want one, I want one! So pag nagkita tayo alam mo na ang gusto ko, not to go-to for goto but go to halo-halo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo n sir jonathan kahit isang drum pa ng halo halo

      Delete
  4. Nice place to eat sa tagulan at sa mga gutom:)
    Very popular ka kasi kulapipot kaya marami likes:)

    ReplyDelete
  5. di halatang busog. haha. :)) nice one!

    ReplyDelete
  6. kahit hindi masarap susubukan ko yan. hahahaha

    ReplyDelete
  7. Bet ko ung mga ganitong kainan! Pwedeng mabusog ng bongga sa makatwirang halaga!

    ReplyDelete
  8. Mas nakuha ng halo halo ang atensyon ko. :D

    ReplyDelete
  9. wow naman food trip date!
    sarap naman nyan at bagay na bagay sa maulang panahon haha

    ReplyDelete
  10. ang bet ko dito eh ang ambience ng gotohan. truly a hole in the wall.

    ang bongga ng bagong bihis ng blog ah!

    ReplyDelete
  11. matakaw ka panget..di ka marunong mag aya..

    ReplyDelete
  12. natawa ako dun sa tenk u cam agen. Onli in the pilipins

    ReplyDelete
  13. hhmmh medyo alangan pa rin? at ang laki ng tinapay na binigay sa inyo keysa sa nakaplastik haha!

    ReplyDelete
  14. oh bakit ang baba naman ng rate mukhang naintriga naman ako dun ha!!!

    ReplyDelete
  15. Wow.. natakam naman ako dun.. at medyo nalungkot din.. dahil gusto ko ng goto.. at tokwa't baboy.. pero wala.. wala!!

    ReplyDelete
  16. Oooh, Sto. Nino Marikina City. Jan lang banda yan sa may Bayan Palengke ah :D

    at ano ang sinabi ng butterfly sa mangkok ahehihihihi!

    ReplyDelete
  17. I think wa pa ko katilaw ug goto. What's in it?

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  19. Maraming salamat sa mga comments ninyo. Kahit na may mga nega ok lang po yun. Hindi man mataas ang rate namin sa iba pero ang luto at panlasa ng goto namin hindi nagbago kahit wala na ang Lola kong na si Estela. Yun ang tanging pamana ng aking Lola sa aking Mommy ang lasa ng goto. At hindi parin nawawala ang mga customers namen kahit nung araw pa. Maraming salamat po!

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!