Sunday, October 20, 2013

KulaTRIPtot : Baker's Hill

Ako si Kulapitot at sa mga oras na ito pawang ang mga kamay ko lang ang may kakayahan magsalita dahil ako po ay paos at sa sunod sunod na mga lakad may dumapo sa aking sakit na hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin ako, kaya sorry hindi ako masyado nakakabisita sa mga bahay niyo, pero wag kayo mag-aalala oks lang naman ako hindi naman papunta 'to sa coffee party lols . Gagaling din ako , pero for the meantime pagtiyagaan niyo muna ang mga nakita kong larawan na hindi ko pa naikukuwento sa inyo. Bow!


Oh aahhh tuklawin mo ko now na!

After namin umaura sa Underground River ay nakipagkita na ulet kami kay Yujie para puntahan ang isang lugar kung saan kilala at pinupuntahan pagdating sa "pasalubong" at makukulit na mga view sa loob nito. Medyo hindi ko na maikukuwento sa inyo kung ano yung sinakyan namin pero ang naalala ko lang pumunta kami sa taas , pumaumibabaw kay Moon este sa lupa at narating namin ang tinatawag na Baker's Hill ...




.
Ordinary lang noh? Pero wait andami nitong pasabog!


The Baker's Kitchen


Na tiningnan lang ni Moon at Yujie #tagtipid mode

Kilala ang Baker's Hills sa iba't ibang flavor ng hopia at masasarap na breads nito. I must say na ako po ay isang certified hopia lover at nakakaubos ako ng mga 3 boxes nito sa ilang minuto lang. Kaya pagkadating dating namin hinanap ko agad ang hopia! Feel ko tinatawag na nila ako 


Ay! Sori naman kala ko Hopia! 


"Pssst Kulapitot mas malaki ang Hopia ko dyan , dito ka!"
O la la la!

Napabili ako ng maraming hopia pampasalubong pero hindi ko na ipapakita sa inyo ang mga binili ko kasi kasi hindi ko kayo nabigyan hihihi .. Sa next lakad na lang bibigyan ko kayo! Pero itotour ko na lang kayo sa loob ng Baker's Hill para sa mga hindi pa nakapunta para maisiksik niyo ito sa list ng gala niyo sa Palawan in the future ..


I got the chance para makapag-picture sa mga cast ng Shrek



well magka-ilong lang kami :)


Feeling Zookeeper lang ang peg 


Si Kulapitot na hoarse ang boses na nakasakay sa horse ...


Don't touch my birdy :)

Well, super standout din ang mga flowers at mala-garden na motiff sa lugar aside from the action at movie figures nila ...


This is the place parang gusto mo iheld ang reception after niyong ...


Magpakasal 
#charaught! 


BAKERS HILL (ENTRANCE IS ABSOLUTELY FREE!)
Mitra Road , Sta. Monica Puerto Princes Palawan(048) 433-3414 9:00 am - 6:00 pm

17 comments:

  1. Naku baka may magtampo dahil walang hopia. Baka may magselos dahil sa litratuhan sa puso. Baka may masaktan sa paghipo ng birdy. Baka may magsaya kapag ikaw ay kinaing buo ng ahas. Maraming baka, not the cow, sir! He,he,he.

    ReplyDelete
  2. ano ngyare sa isang tenga ni shrek? hahaha yun talaga napansin ko. ayos sa olrayt yang bakers hill. na-eyegasm ako.

    ReplyDelete
  3. very nice place....but how come na parang kayo lang ang tao. hihihi

    ReplyDelete
  4. bromance,last photo hahaha! kidding. been there 2010, pero I only saw the horse saka yung signage syempre. :P either we didn't explore the place or they renovated it. anyway, get well. :)

    ReplyDelete
  5. kung totoong ahas yun, kaya kang lunukin ng buo...hehe. dami palang photo-ops sa baker's hill, kahit di ka bibili, ganda pa rin puntahan. :)

    ReplyDelete
  6. ang cute naman ng place na ito... ang ganda.. para kang babalik sa pagkabata pag-andito ka.. ang saya lang...

    ReplyDelete
  7. akala ko ikaw na ang bagong Galema...lol

    ganda..it brings back the inner childhood..cgro nag tumbling tumbling ako dyn,,,hahaha...me too I'm a certified hopia lover:)

    Wag ng e charot yan mag pakasal na agad...choz!

    ReplyDelete
  8. ayos ah ;)


    yung huling larawan ba ang My Husband's Lover?hahaha :p chos! :p

    ReplyDelete
  9. Yes, been there too and bought pasalubong:) very nice place:)

    ReplyDelete
  10. wow...part pa rin ng palawan adventure mo noh? nakakatakot ung snake kahit bato... so alam na kung saan ang kasal...hmmnnnn

    ReplyDelete
  11. taray ng bagong layout, ngaun lang ulit akes nakabisita here...wala bang miss universe na ganap? char!

    -ms. philippines

    ReplyDelete
  12. had fun reading the captions! favorite ko rin ang hopia lalo na pag ube ;p

    ReplyDelete
  13. Ganda naman jan Nget. Ito lang yata nagustuhan ko sa lakad mo sa Palawan.. lels.. di kasi ako beach person.. pero di rin Hopia lover.. Pakita k naman saken.. lapit mo n nga lang sa tirahan ko.. hehe

    ReplyDelete
  14. Kelan tayo magmimeet in person? :-)

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!