Tuesday, April 15, 2014

I-push mo yan! Oh Borawan!



Pagbigyan niyo na ako! Last na 'to!


Waaah! Hello sana kilala niyo pa ako, sana welcome pa din ako! Ako lang po ay nagpahinga at alam mo na nag moment moment ng ilang buwan pero Im finally back! Hello Its me Kulapitot!

Hindi ko pa natapos ang journey ni Moon pero ika-cut ko muna at ipapasok ko muna sa eksena  ang gala ko sa Borawan .... 
So ayun pumunta ako ng Quezon dahil naintriga ako sa isla na tinatawag na Borawan a combi of Boracay and Palawan. This time nahila ko ang mga ka-officemates ko para mag beach at wala lang magwaldas lang ng pera charaught!


Meet the Cast 


Toni , Bff Peanuts, Me, Amber & Ace

How to get there?

 Sumakay ka ng bus ng JAC Liner bound to Lucena (Buendia or Kamias Terminal) at bahala ka na kung saan ka bababa ginusto mo yan eh winks!

Baba kaw ng Lucena Grand Terminal at sumakay ka ng Van to Unisan and informed the driver to drop you sa may Padre Burgos. Sabi ng contact namin mas mabilis mag van kesa mag bus dahil wala ng masyadong hinto hinto to get pasahero you know feeling conyo me. Kaya mag van na din kayo!

Transpo?

Buendia to Lucena - Php 200.00 (4 Hours Travel Time)
Lucena to Padre Burgos - Php 50.00 ( 45 mins Travel Time)

Pero dinaya kami ng barker at siningil kami ng Php 70.00 which is according to our guide dapat Php 50.00 lang ang pamasahe. Akala siguro ng barker na mayaman kami at mukhang maiisahan .Pwes tama siya! lols

Hindi pa rin ako maka-move on sa Php 20.00! 

Moving on haha! after ilang tulo ng laway ni Amber sa bus at van nakarating din kami sa wakas sa lugar safe and sound.

James Ron was our contact sa trip na ito na pinagkamalan ba naman akong hoax guest na nagpapareserve lang pero nagogood time . But I understand where he coming from ( lakas maka spiel)  kasi based sa experience niya yung tipong naghanda siya pati food pero ending nganga at walang dumating na bisita. Kaya hindi ko siya masisi kahit nasa bus pa lang kami tawag kung tawag at hindi mapakali na tipong hello mayaman kaya kami kaya namin magbayad! Chos!

We choose his package dahil sabi sa mga forums at sa mga comments sa blog his service was so good! It includes ;

* Boat to Dampalitan Beach, Puting Buhangin (Kwebang Lampas) at Borawan
* Meals (Lunch , Dinner , Breakfast)
* Entrance Fee at Environmental Fee 
* Cottage
*Tent
*Water

Plus bonggang mala Kris Tv ng pag entertain sa amin winks!


Meet our tour guide Ron James he deserved a space sa post na ito dahil he and his team treats us like King and Queen.

Nagutom? Never!
Nauhaw? Never!
Nabored? Never!
Nangitim? Oo!


Pero ready yourself kasi parang you meet Shalala + Vice Ganda sa talas ng isip at diretso bumira ng mga salita, Lait kung lait ! Appreciate kung appreciate! He treated us so special and everything was unforgettable lalo na for Toni and Peanuts na first time nila gumala in a cheapest and pang girl scout na set-up.


Pagdating namin sa Padre Burgos sinundo na kami ng kapatid niya papunta sa kanilang bahay. At isang nakakatabang pusong welcome at smile ng mga miyembro ng pamilya may kasama pang  drinks at snack.
Anong saveh ng Christian Dior na shades???????


Olalala Cassava!

At dahil makapal fes namin naki-charge na rin kami ng phone at nagpalit na rin ng pang swimming. After few minutes he arrived na confirm na confirm sa kulay ng buhok at sa shoulder bag! Confirmed sirena! lols!


Chika kaunti , kamayan dito hi at hello at umalis na kami papunta sa port kung saan naghihintay ang bangka.


Unlike sa iba na maliit lang ang bangka for a number of persons na 5 , isang good for 20 pax ang hinire ng lola niya para sa amin na sobrang spacious pede kang tumambling char!

(Taray si Madam dagat ang pupuntahan pero naka longsleeve naka maong at taray ang bag!)

First stop at for just our first day ay ang Dampalitan Beach :)


Our guide sets the itinerary at hindi na ako nakialam hinayaan ko na lang siya baka ako pa ay matalakan hihi!. Full support lang ako at alam ko tour guide knows best though tinatanong niya ako anong gusto ko at anong gusto kong gawin. He decided na magstay at magrelax kami ng buong araw sa island at the rest next day na lang .



We arrived na walang katao tao it was a perfect timing at day
 ( mas maganda talaga gumala ng weekdays). 


Hala Amberla PG lang? Hahaha!

We took our lunch in a buffet style na sobrang dami at hindi man lang namin maubos ubos na may kasama  pang himagas. I TOLD YOU HINDI KAYO MAGUGUTOM!


Nagset-up kami ng tent at inenjoy ang dagat.


Bubble Butt!


Toni, Penge taba!

Kabooog si Amberla!

Ang nakikita niyo po ang kaibahan ng Mangga sa Papaya! Bwahaha!

Kilala ang isla na may mataray na caretaker but believe it or not inofferan pa kami na matulog sa kubo niya. Naks! People can change naman diba?



Mahaba ang shoreline ng Dampalitan hanggang likod kaya nung sumapit ang hapon naglakad lakad kami at sinuyod namin ang lugar. 


Hala Rampa!


I saw the sand! And it opened up my eyes, I saw the sand

Before umalis si Sunshine Dizon nag early dinner na kami at namulot na kami ng kahoy for our bonfire.


Tomboyan lang?


Its seafood for our dinner parang nasa Dampa lang ang peg!
I told you hindi kayo magugutom!



Winks! 
I told you pati si junjun busog! Burrp!

Siesta time na at chismisan na may kasamang onting inuman till dalawin ng antok..
 Malamig pag gabi kaya aside for your baon na insect repellent magdala din ng jacket or kumot. Naglatag kami ng banig sa sand  at duon natulog while ang aming prinsesa na si Ace natulog sa loob ng tent , Princess Fiona! winks!

(What you will see pag gabi ay ang umiilaw na jelly fish sa dagat, ang lumilipad na alitaptap sa pine tress at ang mga nag twi-twinkle na mga stars sa langit!) Truly a good place para mag unwind at  mag-emote!) Hay sorry walang picture lowbat na si cp! 

Maaga silang gumising dahil ako hindi man lang natulog at sila ay binantayan.Everyone was eggcyted sa second day at habang iniintay ang breakfast tinupad namin ang wish ni Ace na maging halamang dagat este sirena! 


Pagbigyan na natin mga kapamilya!

Dumating sila dala ang aming agahan at as usual busog kami to the max na may kasama pang prutas.

Hind na kami nagpatumpik tumpik pa at nilangoy namin ng 30 mins papunta sa next isla. Whaaaaat?  I mean binangka namin ang lupa , sympre ang dagat  papuntang Puting Buhangin na kung saan matatagpuan ang Kwebang Lampas.



Welcome to Puting Buhangin at Kwebang Lampas!



Ang babaeng babago ng bawat gabi niyo ang gigising sa natutulog niyong puso! Ang aabangan sa Primetime Bida! Si Amberla!


O dyusko dyusko hindi po niya alam ang kanyang ginagawa! 
Push mo yan Amberla!



Puting Buhangin but not totally puti kaya wag high ang expectation baka madismaya winks!

May nakita kami ni Toni na small na ahas dagat hindi ako sure basta sa dagat siya nakita pero dead na, so far nag iisa lang naman siya kaya wag matakot wala namang anaconda!


Toni humihinga ka pa ba?


Its me Ace winks!

Waaah! Mas maganda ang beach nito pero crowded nga lang . It was named Puting Buhangin pero ang buhangin nito ay halos natabunan na ng mga pebbles.Pero we really loved the beach at ansarap mag swimming! Ayun hindi na rin kami nagtagal at nilangoy ulet namin ang dagat papunta naman sa Borawan. Lumangoy kami habang hila ang bangka , swear! Lols!



Atlast the famous Borawan! last stop namin!


Maganda ang lugar dahil napapalibutan ng mga bato mala Palawan pero mas maganda pa din mag swimming sa Dampalitan o sa Puting Buhangin.


Even our tour guide agrees!

- Visible ang jellyfish 
- Anlaki ng mga sea urchins
-Super Init
-Biglang lalim ng dagat

( Pero maganda! Pwede na!) 


On the other hand compare sa ibang isla mas maraming pwedeng gawin sa Borawan like spelunking , trekking, kayaking at jelly fish eating contest chos!


At dahil takot ma Anne Curtis naglinis na lang kami ng aming mga pagod na katawan at gomora na pabalik sa mainland . Ika nga back to reality!


Dampalitan + Puting Buhangin + Borawan ay isa lang sa mga magagandang lugar na pwedeng puntahan sa Quezon according kay Madam Ron. Andami pa! Well may next time pa naman :)


To sum up,  itong byahe na ito ay isa sa mga pinakamura na sobrang sulit na gala to date! Hindi ko na sasabihin magkano ang package dahil nakadepende ito sa dami niyo but I highly recommend Ron kung tinatamad kayo mag DIY for your trip to Borawan.

RON JAMES CONTACT # 09496362087
( Sabihin niyo ni refer ko kayo) Oi walang refferal fee to ha!


Magkape ka naman Amberla para kabahan ka naman! Haha! Fish tayo!

Thanks din kay Manong Unyol sa info ito po blog niya http://manongunyol.blogspot.com/

Hangggang sa susunod na gala winks!

23 comments:

  1. Masaya na masaya! Sana makasama ako :/

    ReplyDelete
  2. wow!! nice to hear na nakapunta ka ng province namin.. never been to the borawan itself but been to kwebang lampas!! super nice noh,, though hindi ko lang bet ung travel by boat to get there.. hehehe

    ReplyDelete
  3. Super duper ganda ng place. Sayang la cottage na tulugan....

    ReplyDelete
  4. Mag-expect ko nga kada bag-ong post nimo, pareha sa unang photo pod ha?! :)

    Lingawa ninyo oy. Suya ko. Medyo tugnaw pa diri.

    Ug suya ko sa inyong gikaon! *sigh

    ReplyDelete
  5. Tawa ng tawa nanaman ako sa post mo., bat di ka ganyang ka funny in person? LOLs jk.
    Di ba nasapawan ni Ron James yung ganda mo nget?

    ReplyDelete
  6. Galing ng paglalahad... ng kuwento. Kumpleto- may ibon, may mangga, may papaya, may saging, may pakwan, may siopao pero walang itlog, lol! Sana may ganyang lakad ang mga bloggers, sasama ako.

    ReplyDelete
  7. walang takot sa puting undies na pangswimming! agaw eksena si junjun!!! hihihihi

    bongga ang borawan tour! congratulations!

    ReplyDelete
  8. Kakainggit ang fudtrip! Busog si Junjun!!! bwahahaha... Mukhang enjoy ka! Si junjun ba nag-enjoy?

    ReplyDelete
  9. Laughing while reading the post. Very nice :)

    ReplyDelete
  10. ganda ng place! laughtrip again reading your post :)

    ReplyDelete
  11. HI ASK LANG HOW MUCH PO UNG NAGASTOS NIO?

    ReplyDelete
    Replies
    1. @Bajok depende eh pero sa amin 2k lahat na lahat na yun

      Delete
  12. Laugh trip! kaw na ang may lakas ng loob na magpose ng naka "kansursilyo" Hang kulet! lols :)

    ReplyDelete
  13. ang kulit...kakatuwa ka naman heheheh

    ReplyDelete
  14. parang may susugurin kang somweone sa first pic...not just sure if magkakagulo or somethine
    g else will happen ..but neweiz sobrang fun ng post!

    ReplyDelete
  15. KULAPITOT!! Ang dami kong tawa sa mga captions and sa simula pa lang ng post, eh bahala ka na kung saan bababa. hahahaha!

    Bet ko yung pag gaya mo kay Dyesebel! :D I shared this to my officemates sabi ko, next time dapat may ganitong peg ha. HAHAHAHA!

    Over all, masaya talaga ang trip nyo. Ako din tamad mag DIY. :D Regards sa mga sexy mo na kasama. :D

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
  16. Inaabangan ko pa man din kung magkano yung package nyo, sabihin mo na din, wag ka na mahiya! Hahaha...

    ReplyDelete
  17. how much yung package na nakuha nyo (ron)?

    ReplyDelete
  18. important site replica designer bags wholesale you can try these out my link look at this website YOURURL.com

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!