Saturday, July 19, 2014

Punta Fuego : Best of the Best

Humingi ako kay Lord ng sign kung ipagpapatuloy ko pa ang pagbablog at hayaan nalaa ng ma-expire ito this month 

pero it never happened...


pero bago dumating ang last day ginising na lang ako ni

Jikoy habang nasa gitna ng pagtulog ko na he already renewed the contract.


Napasmile ako sabay tulo laway! Kashi naman nabigla ako! 


Walang sign pero ginamit ni Lord si Jikoy para ipagpatuloy 

ko pa din ang pagsusulat (kahit wala naman masyadong kabuluhan hihi) at tsaka I 

 was moved by your comments ayii oo totoo yun plus mamimiss ko 

kayo sobra pag umalis ako kaya eto magsusulat ulit ako :)


Best!
Simulan natin ang kwento sa salitang  "Best" hindi lang simpleng best kung hindi  Best of the Best!



naks antaray diba?
Isang event every year ng company namin para parangalan at bigyan ng konting pabakasyon ang mga top employees nito.Well, well , well naging mapalad ang inyong lingkod at ako po ay nasama sa BOB nitong taong ito.Hindi biro ang mapasali sa BOB para kang kelangan mong tumulay 
sa isang alambre na may nakaabang na mga buwaya sa baba. Buhis Buhay char!


Ayun isang bonggang bakasyon sa Punta Fuego Batangas ang destinasyon namin.
Punta Fuego

Medyo malayo din ang lugar umabot kami halos 3 hours na byahe dahil na din sa trapik sa hingalin naming bus.Yung bus kasi tipong kung sa tao pa may dry cough.

Pagdating namin sa lugar sinalubong kami ng mga staff na may pa welcome drinks at garland , parang balikbayan lang ang peg.

Aloha!

Tingin dito sa kanan , tingin sa kaliwa ayun nakita ko din ofcors ano pa 
ba edi ang lafang!


Konti lang kinuha ko baka sabihin PG ako!

Burp! Afer kumaen nagkaroon ng mga games laban laban ang iba't ibang account.

Hindi nagparticipate ang lolo niyo tinamad dahil una wala pang tulog galing shift at pangalawa busog.



Nkklokang 4 Pics one word :)

Ending natalo kami at yung mga nanalo binigyan ng mga tickets para sa mga water activities sa lugar like 8 hours na non-stop na magpahila sa banana boat at sumakay ng flying fish habang hinihila ng bangkang mano mano charaught!
After ng mga pakulo hinatid na kami ng shuttle este jeep papunta sa aming  mga rooms at tinawag nila itong Casitas.Four persons sa isang room at anak ng tokwa
sa room kung saan ako naka-assigned ang katabi ko sa kama ay isang Operations Manager.

The Room

The  Bathroom

The Butt este Terrace
Kilala ang Punta Fuego sa kanilang jaw dropping na infinity pool sabi nila.. Hindi man nalaglag ang aking panga pero maganda naman talaga siya !


Infinity pool is LovE right Toni?


Psst gusto ko talaga magpictorial at magswim na naka undies lang pero KJ kasi tong si Toni hindi ako pinayagan kasi daw pag nagbrip daw ako hindi na daw niya ako kilala kaya ayun
nagboard short nalang ako kahit masakit sa kalooban ko hihi

Aya Medel?

Sila pede halos labas dede pero ako hindi pede labas si junjun unfair! Saan ang hustisya

Tabi Ate Chatty blog ko 'to hahaha!


Swim kung swim kami kahit wala pang mga tulog at nagpictorial pa underwater.

Natapos lang kami nung medyo dumilim na at medyo nagutom na na na naman.
Lafang ulet kami nung dinner with matching live band sa gilid . Pagkatapos awarding na kembot at 
since lahat kasama sa best of the best lahat hindi umuwing luhaan lahat may award. 

Ampogi ng boss namin noh?


Natapos ang event ng may konting sayawan at halak-hakan.Yung iba naligo sa pool yung iba borlog na agad at ako 
update update kay Jikoy.

At bago kami natulog may  chocolates pang binigay :) Sweet!


Hindi ko na ikukuwento ang nangyari nung gabing yun na katabi ko yung Operation Manager na 
amoy na amoy ko nung una pa lang .. hihihi

(((2nd Day)))

Good Morning Sunshine!


Napag-usapan na gumising ng 6am pero sa sarap ng tulog ko late na ako nagising, medyo masakit ang 
katawan at parang namumula si junjun at ang aking balat (waaah).Naligo na ako agad at nag-breakfast. At suxal buffet! Perstaym!


Sarap talaga pag libre! Ang sarap sarap! 

Pagkatapos naming kumaen niyaya ko sila napuntahan at tingnan ang bagong yatch na kakabili ko pa lang chos! 

Hanapin niyo ang akin hihi

Aside sa port nila na puro yacht dinayo din namin ang tinawag nilang lower beach kung saan andun ang mga water activities nila.

Kaya nagbanana boat kami! 

Buhay yaman yamanan! Winks!

Senyor Josh Santibanez!

Kung may infinity pool sa may Casitas may malaki ding pool sa may lower beach.

Pool na naman whooooah! 

At pwede ka pang mag-golf ang saya saya! 

Andaming magagandang lugar sa loob ng Punta Fuego at andaming magagandang bahay din pang mayaman at dahil kapos na kami sa oras hindi na namin napuntahan. Exclusive ang lugar at may membership kembot. Check niyo na lang sa web ang rates nila. Lakad bakasyunista kc ito hindi lakad blogger lols.

The experience was superb! Kasi free at you know the feeling na with all your effort na appreciate ng company mo ang paghihirap mo na something na ansaya lang at nakakamotivate na husayan pa. Kaya Thank You Convergys sa effort na mapasaya kami.


At Salamat sa Powerbank! 
I am the Best of the Best pero mas Best pa din kayo for visiting this blog  Hihi!

17 comments:

  1. congrats Kulapitot.. and thanks for sharing your pics...


    korak! gwapo nga ung boss mo hahaha at yun talaga ang napansin.. char!


    ngapala, kwento mo naman kung anyare sa inyo nung OM nyo na naaamoy mo? ano bang amoy, alimuom? or parang singaw ng lupa pag umuulan? o_O

    ReplyDelete
  2. AKIN LANG ANG BOSS MO! HAHAHA

    ReplyDelete
  3. Maganda nga yung place, mabili nga, ha,ha,ha! Kidding aside, congratulations for being one of the BOB. Natawa ako sa libreng pagkain, masarap basta libre. Wag bibitaw sa pagsusulat, puwedeng magpahinga, wag lang mawawala.

    ReplyDelete
  4. BoB! Keep it up :) Sa susunod, ikaw na yung Ops Manager :D :D Nakakamiss ka na!!! See me soon. kahit hindi na sa exact bday ko! Puhlease!!!

    ReplyDelete
  5. ikaw na ang best of the best! :)
    nakakatuwa naman ang mga ganitong event sa inyong company
    at napakaganda ng lugar, swak sa lahat sa inyo na nag-i-effort ng mahusay sa trabaho :)

    ReplyDelete
  6. Perting ki-at! Pero sayang, no blue brip this time.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ...ug congrats diay. Sure ko sa sunod, si Operations Manager na pod imong room mate. Hala!

      Delete
  7. Congrats! Taray ng bakasyon, bongga! As usual, natawa nanaman ako sa mga captions mo. Teka, 6AM for breakfast ba? or 6pm talaga? :D

    Ingat!

    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  8. ganda naman diyaaaan!!

    hello boss. hihi

    ReplyDelete
  9. Ang ganda nga jan. Im so inggit.

    At natawa naman ako, wag ka nga kasi daw mag brief jusme!

    ReplyDelete
  10. ang lakas maka nora aunor ng mga sampaguita garlands...congrats! ang saya naman ng BOB na iyan walang ganyan sa amin...nakakainggit...ang ganda ng place at parang ang sarap sarap ng food

    ReplyDelete
  11. Dito din kmi nag team building..worst lang kc di naman na enjoy masydo yong place kc more kami inom inom...hahaha! ang hate ko lang sa lugar is the cr di malinis, then di ko peg yong jeep moment going to the lower beach at yong eksenang papunta higher part club joskow!

    E try ko e share sa blog ko ang di ko lang makalimutan sobrang kalasingan ko na ikot namin yong mga rooms..hahahaha.

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!