Tuesday, February 12, 2013

Ang aming Ari



Meet our son Ari isang stuff toy na gift galing sa isang malapit na kaibigan namin ni Jikoy. Ari was with us for almost three years na rin. Sabi nga ni Jikoy baliw na daw ako at kung ano ang pinapagawa ko sa baby naming si Ari. Well, ang masasabi ko lang hands-on ako sa pag-alaga sa anak naming ito. 

Bakit pala Ari? Actually, hindi din namin alam dahil nakalagay sa tag niya ay Ari na name at may birthday na August 23, 2009. Sagwa man pakinggan pero unique sobra ang pangalan niya. Halika at kilalanin pa natin si Ari!


Hindi na nakapampers si Baby Ari dahil marunong na siyang mag pupu sa banyo.

Talent niya ang maghugas ng pinggan at konting lingat mo lang nagsuswimming na
siya sa mismong hugasan!


Bet na bet niyang maging Chef paglaki!


Gumigising ng hating gabi para uminom ng malamig na tubig...


Tinuruan ko ng mabuting asal at sympre ang magdasal!

At syempre love na love ni Ari ang PBO dahil nakakatulong siya sa iba!

At dahil sa sobrang pagod sa aking mga pinaggagawa sa kanya, borlog na si Ari kasama ang Daddy niya.

Sa punto ng buhay namin ni Jikoy ngayon nangangarap din kami na magkaroon ng anak na mag-aalaga sa amin sa hinaharap.Isang taong aakay sa amin sa pagtanda at maghahatid sa amin sa huling hantungan...

Subalit, masakit man tanggapin ang katotohanan  na ito ay hanggang pangarap na lang...

Status

-Wala pa ding trabaho si Kulapitot hanggang ngayon, hindi sa walang mahanap na trabaho kung hindi nagpapahinga lamang muna ito at may importanteng inaayos . ( Sa mga nag-message at nag-effort na irefer at bigyan ako ng bagong work madaming salamat sa inyo! Appreciated at galing yan sa puso!

- Sa mga kaibigan ko sa blog na niyaya ako lagi katulad ni June at Senyor pero hindi ako nakakarating ninanais kong ipaabot ang aking isang malaking "SORRY" . Hindi kasi pedeng umalis si Kulapitot lalo na ka-buwanan na ni Ate.

- Ang ambag ko para sa PBO pinapagawa ko pa at sana makuha ko na (personalized kasi)...

- Nasa hindi kami magandang sitwasyon ni Jikoy ngayon lalo na darating din ang Ate niya na nabuntis sa ibang bansa at ooperahan pa ang kapatid niya ...

- Dahil sa resources kaya bihira na akong makakapagpost dito sa blog. Dati sa work ako gumagawa ng blog pero ngayon nahihirapan na ako. Pero tinatry ko talga! Kasi gusto ko! 

- Habang pino-post ko ang post ko ngayon, tumatakbo sa isip ko ang mag-QUIT na sa pagba-blog at ituon ko muna sarili ko sa mga priorities ko sa buhay

Gusto ko munang magpapaalam......

Pero hindi ko kaya ...

Ang artifacts ko ...

Basta, basta!




51 comments:

  1. Bet na bet ko si Ari, at yung pic na nagluluto kahit hindi pa hiwa ang kamatis. Lol. Ni walang apoy ang kalan, haha. Sana may ekstra kang ari at pahingi naman :D

    Anong paalam yan? Wushu... balik ka, naghihintay kami.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nghahanap si Ari ng makakasama:) wala ng ekstra churi hehe

      Delete
  2. Natuwa naman ako kay Ari, hanapan mo na ng partner pra may makasama naman siya at pangalanan natin ng ARA:)
    I hope makahanap ka na nang trabaho na talgang makapagpapasaya sayo at maganda pa ang suweldo:)
    Sana kung ano man ang mga pagsubok ngayon ni Jikoy ay malalampasan niyo sa tulong ng ating poong maykapal:)
    Wag kang mag quit please, magabakasyon ka lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nghahanap cya ng mkasama kc minsan cya lng naiiwan sa bahay lols

      Delete
  3. nyahaha uu nga hands-on ka nga sa pag-aalaga kay Ari

    ReplyDelete
  4. Tumigil ka jan at sasaktan kita.. di naman porket di ka maka blog titigil ka na.. alam mo bang sayang yun..

    Saklamat sa mention..sana marealized mo na miss ka na ng PBo..

    Ingat ka lage Kulapitot..at yung Ari mo.. lol.. the dog.. sabihan mo hiwain muna ang kamatis bago lutuin

    ReplyDelete
  5. ang cute cute ni Ari! gusto ko si Ari :) ang galing nya magluto ng kamatis ah..hehe..

    alam kong hindi mo kaya na mag-goodbye sa blogosphere.. steady lang.. pwede naman magpahinga muna pero wag mag-goodbye.. dito lang kami :)

    na-miss kita :)

    ReplyDelete
  6. aba all around pala si Ari...
    Madami ang malulungkot kung mag papaalam ka na sa blogosphere kaya't yan ang wag na wag mong gagawin...
    Pag pray kita :)

    ReplyDelete
  7. wow! magaling si ARi ha. napapakinabangan yan anak na yan.

    oist wag kang mag quit magpahinga ka lang muna. ganyan talaga ang life busy.

    ReplyDelete
  8. Nakakatuwa naman si Ari, very well-taught hehehe...

    Posible naman kayong magka-baby pa ng jowa mo, parang yung sa Modern Family, nag-adopt sila ng baby.

    You can take a hiatus from your blog, you don't need to say goodbye.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap kasi mag adopt dito tsaka di namin afford :( si ari nlng

      Delete
  9. Ang cute ni Ari! Naloka lang ako na iniupo mo siya sa toilet seat! Haha. Pero super cute nya nun nagluluto! Natuwa ako na makita yun photo ng PBO, ang sweet mo!

    Okay lang yan, pahinga ka muna. And don't quit blogging, mami-miss kita lalo nyan! Gayahin mo ko, tamad tamad lang, haha.

    ReplyDelete
  10. Nakakaaliw si Ari!

    Wag kang magQUIT... hehehe

    ReplyDelete
  11. huy... wag kang magpapaalam... pahinga lang pero wag bye bye... we wanna hear alot from you... paano na ang mga vBlogs? mag-ge-guest pa ako...

    okay lang kahit hindi ka nakakasama lately sa mga meet up basta you're okay naman and si jikoy na rin... basta wag mo kami iiwan ha... si deo okay lang mawala pero not you... hehehehe...j/k... love u Deo!

    ang cute ng pagluluto ni Ari ng kamatis ha... at ang cute kasi he also loves PBO... yehey...

    ReplyDelete
  12. Wag pong mawawala, ma miss ka namin.

    ReplyDelete
  13. haha ang kulet eeh ang cute ng ari nyo hahaha
    relate much ako sa inyog dalawa

    anyways sana umokay na situation ni jikoy
    at sana makahanap na tayo ng job

    at higit sa lahat sana wag mag quit pde naman mgahiatus lng kagaya ko

    ReplyDelete
  14. tama dont quit blogging just blog when you have time. anyway..nakakatuwa naman si ari cute na cute!=D

    ReplyDelete
  15. Ang cute naman ni ari...sana eh maging mabuting anak si ari pag laki...:)

    I wish na magiging okay din kayo ni jikoy...anyway, you always have this group of people kahit na hindi ka mag boblog...we will always be here naman pag balik mo...:)


    xx!

    ReplyDelete
  16. Hahahah!!! Aliw na aliw ako kay Ari! Bakit siya nainom ng malamig na tubig pag hating gabi?

    ReplyDelete
  17. bawal mag quit sa blog! pwede lang mag pahinga pero di pwede mag quit okay? haha ang bully ba?

    ang cute ni Ari, inupo mo pa sa toilet, baka di mo nilabhan after!


    ReplyDelete
  18. Sipag naman ni Ari, madasalin pa..
    Anyway, ganyan talaga minsan nakakapag-isip tayong magquit...pero minsan, napapagod lang mag-isip ng mga possible resources. You can rest naman pero you can always go back... Konting tiis at tyaga lang..

    ReplyDelete
  19. Natuwa ako kay Ari, kapag di nyo na kayang kupkupin si Ari at balak nyong ipaampon, sa akin nyo nalang i-refer ha?

    Sorry to hear sa mga hindi pangyayari sayo at ni jikoy (o ha kilala ko na kung sino si jikoy sino si joh dahil sa vlog hehe), malalagpasan nyo rin yan pero I suggest go lang ng go para mareach mo ang pangarap mo, kung pagod 2-3 days pahinga magsoul searching out of town, for sure pagbalik nyo medyo magaan na sa loob at ready na ulit magwork. Kasi kung "magpapahinga" then resign sa work at quit blogging, depression ang resulta nyan.

    Basta there's a rainbow always after the rain, remember ha! God bless & hugs!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Southbordr? Hahaha naiyak me dito sa comment mo

      Delete
  20. Wag umarte mamimiss ka namin kaya tigilan ang quit quit sa blogosphere hehehe.

    Sana maging ok na ate mo at makahanap na din ng wwork soon :-)

    ReplyDelete
  21. Una, nakakatuwa si ari. He made my day. Sa current situation mo naman ay I pray na everything will work for the better later. Seek your happiness in God and he will give you the desires of your heart.

    ReplyDelete
  22. Cuuuute ni Ari. Haha meron din ako nyan kaso unggoy unggoy siya. haha! | Filipino Love Quotes

    ReplyDelete
  23. parehas tayong nagbabakasyon muna :))

    ReplyDelete
  24. Dear ari,

    anong ginagawa mo sa kamatis? anong luto yan?

    sincerely,

    bagotilyo

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!