Sunday, April 21, 2013

Good & Bad News

Good News : Just last night tumawag si Jeff sa akin (the person who posted the video on youtube) para ipaalam ang magandang balita na nahuli na si Edwin sa tulong ng mga concerned people sa paligid. Ibinigay  kay Jeff ang mga impormasyon para ma-locate ang kinaroroonan nito. Dinala nila ito sa Makati Central Police Station at pormal na sinampahan ng kaso.




Bad News : Hindi po nakulong si Edwin! He was set free dahil sa tinatawag nating "due process". Wala man akong alam sa batas pero isang kahibangan ang hayaang makaales ang isang taong kuhang kuha na sa mga ebidensya at kahit siya mismo inamin niya ang kanyang mga ginawa. Pero wala na din akong magagawa kung hindi umayon na nababatay sa batas.


Gayunpaman , umiral pa rin ang awa sa aming mga puso ng makita namin siya. Gusto ko sapakin, tadyakan at ipamukha sa kanya ang kanyang kamalian pero sino ba naman ako para manakit ng ibang tao. Kung kaya niyang gawin ang mga ganung bagay , pero ako hindi!

Sana maging lesson na ito sa lahat na ang mundo natin lalo na sa panahon ngayon wala ng kawala ang sino mang gagawa ng kasamaan. Thank you , youtube, facebook, twitter at blog! Thank you na din kay instagram dahil kahit papano na re-touch ko ang fes niya chos!

Ayun , binenta na po niya lahat ng mga ninakaw niya. At ayun sa impormasyon na aking nakalap , baon daw itong taong 'to sa utang dahil lulong sa sugal kaya nagnanakaw!

At the end of the day , wala na akong magagawa nangyari na ang nangyari. Si God na po bahala sa kanya!

Serious mode sana ang post na ito pero ....



Anong ibig sabihin nito BFF Deo? Hmmmm ...lolz 

33 comments:

  1. ahahahaha XD

    I was about to say na kamukha ni Deo yung napost mong pics. Akala ko isang joke time lang. Magkaiba pala.

    Sorry Deo. *Tapik sa balikat*

    ReplyDelete
  2. ano ba yan medyo magkamukha pa sila ni bestfriend Deo, ipapaalala niya sayo ang mapait mong kranasan hehehe.

    ReplyDelete
  3. wwoooottttt prrrooottt paaapp-paarrraap-paaap--pap!! hehehe konting retouch nalang yan josh eh!! malapit na talaga!! echoosss lang! hahaha ang due process minsan hindi talaga maganda lalo na kapag nanggigil kana!! hahaha at least nahuli na at wala na syang mabiktima pa. ingat sa susunod josh. *muaah*

    ReplyDelete
  4. Hmm.. pinaliwanag ba ng mga pulis kung ano ang due process? kaloka naman..

    At ni-compare mo talaga kay bff deo, hahaha...

    ReplyDelete
  5. Bff do not compare things which are totally different. lol

    ReplyDelete
  6. at least may record na sya sa pulisya. un ang bright side

    ReplyDelete
  7. Hays, batas sa Pilipinas. Where is justice?

    ReplyDelete
  8. Makakapagpatuloy sya sa modus nya sa ibang paraan kasi mas lalakas ang loob nya dahil kada nakaw nya ibinibenta kaagad so wala yung ebidensyang nakaw nya. Dapat nito inirereport sa Bitag (meron paba?), para habang kinukunan ng video sa aktong pagnanakaw ay sabay sulpot ang mga awtoridad upang hulihin sya at hawak hawak nya ang mga ebidensya, dun wala na syang kawala. Pati yung mga bumibili ng kanyang ninakaw ay tyak mananagot din.

    ReplyDelete
  9. before the picture sa ending, naisipkonga na sobrang kamukha ni deo! bwahahaah

    ReplyDelete
  10. dapat na-inquest nyo para nakulong...tsk

    ReplyDelete
  11. ano bang duo process yan....

    sabagay ok na rin kasi nakilala o nahuli na rin siya.... batas na ang nakaka alam kung dapat siyang ikulong o dadaan pa sa maraming proseso....

    ReplyDelete
  12. baka like mo mag join sa kwento ni nanay ^___^

    ReplyDelete
  13. Hahahaha! Seryoso ako sa pagbabasa na may halong galit at panggigigil pa pero ng makarating ako sa huling part natawa ako bigla. Bakit may pic ni Deo? hahaha. Parang pwedeng alter ego niya si Deo? hahahaha.

    Pero sana ang 'due process' na yan ang maging 'fast process' para malapatan siya ng karampatang parusa. Kawawa naman ang nga naging victims niya. He deserves to reform in the prison cell.

    ReplyDelete
  14. Kailangang magpaliwanag ni BFF Deo mo nito. Hahaha!

    Hindi pa talaga nakulong? ANo ba naman yan!

    ReplyDelete
  15. hoooooooooooooyyyyy!!!
    mas .... uhmmmmm..... maganda naman si deo... parang criminal placard lang yung lamang (namiss ko man bigla si deo) ahihihi....
    mas kapeg nung matusera si shalala...

    ahahahaha...

    ReplyDelete
  16. long lost twin brother ni deo? hahaha..

    At least aware na ang mga tao sa hitsura nya. Ang prob lang e baka si Deo ang mapagkamalan. hehehe

    ReplyDelete
  17. Nakakagigil yang si Edwin nung pinipicturan ko! Gusto ko sapakin kaso bawal. Grrr!! Kaasar tlga yan! Hainaku!!

    Pero infairness lumabas ang ganda ni Deo nung tinabi xa ke Edwin. Aw! Face-off ba ito? Ahahaha!! Labyu Deo aw!!

    ReplyDelete
  18. okie na sana kung nahuli at nakulong siya. pero pinakawalan? lol. no comment na sa batas.

    ReplyDelete
  19. haysss...sana makatarungan ang batas... pero kung baon sya sa utang paano nya kayo babayaran gayong nag nanakaw lang sya para makabayad. at kung makukulong sya hindi sya makakapag trabaho so ang ending nganga!
    At kahawig nga sya ni Deo anyare?!?
    hehehe

    ReplyDelete
  20. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa post na to, maiinis ba ko or matatawa, lalo na nung makita ko ang pinagtabing pictures nina Deo and Edwin haha...

    Let's just hope na hindi dito natatapos ang lahat. Na sana mapanagot pa din yang Edwin na yan sa mga pagnanakaw na ginawa nya. Buti na lang din we live in this era, na pwede na mavideo pati ang crimes.

    ReplyDelete
  21. Hahahahahahaha., natawa talaga ako sa last pic.

    Good thing kahit bad thing happened to you you still find time to laughed about this which is good. Don't worry Panget, karma's a bitch.

    ReplyDelete
  22. hahahaha...at first akala ko talaga isa na naman ito sa mga funny post mo kay deo...un pala hindi...good thing na huli na sya..hindi dapat tinotolerate ang mga ganitong crimen...:)


    xx!

    ReplyDelete
  23. ang super bad mo kulapitot! si photos ni deo ang gamit mo para lang ibuking si edwin

    ReplyDelete
  24. natawa naman ako in fairness mag kahawid nga hahaha buti naman
    at nahuli na yan! digital karma

    ReplyDelete
  25. atleast nakunan na sya ng record at limited na rin ang magiging galaw nya..

    ReplyDelete
  26. may rule of karma tayong tinatawag. wag kang mag-alala Josh. nakalaya man siya ngayon, wala naman siyang ligtas sa batas ng langit.

    ReplyDelete
  27. hahahaha naisip ko nung nakita ko agad ang pic, parang may kahawig sya..at nung sa huling picture - ayun na confirm ko na kung sino kahawig. grabe ka kinumpara mo talaga si bff deo dyan!

    hay sayang naman di sya nakulong! kung ako ikaw hahambasin ko sya ng shoulder bag ko, sampal at kalmot din! babae lang no hehe..sana makasuhan na sya at pagbayaran mga ginawa nya..

    ReplyDelete
  28. baka mas lumakas ang kaso pag nagsampa ang lahat ng victims nya. ung lady HR na ninakawan nya ng fone sa video happens to be the sister of my friend. i sincerely hope that justice will be served. kung ako lang, puputulan ko ng kamay yang lekat na yan.

    ReplyDelete
  29. Gusto ko lang po sana linawin na hindi siya ang tunay na nag mamayari ng pangalang edwin espiritu lubao.

    Nakakalungkot po naman malaman ang ginawa ng mga pulis na pinakawalan itong taong ito na gumagamit ng identity ng ibang tao.

    Malinaw pa sa sabaw ng pusit ang paglabag sa batas. Dahil hanggang sa police station dala niya ang nakaw na identity.

    Dahil dun, hindi parin ba pwedeng kasuhan at dapat pa din ba pakawalan ang salarin.

    Sinu po ba at anu ang pangalan ng pulis?

    Nakakalungkot na napakadami ng taong galit sa pangalang edwin espiritu lubao. Kahit na ang tunay na may ari ng pangalang edwin espiritu lubao ay hindi pa nila lubos na kakilala.

    Ako po ang tunay na nagmamayari ng pangalang ginagamit ng tao na yan. Sya po ay nakatrabaho ko sa pasig noong 2006. Ang pangalan niya ay NILFRED TINAO. Di ko lang alam kung ang NILFRED TINAO ay pangalan talaga niya.

    Gusto ko po ipaalam sa inyo na ako po ay handang makipagtulungan upang masampahan natin ng kaso ang taong ito

    Kasalukuyan po ako ngayon nandito sa singapore at nagtratrabaho.



    ReplyDelete
  30. Mag iwan lang po kayo ng msg sa blog na ito kung paano at anu ang dapat natin gawin para makapagsampa ng kaso. Ang pamilya ko sa pinas at handa din akong tulungan upang linisin ang aking sinirang pangalan habang ako ay nasa pinas.

    Inaasahan ko po ang inyong pakikipagtulungan.

    ReplyDelete
  31. kapal ng mukha talaga........dapat d pinawalan yan.... matagal n naming hinahanap yan.......ang dami n kasong binabato s bayaw ko...... n d naman nya ginawa.... ginamit lng ang pangalan at adress ng impaktong hindot n yan.... bakit b naman pinakawalan?...kitang kita namang pagnanakaw ang ginawa nyan..... pati kaung mga humuli s kanya naloko nya... eh, hindi naman nya tunay n pangalan yang ginamit nya... pangalan ng bayaw ko yan... nasa singapore....pati kau" naunggoy ng gagong ipaktong yan.....

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!