Back to zero. Yun ang status ko ngayon sa buhay, after I resigned last week hindi ko pa alam kung paano ako magsisimula ulet. You know, yung feeling na marami kang tinatanong sa isip mo kung paano na ang magiging kalagayan mo sa susunod na araw, buwan o taon. I can't help to think how will I survive or I am ready na ba sa susunod na chapter ng buhay ko. Hai.
Way back 2007 after my graduation I decided to go here in Manila to take may board examination. Pinangahas kong umalis sa amin para maabot ang mga pinapangarap ko sa buhay. Sa isang textmate ako ay naniwala na mayroong magandang bukas para sa aking pupuntahan. Aaminin ko takot na takot ako ng una pero sa isang textmate na iyun nabigyan ako ng lakas ng loob para maging matatag at maging madiskarte. At baon na baon ko ang sinabi ng aking tita na bawal ang "tanga" dito dahil sa mga bagay bagay na madalas masasamang balita ang naririnig namin dun sa probinsya.
Nilakad ko from Cubao to Megamall para i-meet ang textmate na magbibigay sa akin ng trabaho. Wala pang ideya ngunit ang trabaho pala na iibibigay sa akin ay ang magiging call boy , ako pala ay magbebenta gamit ang telepono ng mga website sa mga Amerikano. Sabi niya Call Center daw ang aaplayan ko, kahit walang ideya sumabak ako sa interview.
Hindi ko alam pero nakakatuwang isipin, kelangan pa lang magdala ng I.D sa pag-aapply ng trabaho kung hindi, wala kang permiso pumasok sa isang gusali. Mabuti na lang pumayag si manong guard sa pagkakataon g iyon at ako ay natuloy sa 32nd floor na aming pupuntahan.
Dahil International Account, naging madugo ang labanan pero lumaban naman ako ng patas at sa bandang huli pumasok hanggang final round. Laking tuwa ko at nagkaroon ako ng trabaho!
Mahirap, sobrang hirap pala ang magtrabaho sa Call Center. Lahat ng shock at first time naranasan ko! Una, mga taong dapat mong pakikisamahan, ang paligid na mararamdaman mo ang diskriminasyon at ang pang-huli tuwing break-time, ang pumasok sa 7-Eleven . Ganoon pala sa 7-Eleven , serve yourself , nagugulat ako kung bakit sila ang kumukuha ng drinks, kumukuha ng hotdog at maglalagay ng hot water sa noodles. Ganoon pala yun , na silang lahat nag-oorder sa McDo habang ikaw ay kasabay nila habang may dala kang baon.
Ganun pala iyon , na float pala ang tawag sa coke ng nilagyan ng ice cream sa ibabaw...
Di nagtagal hindi ko rin kinaya ang trabaho at lumipat ng ibang mapapagkakitaan. Nagsacrifice ng sobra dahil hindi na nagpapadala ng pera si Tita at si textmate lumipat na rin ng ibang trabaho. One week akong nagutom na tubig lang ang nasa tiyan. Habang break-time sa trabaho nagtatago sa ilalim ng post at hawak ang isang reviewer na regalo pa ni Tita. Habang nag-iispiel ay sinasaulo din ang mga bagay bagay para makapasa sa board exam.
A day before the board examination, pumasok ako sa National Bookstore para magbasa basa ng mga reviewer. Hindi na ako nag-enrol sa sa isang review center, sayang lang din at magastos. Self review lang at
naniniwalang bahala na si Batman. Pero alam niyo bang sobrang baet ni God dahil sa dalawang sets ng exam, ang librong binasa ko ang halos lumabas sa examination .. Ayun, naging Licensed Teacher ako!
Nagpatuloy pa din ako sa pagtrabaho sa Call Center at hanggang napadpad sa Meralco kung saan naging taga-sagot ng mga tanong at nagpapadala ng crew sa mga nawawalan ng ilaw. At habang nasa graveyard shift ako 10 pm to 7am , pumapasok din ako sa isa ko pang trabaho ang tagakuha naman ng mga orders ng Shakey's from 3 pm to 9 pm .
Hanggang sa bumigay ang aking katawan at pinili na lang magtrabaho sa Shakey's.
Sa loob ng anim na taon, nagsimula ako sa pagiging agent , na-promote bila Q.A. Staff , naging Supervisor at naging Trainer. Hindi ko akalain na sa bandang huli sa pagtuturo din ako babagsak. Ilan sa mga naturuan ko Supervisor na rin ngayon at ilan sa kanila successful na rin sa loob ng opisina.
Pero nag-resigned na rin ako ...
Dumating na ako sa point ng buhay ko na kelangan kung i-try pa ang iilang bagay. Ang pagkakataon na sa apat na sulok ng training room hindi na ako makahinga at gusto ko ng lumabas sa lungga. Naisip ko, iisa lang ang buhay ng tao , at kung hanggang doon lang ako sa silid na yun, siguro wala na akong maikukuwento pa sa susunod. Gusto kong maging makulay ang aking buhay. Sa pag-ibig, trabaho o sa pakikipag-kapwa tao.
Magsisimula ulet ako , at please samahan ninyo ako .....
Oi! Saan kaya ako pwede mag-apply? Hahahahaha!
wow... salamat sa post na ito at mas nakilala kita... hindi biro napagdaanan mo at honestly, when I first read the walking from cubao to mega experience, natangahan ako... nanghusga pero knowing now where you came from, i feel bad for myself...
ReplyDeleteNow,hanga ako sa abilidad mo sa buhay and for sure you will go places...
I will do my best to be part of your future experiences since we are friends naman na...
At dahil jan, I know job openings that I can refer you.
Pag-usapan natin 'yan... Eastwood 'to! Go!
so touched sa message mo at sa dm mo sa akin :(
Deleteseryoso.. cubao to megamall? sabagay malapit lang yun parang intramuros tour lang, kung sanay ka sa lakaran pude...
ReplyDeletenaexperience ko din yun yung tipong ikaw lang ang may baon tapos sila sa macdo, 7eleven o sa ministop bibili..
iba talaga si god,, ika nga nila tiwala lang sa kanya at mapapasan pa at papasa ka din.. ayun pumasa ka nga! apir!
hahaha... tara apply apply din tayo boss!!
san tau axL? Sama me!
Deleteako din need na magtrabaho para maisakatuparan ang
ReplyDeletemasamang plano este ang goal this year
anyways di ko talaga maiconnect you dalawang pic mo na yan
hahaha kasi yan yung picture nung una ako nag-apply den isa ung recent ;)
DeleteLayo ng peg sa dalawang pics nyahaha. Well it only shows na kapag gusto mo talaga ang isang bagay at pinaghihirapan mo eh nakukuha mo :)
ReplyDeleterix tama .. kahit indi lahat ok lng sa akin ....
Deletedito lang ako pare sa tabi-tabi. I will be your guardian anghel. =)
ReplyDeletecyron answeet mo ;) solomot pre
DeleteTeacher ka pala, kaya naman magaan ang loob ko sa iyo. Napakaganda ng iyong adhikain sa buhay, isang modelo sa madaming tao, ang magsikap sa sarilin pawis, ang maniwala sa sariling kakayahan, ang manalig sa Diyos, at ang layuning maging matagumpay kahit na mahirap ang mabuhay.
ReplyDeleteDahil sa mga pinagdaanan mo kaya ka naging matatag, naging matapang, at ngayong may haharaping mga pagsubok ay nakahandang makidigma. Sa tulong ng mga kaibigan dito sa blogosphere at sa dasal naming malayo sa iyo, nais kong ipaabot ang aking marubdob na dalanging nawa'y makahanap ka ng trabaho. Mag PM ka lang kung mayroon akong maitutulong.
jonathan oo teacher ako , salamt sa paghiwatig ng tulong ha :)
Deletenakakasawa ang habang buhay na namamasokan... dapat habang may oppurtunidad na kumita ng anda, mag ipon at magisip ng magandang negosyo.. para pag sawa ka nang maging isang empleyado.. mangarap ka namang maging amo.. mag business ng sarili at pag pumatok.. Ikaw na ang maging don pacundo..-DARK ANGEL
ReplyDeletetama ka , siguro koting ipon na para magnegosyo
Deletemagturo ka kaya kulapitot? :)
ReplyDeletesa pagtuturo kasi laging may growth and development,
pero kailangan din na magbaon ng maraming pasensya at pag-unawa.
sa lagay ko naman, gusto ko munang maghanap ng ibang trabaho bukod sa pagtuturo :)
ang rason ay tulad din ng sa iyo, na sayang naman ang buhay kung ito lang ang ating mararanasan.
masyado na akong familiar sa environment ng school,
kaya naisipan kong sana makapag-try din ako sa ibang field!
God bless and more power :)
naisip ko din yan jep na magturo ... hmmm isip isip pa!
Deleteapply ka as teacher, tataas na daw sahod (kelan kaya) hehe
ReplyDeletego go! nakaka-inspire naman ang iyong story.
ikaw ba talaga ung nasa isang pic, hmmm. hehe
hahahahaha nagtransform no parang transaformer lang
Deletetama naman yan..kung may gusto ka pang gawin sa buhay mo gow lang! mahirap din mag-stay sa isang bagay na alam mong hindi ka na masaya..relate hehe.. sigurado ako makakahanap ka agad ng bagong excitement sa buhay (trabaho).. goodluck!
ReplyDeletetama pink .... go lang ng go!
DeleteNakakainspire naman ang kwento mo, ang saya basahin. Aabangan ko ang susunod na kabanata.:)
ReplyDeletecris salamat! sobrang tenk you ;)
Deletego lang kung san ka masaya at sa tingin mo sasaya ka :) juz pray lang po malay mo bukas anjan na agad yung sagot hehe! at marami akong natututunan sau thankz.
ReplyDeleted.gravity , ang pagpray tlga ang nag-iisa kong armas st sympre ung pamilya ko at si jikoy!
Deleterelate na relate sa buhay call center. nagstart din ako as agent til mapromote as q.a kung saan kalaban ka ng mga ahente. nagiisip din akong magtry ng bagong career. though mahirap iwanan ang call center industry. pero malay natin.
ReplyDeletesales positions ang hiring namin ngayon eh.
bino , wow same pala tayo ng industry!
DeleteSubukan mo muna magbakasyon. baka naburn-out ka lang sa work. Take that time na rin to re-evaluate and re-examine yourself. Minsan kasi madali nating sabihing ayaw na natin sa isang bagay pero di tayo sigurado kung ano ang kinaayawan natin.
ReplyDeletePagkatapos mong magbakasyon, hopefully, ma-recharge ka ulit ready to face the world at maliwanag na sa'yo ang landas na iyong tatahakin at ang karerang gusto mong puntahan.
Good luck! :D
hustin gusto ko tlga magbakasyon na baka din kasi nabored na ako sa work pero , hindi eh parang may hinahanp pa ako na something
DeleteAng dami mong pinagdaanan... At lahat ng yan ay learning process para sa darating na mas magandang oportunidad. Keep up the good works! Salamat at kaisa ka namin sa PBO
ReplyDeletesir mar , sa mga pinagdadaanan ko natuto ako mging matatag
DeleteSeryoso naman nito. Parang ako lang din gusto ko ng tumigil sa current job, challenging naman sya pero gusto ko din ng ibang challenge naman. Kaya mo yan, for sure madami ditong makakatulong na blogger friends, God bless. Never give up!
ReplyDeleteaja ms. gracie! hindi ako gi-give-up! thank you pow!
Deletedami mo rin palang pinagdaanan hirap. Good luck to you kulapipot. Hope and pray that you will find what you are looking for.
ReplyDeletems. joy thank you sa message!
Deleteadmin in the university perhaps?
ReplyDeletewaaaah parang di ko pa kaya un hahahaha
DeleteNgayon lang ako naniwala na nilakad mo nga talaga mula Cubao to Megamall narinig ko lang iyon noong outreach, akala ko joke lang. Tsk! Sabi na nga ba e, madaming naloloko sa maling akala na yan. LOL!
ReplyDeleteAng dami mong napagdaanan ha, bilib ako! :D
At napaisip ako doon sa huli, sa apat na sulok ng training room.....minsan nakakaramdaman din ako ng gusto kong lumabas sa lungga na iyon dahil parang nakakasawa na. :D
waaah lumabas ka na dyan sa lungga mo para madami na tayo!
Deletetayo ka lang dun sa quezon ave at maghintay ng customer. instant pera na DYUK! :D
ReplyDeleteseriously, Today is a new day, so don't worry about yesterdays problems, because today you just might find your solution, live for today and pray for a better tomorrow.
naisip ko na din yan fiel-kun kya maggi-gym na ako para bumenta ako hahaha
Deletetara! TP o Allorica? hahahaha... dami sa Alphaland Josh.. ang ganda ng story mo..bat may picture pa sa taas? ikaw ba talaga yun?
ReplyDeleteako un nung chakaret ako ng slight ,,, hahahahah .. ayaw ni jikoy sa alorica ako baka daw bntayan ko siya ahahhaha
DeleteWow. Parang nag make over ka sa before and after picture mo ah! :D Poging pogi na ngayon!
ReplyDeleteGrabe ang napagdaanan mo. Hanga ako sayo kulapitot! Keep up! Makakahanap ka din ng bagong work and where you will feel at home at the same time! ;)
pao hahahaha extreme makeover tawag dyan!
Deleteang tibay mo teh!!! bow na bow ako sa mga pinagdaanan mo, i appreciate people or person na may pinagdaanan sa buhay kasi nakakaintindi sila sa ibang tao, mas naiintindihan nila i mean. lahat ng paghihirap sa buhay may kapalit na tamis din yan. hang on lang kulapipot, naniniwala akong meron talaga para sayo, may sarili kang daan patungo sa mga pangarap mo. let's always LOOK OUTSIDE THE BOX, sa lahat ng bagay, mas maganda na it's always beyond we know ang kailangan natin hanapin baka doon talaga ang hinahanap mo at kailangan mo sa buhay. ur a happy person and i believe u make people happy too, with that, its a blessing and that blessing will be returned to u in time. darating din ang trabaho sayo gaya ng isang pagibig na darating din sa tamang pagkakataon, oras at panahon. kaya yan!!!
ReplyDeletelala , wow superb at naiyak ako sa message mo!
DeleteAng taray ng picture mo ha ang pogi pogi hehehe.
ReplyDeleteSeriously, i admire u two thumbs up saludo ikaw na nag iisa ka!
Salamat sa mgapinagdaanan mong pagsubok, isa ka ngyong matatag at huwarang mamamayan ng pilipinas:)
Di ako sanay na seryoso ka hehehe pati comment ko tuloy kailangang seryoso hehehe
hahahahaha sherene koting emote lang to mawawala din to .. tenk u tenk u
Deletewow God bless as pag aapply... hiring kami... online english instructor bet mo?
ReplyDeletewow genskie saan yan? baka duguan yan ha!
DeleteRelate much ako dito. Naalala ko yung 1st time kong magtrabaho din sa Manila. Unang lumaspag sakin ay yung lintik na MRT na yan. Sobrang siksikan. Para akong nakaranas ng stampede dahil pagpasok ko ng pinto ng MRT ay biglang nagtulakan ang mga tao. lol Yung 7-eleven. Namangha din ako sa self service nila. Tatanga-tanga lang ako. haha
ReplyDeleteMag-OFW kana sir :D
boss inaayos ko na din yung passport ko yun na tlga pinakalast choice ko!
Deletewinner ang cubao-megamall barefoot teh!!! hail to you!!!
ReplyDeleteseryoso na sana, nakikisimpatya na ako sayo, kaya ln sa huli, natawa ako..hahaha!!
haahahahahaha :) sabay dyuk sa huli noh?
Deletelicensed teacher kana pa.. magturo ka sa mga school. more more education para sa mga kids. :)
ReplyDeleteopo hmmmmmm parang tinatawag na nga ako ng mga children!
DeleteI always wanted to become a teacher, and hanggang ngayon, gusto ko pa rin....,
ReplyDeleteay...samahan ba kamo, sama ako sa bet mo, dahil ako rin ay aalis na sa kasalukuyang trabaho ko hehe
at least sa paguumpisa mo this time, may experience ka na at di ka na clueless :) pag dumating ang time ulit na tubig lang ang malalaman ng tyan mo, sabihan mo ako, bibigyan kita ng Tang - para hindi lang basta tubig :) Anyways, kaya mo yan, ikaw pa!! Go for gold Kulapitot! Go for OM! yey! :)
ReplyDeleteTingin ko mas madali na lang sa iyo makahanap ng new job kasi may experience ka na dati at hindi ka na clueless. Exciting magkaroon ng new job. Good luck.
ReplyDeleteMarami ka nang naranasan. Sagana at hirap. Kaya ang masasabi ko'y kakayanin mo yan...Konting tyaga na bumalik muli sa wala pero pasasaan ba't magkakaroon ka uli ng work.. God bless. good luck sa iyo...kung medyo maalam ka ng english (at least 400 characters blog), you can try bubblews.com.. online earning yan
ReplyDeletegrabe ang pinagdaanan mo!!!! bilib ako sa u ha infairness!!!
ReplyDeletepero sana nag apply ka muna sa iba bago ka nagresign...
goodluck sa new adventure kwentuhan mo ulit kami a hehehe
Iba ka talaga Kulapitot! Idol na talaga kita :) seriously na touch ako dito unlike ng inaasahan ko na madaming tawa. For sure mabilis mo makukuha yan- you have the head and the passion.
ReplyDeleteClap clap. A very nice read. With your experience, you'll go far Kulapitot. :)
ReplyDeleteNa experience ko rin kc ako ay isang hamak na taga probinsya rin at with my decision ayaw tlga nila mama and papa e malakas ang loob at paaalam ko lang tlga magbabakasyon lang kc ksma ko naman sister ko but instead of taking vacation I applied for work at napadpad rin ako sa call center until now I can say nasa call center parin ako but iba nga lang because of the account and the company really pay well and provide what we need:) so happy naman ako..so I guess makakahanap ka ng work na gusto mo rin naman at after what you been through for sure alam mo na ang kalakaran..goodluck!
ReplyDeleteisa kang matatag na tagapaglakbay.. keep it up!
ReplyDeletesabi nga, walang hindi nakukuha sa sipag at galing. impressed ako sa kuwento ng buhay mo. :)
ReplyDeletegoodluck! kaya yan
ReplyDeleteHello, Neat post. There is an issue along with your site in
ReplyDeleteinternet explorer, might test this? IE nonetheless is the
market leader and a huge component of people will leave out
your magnificent writing due to this problem.
Here is my site ... http://aumentando-o-penis.com/
air jordans
ReplyDeletejordan shoes
nike air vapormax
golden goose outlet
supreme clothing
moncler
curry 6
off white
supreme clothing
nike max
goyard online store
ReplyDeletehermes
off white outlet
air jordan travis scott
kyrie 5 spongebob
kevin durant shoes
bapesta
supreme clothing
supreme outlet
jordan sneakers