Remember Moon my travel buddy during my Palawan trip? Oo si Moon yung heartbroken na binasted ng friend ko , ay sori yung kasama ko sa Palawan na naka brip din! Oo siya nga , kasama ko ulet siya wink wink at this time tinungo namin ang Baguio to fulfill his dream! You read it right , it was Moon ultimate dream to visit Baguio.
Sino bang ayaw pumunta ng Baguio na kahit paulit ulit mong puntahan you will never feel sawa at all lalo na sa magagandang tourist spots at sa lamig ng temperatura nito.
Moon & I
Well, speaking of maganda kasama ko din ulet si Amber , remember yung malanding kasama ko sa trip ko sa Zambales yung babaeng bitter pa din sa ex boyfriend niya for how many years na , ay sori! Ay mali! Yung maganda kong friend (ehem) ! Kasama din namin siya para umaura sa Baguio!
Amber dapat naka ganun ka lang nung nasa picture lols
Maaninag mo sa mukha ni Moon how excited he was sobra sa lakad na 'to na minsan na din napag usapan at hindi natuloy at finally natuloy din. Out of 5 na aales naging down to three na lang.
Sa lakad naming ito ako ang tour guide , si Moon ang turista at si Amber ang yaya este ang konsentedor na oo lang oo at walang keme sa kahit anong challenge at lugar na pupuntahan.
Fare fair?
We opt not to visit on the day ng flower festival grand parade para hindi masyado congested ang daan at medyo hindi pa masikip gumala dahil medyo onti pa ang tao na namamasyal. Pero we noticed medyo nagmahal na ang fare ng Victory Liner from Php 445 to Php 460 na one way at yung accomodation medyo nagmahal na din. Fully booked na halos!
Saan kami nag-stay?
Plan A was to stay at Upstairs Bed and Bath for only Php 299 but when the receptionist informed us na wala na silang good for 4 na room at isasama kami sa good for 30 na room we decided na lang to look ng iba. Nataon naman pag baba namin may taong nakaabang agad at offered us this new inn na nasa harap lang ng UB&B.
Tinungo namin ang DL Devine Inn at pinresyuhan kami ng Php 1500 for overnight stay good for three. Medyo mahal pero nag-oo na lang kami dahil may sarili na mang CR at sympre may privacy kami. In case na halayin namin ni Moon si Amber walang makakaalam (evil laugh) este si Moon pala ang titirahin haha!
Back to the inn, bago nga siya infairview dahil hindi pa gumagana ang elevator at the same time kami pa kumuha ng toilettries namin sa baba at maluwang pa yung tornilyo ng basin namin sa Cr na tumatagos ang tubig nito sa pipes. NKKLK! nabadtrip talaga kami dahil wala man lang nag-assist sa amin at nagrequest kami lumipat dahil sa tumatagos yung tubig sa banyo wala na daw pwedeng lipatan. Grrrrr! Wala pang basahan!
No choice dahil nakahilata na kami sa kama at nakalatag na lahat ng gamit namin at gahol kami sa oras sa pag gala we choose to stay na lang sa inn.
( Bumaba si Moon at mag inquire ulet at take note iba't iba ang prices ang sinasabi hindi consistent!)
The First Day!
No other Sm like SM Baguio
Ang first day ay nagsimula ng hindi masyadong perfect dahil sa inn na yun but naka move on naman kami agad.
" mas maraming reason na maging masaya kesa maging nega"
Right?
Ramdam na namin ang lamig sa Baguio at kita ko naman sa mukha ni Moon na so far nagustuhan niya ang lugar. Unang nasa list ay ang Bencab musuem pero nabigla lang kami sa price papunta sa museum medyo may kamahalan at alam mo yung presyuhan ay fix na at wala ng metrohan tsk tsk .Ganun ba dun? Tas meron pang mga pahagging na "sir hintayin ko kayo din ito yung per hour ..... " Tsk tsk ... Kaya sabi ko kay manong driver " Skip na lang ang bencab na yan at dalhin mo kami sa Tam-awan vilage at mag nature nature na lang kami " at nagpahabol pa si manong driver pagdating sa village "malapit na yun dito sir" Hmm...
Sige manong i-push mo yan!
@Tam-awanVillage
Hindi lang si Moon ang first time makarating dito pati din si Amber at ako.I did not expect na madami pa lang pasabog at magagandang makikita sa loob nito. Pero nung pumasok na si Amber ay wala na ..
Next Plssss...
Isang nilagang maraming laman kesa sa sabaw ang loob nito.
Merong Cafe sa loob na tinatawag nilang Tam-awan cafe na infairness hindi pucho pucho ang pagkaen..
at very reasonable naman ang price(s) ng menu nila sa ganda ng presentation nito.
Samahan mo pa ng magagandang paintings sa loob ng cafe.
Note: Bawal kumuha ng litrato sa loob pwede lang kumuha kung gagawing background.
Ano daw? Kaya blurred ang kuha nasita kasi lels.
Naghanap kami ng CR at ito ang nakita namin ni Amber. Naexcite siya bigla! Alam na!
Pati ako pinagdiskitahan!
Hoy Amber ang halay mo!
Thailand?
No! Sa Restroom lang yan ng Tam-awan!
After kumaen sinimulan agad namin ang trail gamit ang binigay na map.
Anong meron dyan friend?
Mag-BB koh!
Isang "Broken-Hearted" at isang "Bitter"
Let's continue, ayun famous ang village sa mga magagandang kubo's ng mga katutubo before na very nice tingnan. I can't imagine lahat ng houses ganito dito sa metro na sa isang iglap lang pagka nagkasunog in a span of minutes abo na agad hihi!
At dahil blog ko to at kahit kay Mon ang title wala kang magagawa at mas marami akong pictures dito.
Uno!
Dos!
Tres!
Umay na? Si Mon naman!
At taray ayaw pakabog nag paguhit talaga sa isa sa mga resident artist nila.
Moon! Kaw ba yan o si Ferdinand Marcos?
Pero ito talaga ang highlight at tsismis haha , sori Moon!
Nakita niyo yang igorot costume sa tabi ng lata? Sa my right side?
Sinabihan namin ni Amber si Moon na isuot ang costume at wala namang bayad at donation lang. Eto naman si Moon dali daling kinuha ang costume at sinuot sa katawan niya haha! Tas biglang dumaan ang isang lalaki in igorot costume sabay kausap kay Moon.
Lalaki : NAKUUU Sir wag yan!
Mon: Bakit po? (Nagtataka mode)
Lalaki: ( Sabay turo sa pwetan niya) Dito po yan nilalagay!
Amber at ako: Hahaha! MOON amoy pwet ka na!
Sa kamalas malasan ba naman ang dapat gawing pangbahag na inaamoy amoy pa ni Moon ay sa katawan niya nilagay .. TOINKS!
Eto kasi yun oh Moon!
Moon utos kasi ni Amber yun! Hahaha (evil laugh)
Ayun ikot ikot pa din kami sa lugar at after an hour umalis na din agad
Itutuloy natin ang istorya kung saan ako nakarma!
i remember nagpadrawing din ako jan, tapos di ko kamukha ung drawing kaya di ako nagbayad hehehe
ReplyDeleteLapit ng bahay sa Divine Inn. Hehe Enjoy Baguio kahit mraming tao :))
ReplyDeleteNice adventure in the company of good old friends - reunited and it feels so good lang hehe.
ReplyDeleteNaalala ko yung kubo kubo na yan, we took a photo of it na kunwari binubuhat naming lahat (group of HS classmates).
want ko din maggala dyan lalo ngaunng panahon na to!
ReplyDeletedame event at super lameg hehehe
Igala mo rin ako!!!!
ReplyDeleteang sarap namang mag-baguio. kainggit! :)
ReplyDeletefirst time ko na meet si Moon. hehehe wow may Baguio post na siya samantalang sakin nilalangaw na sa folder ko. hehehe. saya basahin.
ReplyDeletebuti di kau natuloy sa Upstairs Bed and Bath. Disgusting. ung mga CR sira. dun kami nag stay last Dec.
ReplyDeleteThe last time I went back to Baguio was waaaaay back when I was a child. Haiy.
ReplyDeleteAng HOT ni Moon! Hihihi. :3
Baguio is always close to my heart and I even thought of finding a job there and staying for good. This is the first time I heard of Tam-Awan village, another must see so must go again, ha,ha,ha. Puwedeng pagsamahin names ng mga friends mo and they sound so good, amber moon! Pag naging sila, their children can be named solar, galaxy and bituin.
ReplyDeleteNag Thailand ka? Hindi ka nagsabi, ha,ha,ha. Feeling ko sa Ubud ka galing because of the lizard designs and the use of colours and technique for that artwork. Great pics btw.
ang saya :) habang binabasa ko, para akong nanunuod ng kris tv lols :)
ReplyDeleteUban ko sunod. :)
ReplyDeleteAng cute ni Moon... Bakit siya binasted?! :(
ReplyDeleteYun talaga ang focus? *hahaha* Gusto ko na din pumunta ng Baguio.
Ang conyo mo na no? Tas lumelevel up na ang editing mo anu? Panget! lols.
ReplyDeletei looooooove baguio. masarap nga siyang balik balikan at isa siya sa mga paborito kong lungsod sa pinas. hehe
ReplyDeleteanyway ipakilala mo sa akin si moon, pramis hindi ko siya babastedin. hihi helloooowwww mooon. :p ako si sun. chos. haha
pero seryoso. hi moon. haha
Sun and Moon, parang sa Miss Saigon? *hahaha*
Deleteang landi ko no? daig naman daw ng malandi ang maganda. haha
Deleteawww... ang kulit ng trip nyo! :) Sana makabalik ulit ako sa Baguio! :) Sana naging happy si Moon. Regards sa kanya ha, sabihin mo, lahat tayo dapat may "starting over again" peg. Char. :D
ReplyDeletehong saya namans! glad you guys had fun on your Baguio Trip hihihi :))
ReplyDeleteI am hoping na one of these days talaga, maka visit na rin ako sa City of Pines!
ang kulit mo tlga mag sulat!! <3 Love it!
ReplyDeleteBtw, Baguio is undeniably beautiful and i must visit soon. This article is full of tips. Thanks!
uy cute si mon! hahanapin ko yun naka brief din siya hahaha.
ReplyDeleteako hindi pa nakakapag baguio. saklap
cute si moon ha... epic ang blooper sa igorot costume.... ew! sulit na baguio trip... galing!
ReplyDeletetrue. mahal ko na nga siya e. lol
DeleteDami pala talaga puede gawin sa Baguio. Thanks for the free trip:)
ReplyDeletenakaka miss naman ang baguio.... nakakatuwa ang pics hehehe nakaka aliw ang pagkaka kwento mo hehehe...
ReplyDeleteang saya lang....
hahaha hangdami ko namang tawa sa bahag na pampwet whahaha :) iba ka talaga kulapitot!
ReplyDeletezd0721hermes bracelet
ReplyDeletenike air max uk
gucci shoes
beats headphones
air jordan shoes
ugg boots uk
oakley sunglasses wholesale
ray ban sunglasses outlet,ray ban sunglasses,ray ban,rayban,ray bans,ray ban outlet,ray-ban,raybans,ray ban wayfarer,ray-ban sunglasses,raybans.com,rayban sunglasses,cheap ray ban
los angeles clippers jerseys
toms shoes outlet online
supra shoes
arizona cardinals jerseys
lebron shoes
oakley sunglasses outlet
north face jackets
beats by dre
nike mercurial