Thursday, August 22, 2013

KulaTRIPtot : Take Me to El Nido


Ako si Kulapitot isang feelingerong blogero , byahero at ito ang istorya ko papuntang El Nido...
(Lally lang peg #MyHusbandsLover) 


Sabi nila ," buksan ang mata para sa magagandang tanawin ng bansa,
Tikman ang masasarap na pagkain gamit ang panlasa, 
At gamitin ang puso para mahalin ang mga bagay na gawa ng poong may-likha"

Habang palapit ang araw na aales kami papunta ng El Nido medyo mixed emotion na ako, una excited ulet ako mag-travel for how many months na na-stuck sa loob ng opisina , two dahil sa mga bagong kasama at pangatlo sasakay ulet ako ng eroplano , kung pwede lang may ibang paraan na mag-travel ng mabilisan na hindi sasakay ng eroplano dun na ako , yeah you are right like what I've mentioned sa radio interview na takot na takot ako sumakay ng eroplano.. Basta takot talaga ako...



The supposed 3:00 pm flight was cancelled to 5:00 pm delayed by 45 minutes , pero expected ko na yun. Mas maganda kasi namag-expect ka ng late kesa mag-expect ng on-time dahil ma-iistress ka lang. This time we fly with ZestAir na kahit takot na takot ako sa paulit ulit na turbulence ay mauunahan ka ng inis sa ingay ng mga stewardess sa likod ng eroplano at samahan mo pa ng amoy gasolina sa loob nito na akala mo sasabog in a minute ang eroplano ...Tsk Tsk that's why bumagsak sila sa standard ...


We arrived at the airport ng almost 7pm na na-haggard sa amoy ng gasolina na yung tipong gusto kong maunang bumaba ng eroplano (actually nauna talaga akong bumaba) at yung tatakbo ka tas sabay pikit mata hawak sa tenga din "BOOM" chos lang ...


Almost gabi na at kelangan naming habulin ang last trip ng Roro Bust to El Nido ng 10pm . Konting kaen muna kami sa Balinsasayaw Restaurant at withdraw ng yaman ..

My travel buddies Yujie and Mon 


Tip # 1 : If you want to take the last trip via Roro Bus dapat agahan mo para may mauupuan ka pa. Almost 1  hr and 30 minutes ahead sa departure time ay nandun na kami sa bus terminal na quiet far far away land sa city proper at para hindi mo masasaksihan ang trip to jerusalem na contest sa loob ng bus plus mala face to face na sagutan ng konduktor vs. sa mga nagpareserved at hindi pinayagan magpa-reserved ng upuan. 


It's almost 6 hours din ang takbo ng bus with two stopover , gugustuhin ko man matulog ng mahimbing sa bus pero hindi ko nagawa. Why? Amoy jebs sa loob ng bus! Yung tipong jebs na nilalangaw na , yuckie! As in amoy jebs talaga , confident naman ako na nagtoothbrush ako pero hindi eh amoy jeb talaga sa bus! I don't know where it came from .. Imagine 6 hours na nakakulong ka sa loob ng bus na amoy jebs? Kung alam ko lang sana nagbaon ako ng ambi pur! Nasubukan tuloy ang amoy ni Kulapitot lols.. Sino kaya ang nakatapak ng jackpot? Hmmm

From butterfly, helicopter to dog style ginawa kong posisyon sa upuan sa sobrang haba ng biyahe balak ko pa ngang mag 69 pero biglang huminto na yung bus at nasa El Nido na daw kami. 

Agad-agad kaming sumakay ng tricycle papunta sa lugar na kung saan kami mag-iistay at kami ay na-surprise dahil tulog silang lahat at wala man lang sumalubong sa amin. Nakailang "tao po" na kami in english, tagalog at bisaya version wala pa ding lumabas para i-entertain kami .

Hello po! Tao po! Tao po kami! 
Tip # 2 : Kung darating kayo ng madaling araw sa El Nido make it sure na may dala kayong torotot o di kaya kaldero na pwede mong ikalampag sa labas at para magising ang mga natutulog lols.

Ending nganga! Wala pa ding epek at mahimbing pa rin tulog nila. After ilang minuto no choice kami kung hindi maghanap pa kung saan merong 24/7 na kainan , walk kami dito walk kami dun na hindi alam kung saan ang pupuntahan hanggang may nakilala kaming isang lalaki na nag-iisang gising sa ganung oras.


Meet tatay Apol ang taong hindi namin inakala na magiging tatay namin ni Mon sa El Nido. Get to know him more sa mga susunod na post ko and why you should contact this person if you plan to visit El Nido.

Ayun nga , nakilala namin si Tatay or Kuya Apol na open arms inassist niya kami ni Mon kung saan kami pwede magpalipas ng oras at kumaen. Medyo napasarap ang kwentuhan hanggang nagkatanungan kung meron ng mag-assist sa amin sa island hopping. Though meron na akong nakita online nagpretend ako na wala pa.

Tip # 3 : Gamitin ang charm at beauty sa pagnenegotiate chos .. Sa El Nido naging business na ng karamihan ang island hopping tours at water actitvities at meron na ring mga standard rates. But kung magtatanong ka sa lugar for sure meron kang mahahanap na mas cheap at the same time sulit na tours na swak sa bulsa. At yun ang nakuha namin kay Tatay Apol.


He was actually committed at that day sa dalawang Swiss Nationals pero I insists kung pwede niya kaming isama sa lakad nila. Actually, nagdalawang isip pa siya since nakasemi - private ung island hopping nila at kelangan niyang kausapin pa ang dalawang foreigner kung papayag. Luckily, pumayag yung dalawa na feel ko mag-jowa! 



From left Tommy and his friend Fred at Richard ang madaldal naming tour guide


Well hindi na kami kumaen ni Mon and decided to go back na lang sa inn. Unfortunately , tulog pa din sila kahit 6 na ng umaga ...... hmp! 

What happened sa amin ni Mon? 

a. Natulog sa bangka 
b. Natulog sa buhangin
c. Natulog sa kalsada

Itutuloy ....






46 comments:

  1. Wow! El Nido! Takot ka pala sumakay ng eroplano! NIK!

    Bitin naman... next na! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinabi mo takot mo lang hihihi , next malapit na hihi

      Delete
  2. haha ang kulit ng mga tips... natawa ako dun sa magdala ng torotot hahahaha...

    mukhang exciting ang byahe ah!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Axl may dala akong torotot bext time tlga tsaka banda pra hapi

      Delete
  3. aw kabitin naman... grabe sila matulog ah..dapat sumigaw kayo ng sunog! ganyan ewan ko lang kung di sila magising hehehe...

    feeling ko sa buhangin kayo natulog..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha naisip ko din yan Arline hihi , bka makulong ako kaya ndi ko nlng ginawa

      Delete
  4. Amoy gasolina ang eroplano?! Buti nalang sinabi mo experience mo sa zestair na yan at di ko na masubukan kaloka!

    Antagal ng byahe, kung ako nag69 nako sa kinauupuan ko hahaha!

    O sya, ituloy na to bukas, bitin ako..

    None of the above, di kayo natulog hmmm..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ms. Grace naku naku ok nmn ang zest air pero hindi lng sila sumusunod sa standard

      Delete
  5. Marunong ka ng mambitin ngayun ha! hahaha

    Wala sa option.. natulog kayo sa bisig ng foreigner? lels

    ReplyDelete
  6. Wowowee.. Ganun bakit ganun ang Zest Air? May kakilala ako na nagwowork jan eh. wala lang. wala naman ako masabi kase.. maiinggit lang ako sa mga susunod na post mo tungkol dito.

    ReplyDelete
  7. First few pictures pa lang, masasabi nang napakaganda sa El Nido!
    I believe you had a great adventure!

    ReplyDelete
  8. i took a van kahit na it was masikip. my friend who took the same last bus trip said it was almost the same.

    i am definitely going back pero i hope next time i visit, the el nido airport is open.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malapit na daw mag open ung airport owned by ayala family

      Delete
  9. Aww, mejo hindi pala naging maayos ang biyahe nyo papuntang El Nido. Una, amoy gasolina sa eroplano tapos mabantot naman sa bus lol

    But I know namans nag-enjoy kayo sa beauty ng nature jan sa Palawan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ung palawan ang nagbunyi sa pagdating ko fiel hihihi

      Delete
  10. kaabang-abang ang mga susunod na kabanata!:)

    ReplyDelete
  11. Wow sarap pre. I love that. I was also in Baler and yeah, natulog din ako sa buhangin habang tirik ang araw, lols. Ang sarap lang mag travel nu? buti naman at nagkaron ka ng break after months, medyo nakakaubos din yan ng pera kaya dapat paghandaan. Hahahahahaha.

    Hindi pa ko nakakasakay sa eroplanu so excited ako para jan! :)


    ps: pavisit nalng po ng blog ko: https://stevevhan.blogspot.com. It's my first time here in your blog and i would love to talk with you soon. :)

    ReplyDelete
  12. grabe takot din ako sa eroplano!!! haha kung meron ngang ibang mas mabilis na paraan sa pag-alis yun din pipiliin ko. haha

    maganda nga sa palawan though sa coron ako nagpunta. sobrang ganda. hehe as in.
    trip ko rin makita ang el nido someday. :)

    ReplyDelete
  13. Isa sa magandang nangyayari sa isang is trip ung mga bagay na di mo ineexpect na mangyre....kaya minsan kahit naiinis ka na matatawa ka na lang..=)

    Haha..maganda jan kahit sa picture ko lang npuntahan...lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Un ang mga bagay na hindi mababayaran sa isang byahe

      Delete
  14. inggit much naman ako parekoy,
    trip ko din maexperience yang pag travel travel na yan
    ahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sama ka mecoy , libre mo ko may work ka na diba hihihi

      Delete
  15. feeling ko natulog sa buhangin...

    bakit wala rito ung mga poses mo na naka-trunks

    ReplyDelete
  16. Replies
    1. Hindi eh new friends ko kasama ko si deo busy busyhan si rja ayun busy mas gusto niya kumaen

      Delete
  17. Grabe hirap ng biyahe. Ang haba at pagod. Sana nag enjoy kayo sa susunod na kabanata:)

    ReplyDelete
  18. Hahaha chismoso ka talaga! Pati mga foreigners pinag isipan mo hehe!

    Mas malubha pala takot mo sa airplane..in fernes ung picture ng upuan sa planes parang nakaka takot nga, parang bus lang!

    Part 2 na bilis! Hihi!

    ReplyDelete
  19. haha, natawa ako sa multiple choice ng gagawin nyo! namiss ko na rin magtravel!! :)

    ReplyDelete
  20. Buti na lang may choices yung question kasi kung wala, iba ang isasagot ko at may magagalit, he,he,he. Never been to El Nido pero kung haggard to the max naman ang magiging experience ko, wag na lang, punta na lang ako sa Maldives, ha,ha,ha. Wishful thinking...

    ReplyDelete
  21. waw .. gondo.. sana magkaroon din ako ng ganyang mga trip ..

    ReplyDelete
  22. ako rin takot sa airplane ;p, your el nido blog posts were very inviting... soon maglalakas loob na rin ako magtravel :)))

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!