Thursday, June 20, 2013

I'm Back!

Namiss niyo ba ako? Weh? di nga? Kasi miss na miss na miss ko na kayo!' Pramis! Masasabing I lost my mojo in writing for the past few months at dala na siguro sa bagong work at environment naging focus muna ako sa career at pamilya. Though, wala akong bagong post sa blog, palihim pa din akong sumisilip sa mga bagong post niyo. Alam niyo bang para akong isang batang sabik na sabik na kumaen ng maraming chocolates sa pagbalik ko dito sa mundo ng pagsusulat. Madami akong matatamis at medyo kapaitan na mga karanasan na gusto ko i-share sa inyo. Well, sana welcome pa din ako dito sabay sa walang sawang pagcocomment ng mga spammers sa mga post ko lols!

Ilang araw,minuto at segundo din ang lumipas pero kahit saan man ako magpunta naalala ko pa din ang page na ito na naging takbuhan ng aking problema at nagturo sa akin kung paano makisama sa iba. Never sumagi sa isip ko ang kalimutan ang mundong nagbigay ng inspirasyon upang sumulat at mag-appreciate ng mga nakakatuwang karanasan.


At iyon din ang pinaalala sa akin ni Cyron ang taong nasa likod ng magandang obra na nakikita niyo sa itaas. Napapaligiran ang mundo ni "Kulapitot" ng iba't ibang tao na may kanya kanyang dalang emosyon at adhikain sa buhay. Ngunit sa likod ng isang chaotic na mundo, handa kang itayo sa karamihan! Maraming salamat Cyron! Isang malaking eye - opener para sa akin!

Sa aking pagbabalik, nais kong bumawi sa lahat! Magpapablog party ako chos! Invited kayo lahat basta sagot ko ang kwentuhan at sagot niyo naman ang tsitsirya at inuman!  Game?

Namiss ko kayo talaga pa-hug nga sa mga girls at pa-kiss nga sa mga boys? Hehehe!

22 comments:

  1. HELLCUM back parekoy! tagal mo nag nawala! haha buti ka pa may work na ako wa pa din till now haha

    ReplyDelete
  2. wow ha blogparty talaga hahaha... welcome back sir!!!!

    ReplyDelete
  3. Wow new look ang page... so how work :D?

    ReplyDelete
  4. Ganda ng doodle at pa hug lang samin..:( hahaha! miss yah

    ReplyDelete
  5. Welcome back. Marami dami din kayong nanahimik ng ilang buwan at linggo. Ok lang, nandito pa rin ang mga matitibay at susubaybay sa inyo. Sama ako sa partey!

    ReplyDelete
  6. yehey!!! maligayang pagbabalik sa blogging :D

    ReplyDelete
  7. Woot!? maligayang pagbabalik JOSH!!!!

    sana tuloy-tuloy na ulet ang pagsusulat mo sa blog na ito.

    have a nice day!

    ReplyDelete
  8. welcome back kapkeyk king!!!!
    ahahahahaha


    ReplyDelete
  9. welcome back.. palihim talaga? kapag ba palihim stalker na din yun? :-D

    ReplyDelete
  10. Welcome back. Nice to hear updates from you again:)

    ReplyDelete
  11. Party na! Welcome back! At ako pa talaga ang nangwelcome ano? haha!

    ReplyDelete
  12. welcome back!! i missed your makukulit na posts!!!
    ;)

    ReplyDelete
  13. Welcome back. Astig naman nung doodle. i love it
    Pinoy Love Quotes

    ReplyDelete
  14. Nice drawing! :-) And welcome back!

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!