Sagad sa sarap , Sagad sa lamig , Sagad sa Ganda yan ang mga katagang na nasambit ko sa pagpunta namin ni Jikoy sa Sagada. Hindi lang simpleng lakad ito dahil pinagdiriwang din namin ang 4th Year Anniversary bilang magkaibigan, magkasangga sa buhay, mag-partner sa buhay at alam niyo na yun ayieee!
Well, ang plano ay pumunta lang sa Ocean Park pero nauwi sa pagpunta sa Sagada. Ang planong simpleng celebration nauwi sa isang very challenging na lakad at biglang empake ang naganap. Mag aalas 10:00 na ng umaga ng umalis kami from Victory Liner Cubao to Baguio (fare php 445.00 and 6 hours travel time).
# Selfie 101
Dumating kami ni Jikoy sa Baguio ng madilim na at napagalaman namin na sa madaling araw pa ang byahe ng bus papuntang Sagada nag check-in na lang muna kami sa isang inn para magkemehan este magpahinga. I don't want to mention yung inn pero wala lang hindi ko bet kaya ayaw ko nang sabihin pa basta malapit siya sa Burnham Park. Hindi siya malinis pramis .. Ayun umalis kami ng bandang 5 am sa inn then pumunta na sa terminal na papuntang Sagada. Since hindi kami prepared nagpa-assist na lang kami kay manong taxi driver na ending ngangabells hindi rin alam kung saan ang terminal. Ending binaba niya kami sa terminal ng bus na papuntang Bontoc, eh may direct pa lang byahe sa may Dangwa Terminal to Sagada .. Si Manong talaga .. Grrr (fare : 176 each , travel time 6 to 7 hours)..
Kaya pa?
Warning : Mala roller-coaster pala ang byahe papuntang Sagada at nasa tuktok ng bundok ka talaga kaya babala wag kumaen ng madami dahil mapapasuka ka talaga katulad ni Jikoy not once,twice kung hindi 6 times pa lols.
Awang awa ako kay Jikoy dahil sobrang hinang - hina na siya sa byahe at kotang kota na siya sa pagsusuka at si Manong kundoktor ay nakasimangot na dahil yung supply nilang cellophane sa bus ay nauubos na ni Jikoy.While ako naman cool lang at kumakaen ng leche plan .. HiHiHi , hindi alintana ang pagsusuka niya .
Ang cute ng packaging ng leche plan noh?
Ilang tumbling sa mga bundok , ilang tulog, at dalawang stop-over narating din namin ang Sagada (binaba pala kami ni Manong Kundoktor sa crossing papuntang Sagada dahil diretso ang bus papuntang Bontoc at sumakay ulet kami ni Jikoy ng bus , we paid Php 45 pesos).
Welcome to Sagada
Sagada was just a small place kaya hindi ka mahihirapan sa paghahanap ng matutuluyan. Dahil sobrang awa ko kay Jikoy na kahit lumipat na kami ng bus sumuka ulet siya dun ng twice kaya naghanap agad kami ng place kung saan kami mag-iistay and we choose St. Joseph Inn.
Inn
For only Php 500.00 pesos good for two na at maayos ng higaan kahit walang private restroom. Maganda ang place dahil nasa mismong poblacion at accessible sa mga bilihan at of course sa terminal ng bus.
Hindi na kami nagpatumpik tumpik pa boom kara karaka hihi , umalis agada kami sa inn at naghanap ng tour guide. At nagulat ako ng very light unlike sa mga tourist spots na napuntahan ko na pagdating mo pa lang at pagbaba mo ng sasakyan mag-aagawan na ang mga tour guide sayo pero dito sa Sagada very organize sila at kelangan mo talagang magparegister sa Tourism nila at ang mga tour guide ay nakapila.
Taray diba from USA, Denmark, Australia ! Pak! From Cainta Rizal Philippines! lols
Interpreter please!
Kami lang ni Jikoy ang nag-tour ng araw na yun sa pagkakaalam ko na pinoy and the rest mga foreigner na. Nakakatuwa lang isipin na maraming mga taga ibang bansa ang love na love ang pagbyahe sa Pilipinas , well yung iba sa atin ay hindi man lang magawang lumabas ng bahay at i-appreciate ang ganda ng mga lugar natin. Minsan tayo pa yung dayuhan sa sarili nating bansa ..tseh! #justsayin ..
For Php 70.00 pesos registration fee pwede mo ng libutin ang buong lugar. May kasama ng copy ng map at fees for every tour ang ibibigay sayo. May tour na kung sa tingin mo kaya mong DIY (Do-it-Yourself) at meron naman na kelangan talaga ng guide katulad ng pagpasok sa famous na Sumaging Cave.
Una kong narinig ang lugar na 'to when Sandara Aguinaldo featured this cave sa isang episode ng I-Witness kung saan hinanap nila ang ang babaeng ilang araw ng nawawala sa loob ng cave na according ng tour guide ko as of writing hindi pa rin natatagpuan. Medyo scary kasi hindi lang siya ang una na namatay sa cave na yun at meron nang nauna pero siya lang yung hindi nakita at yun ang misyon namin ni Jikoy ang hanapin siya charot!
Hindi ka magca-cab hindi ka rin magtatricycle halos lahat ng adventure sa Sagada kelangan mong gamitin ang iyong mga paa. And for this tour kasama namin si tour guide Ben at ang bagong friend namin ni Jikoy na si Laxo Lax na isang Slovakian na ubod ng daldal at sobrang baet. Dito na rin nagsimula ang panibagong kalbaryo ni Jikoy ..
Saan si Jikoy?
Dahil sa mabigat niyang timbang kelangan pa namin huminto para hintayin siya lols. Ayan kasi sinabihan ko na magdiet eh ayaw kaen kasi ng kaen ..
Koyo mo po bo?
First stop namin ay sa viewpoint ng hanging coffins , pero hindi ko makita ang coffin sa sobrang labo ng mata ko .. Kita niyo ba?
Buti pa siya nakita niya!
Second stop ay sa burial cave kung saan kami officially pumasok na sa cave..
Amazing!
Walang atrasan na 'to at sayang ang Php 400 pesos each person at once in a life time experience naman kung anong mangyari alam na! mumultuhin ko kayoooo... haha!
Papasok o hindi?
Gamit ang lamparang ito pumasok kami sa cave na akala ko hindi na ako makakalabas na buhay. Hindi ko magawang magpa-picture o mag selfie man lang , hindi namin iniexpect ni Jikoy pati ni Laxo na ganito pala sa loob ..
Sandra Aguinaldo, i-kwento mo na! Pasok!
Taken from Laxo's phone : Sumaging Cave 2013
Hawak ang tali at bato lagi kung iniisip na na kung mamatay man ako okay lang kasama ko naman si Jikoy at kung isa man sa amin mapahamak , ipapahamak ko na din sarili ko .. char!
Almost 2 hours din kami sa loob ng cave na akala ko walang katapusan , si Kuya Ben kasi andaming pasabog pa sa loob yung tipong wait there's more! Pero ayun naging kampante na ako nung nakita ko to!
Dyusko Lord! Salamat! Ayan na ang liwanag!
Lumingon ako sa likod at nakita ko ang grupo na mga thunders na , wow ha! Parang libangan lang nila! Astig sila Lola!
Eh Jikoy anyare?
Chika minute na naman si Laxo na andami na daw niyang napasok na cave pero ito daw ang pinakamahirap at da best napuntahan niya. At dahil dun nagpapainum siya!
Kawawang bata! At maglalakad ulet kami ng ilang kilometro pabalik ng inn hahaha!
Kumusta ako?
Eto fresh from the cave! Kasing fresh ng SUNFLOWER! charaught!
Kokey lang ang peg? Hahaha! Pramis namiss ko magblog! at namiss ko kayo!
Bibitinin ko muna kayo sa susunod na
post samahan niyo ko mamitas
ng Orange!
Bongga naman!
ReplyDeleteLast july may i gora naman kami ng friend ko sa batad, ifugao at dapat magsaside trip kami sa sagada... But no hindi na namin kinaya sa pagod! Haha kaya next time na lang. Hehe
nice! thanks for bringing me to sagada! :)) ive never been there
ReplyDeleteGrabe pagod sa adventure nyong eto. Pero worth naman:)
ReplyDeleteAt ako'y hindi pupunta ng Sagada dahil nakita ko na dito. Hindi ko kakayanin ang biyahe. When I went to Baguio, pinutol ko trip ko, dahil hindi ko kaya ang more than five hours. Leche plan for snack?
ReplyDeletehello.
ReplyDeleteanha ko pohon. uban ta?
Nag-enjoy ako sa pagbabasa nito. Para na rin akong kasama. *hehe*
ReplyDeleteang sarap mo namang magkuwento. nakaka-enjoy! :)
ReplyDeletesuper like feel ko parang nag tour na rin ako sa kwentong matching picture pa...
ReplyDeleteSagada, will always be one of my happy places. sana nga ilang split lang yan sa Manila para madali lang magpabalik-balik. I hope to be back soon :)
ReplyDeleteayos yan ha.. mula sa moa to sagada.. medyo niligaw ata kayo ni manong driver dun haha.
ReplyDeleteawww kawawa naman si jikoy mukhang di sanay sa mahabang byahe sa bus na mala rollercoaster..
asan na yung leche plan ko paps? hahahaha
ang ganda ng shoot mo sa sagada!!!
medyo mahal yung Inn na napuntahan ninyo pero oks na yan mukhang pagod much na si jikoy eh.
haha ok lang yan. atleast may pinoy pa rin!
Tama.. ika nga nila bago ka lumabas ng ibang bansa siguraduhin mo muna nakapaglibot ka sa ilang magagandang lugar sa Pinas sabi nga sa kanta Piliin mo ang Pilipinasssss.......
Ayos napanood mo rin pala yung Iwitness gabi much na yun ha.. sobrang interesting yung episode na yun!
haha ang kulit ng pic ni jikoy...
ay di kayo nakalapit mismo sa hanging coffin?
sulit naman ang 400php mo dito dahil sa experience at heritage din ito!
haha ang dami kung tawa sa hirit mo na yun ha. (Dyusko Lord! Salamat! Ayan na ang liwanag!)
haha natawa ako sa hirit mo paps.. fresh na fresh haha..
medyo nabitin ako sa sagada ninyo.. hahaha
Sagada is love :)) Bumalik-balik ako dyan!
ReplyDeletei always wanted to go here.. taga norte ako pero never a ako napad pad sa sagada ( share lang)
ReplyDeletenice trip. cute photos
Yown, timing ang post mo Sir. I'll be there on December 25th. This post will be my guide. Approved.
ReplyDeletePangarap kong makarating ng sagada. Ilang beses na kasi akong nakabasa ng story na dun ang setting haaaay
ReplyDeleteNakakaaliw ka talagang magkwento hahaha kawawa naman si jikoy bulagta siya for sure pagbalik nyo from the tour
wow... hanep naman ang mga pics.... cute nga ng leche plan......
ReplyDeletenakakauwa naman ang byahe nyo..... parang nakaka enganyo pumunta lalo na sa pagkakasalaysay mo.... enjoy enjoy lagi....
Inggit ako sobra Panget. Okay na saken kahit mag lakad ako jan ng wagas basta makapunta ako jan. I need to talk to you para maplano ko din pag punta ko jan.
ReplyDeleteSSS - Sarap sa Sagada!
ReplyDeleteScenes So Spectacular!
Ayos sa Nature Tripping!
tawang tawa ako sa pagkwento mo. hahaha! kawawa naman si jikoy. inapi mo. :P
ReplyDeleteNakakaaliw. Na-miss ko ang Sagada! :-)
ReplyDeletethis is a really exciting blog. I'm spending so much time here
ReplyDeleteOnline jobs -data encoder . Part time/full time
You can earn while enjoying time with your family and love ones.
for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
to get started., Email me at besbremisana@yahoo.com
sabi mo nga, Ayieeee.....won't dare to go to Sagada. baka ma break ko record ni Jikoy sa pag susuka hehe...
ReplyDelete