Friday, July 19, 2013

Kulapitot TV " Bye Bye"

Ate Lourdes , Ate Elaine at Ako

Sa pag-alis ni Ate papuntang Abu Dhabi bitbit na naman niya ang pangarap na mabigyan ng magandang bukas ang mga mahal niya sa buhay. Ito na ang pangalawang pagkakataon na tatahakin niya ang bansang minsan na din nagbigay sa kanya ng kaginhawaan , sakit at kasiyahan. Nang mabuntis siya ng kanyang kasintahan na sa kalaunan ay iniwan din minarapat niyang umuwi at isantabi ang kanyang pangarap at sa kanyang pagbabalik sana ay tuloy tuloy na ang pagbuti ng kanyang kalagayan.

                   

Marami sa atin ang kelangan pang umalis para mahanap natin ang swerte sa buhay ..
At kelangan isantabi ang ang mga bagay bagay kahit personal na gusto at adhikain sa buhay mabigyan lang natin ng magandang kinabukasan ang mga taong minsan tumulong sa atin para tayo ay mabuhay...

Me : Ate?
Ate Lourdes: Ano? 
Me: Ilang box ng pills ang dala mo? 
Ate Lourdes: Tse!




23 comments:

  1. Welcome back sa Ate mo dito sa UAE!!

    ReplyDelete
  2. I have huge respect sa mga kababayan nating tulad ng ate mo... Sacrifice and love for family. =)

    -Steph
    www.traveliztera.com

    ReplyDelete
  3. btw, yung girl na naka pink xa si ate Maribel, my ate Lourdes' BFF. :D

    ReplyDelete
  4. ahaha natawa ako sa last conversation :D. nakakalungkot na minsan ay kailangan mo iwan ng mahal mo para lang mabigyan sila ng magandang buhay

    ReplyDelete
  5. may the force be with her.

    P.S. kapag may nang gagago sa ate mo sa UAE sabihin mo paki kontak si Kuya Mario. lol

    ReplyDelete
  6. haha natawa naman ako sa sinabe mo sa ate mo
    i'm sure god is with her so don't worry

    ReplyDelete
  7. Me : Ate?
    Ate Lourdes: Ano?
    Me: Ilang box ng pills ang dala mo?
    Ate Lourdes: Tse!

    Epic ang conversation na yan hahaha dami ko tawa!
    serious mode: Best of Luck to your ate Kulapitot, isa sya sa mga bagong bayani

    ReplyDelete
  8. Bon Voyage kay ate Lourdes mo :))

    I'm sure naman, kapalit ng ilang taon nyang pangangamuhan sa ibang bansa ay habambuhay na ginhawa :)

    Balikan ko na lng ung video laters... ambagal na naman ng connection ko kainis!

    ReplyDelete
  9. Sundan niyo na si ate sa Dubai!!!! Akala ko naman ko nagbenta ka lang ng tv...

    ReplyDelete
  10. Relate muchos. Ate Lourdes, alam naming mahirap ang mawalay sa mga mahal mo sa buhay pero ang adhikain mong maiangat ang iba ay isang dakilang hakbang para sa lahat. May kapalit ang lahat at sana ay maunawaan ng mga taong maiiwan mo na higit pa sa sakripisyo ang iyong inaalay dahil ito ay ang iyong buhay. Pagpalain ka nawa ng Maykapal at magsilbing halimbawa sa karamihan. God bless!

    ReplyDelete
  11. Si Jikoy ba nag vivideo?

    Uy malungkot yan si panget.. halata kahit pa cute sa camera.. Don't worry she'll be fine..

    ReplyDelete
  12. Relate much! Good luck to your ate Lourdes. I know it is tough, but have to do it.

    ReplyDelete
  13. good luck at bon voyage para kay ate..

    ReplyDelete
  14. goodluck to your ate, thanks for visiting my blog...
    btw, what's bianca's resbak?

    ReplyDelete
  15. nagpahanda na ako ng banda para welcome ang ate mo hehe! good luck to her :)

    bakit mo tinanong kung ilang kahong pills ang dala? hihingi ka ba Josh? hihihi

    ReplyDelete
  16. sana matupad na nya ngaun ang naudlot nyang pangarap.. tawa much me sa conversation nio ni ate haha!

    ReplyDelete
  17. hahaha natawa ako sa conversation nyo ni ate. :) goodluckkkk sana ok na xa dun

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!