Oo! Tama ang mga narinig niyo , totoo ang tsismis , hindi ko na rin ililihim pa sa inyo , at para saan pa diba? Oo! Narinig niyo ang sinabi ko , mayaman na ako ngayon! Nakatira na ako sa isang magarang bahay at invited kayo lahat sa blessing ng bahay ko! Blag! - shit! panaginip lang pala! Hehehe!
Una sa lahat humihingi ako ng paumanhin sa sarili kong blog na napabayaan na ng sobra dahil sa sunod sunod na dagok na dumating sa buhay ko. Nahihiya akong bumalik ulet sa pagsulat at paglathala sa blogworld dahil dumating ako sa point na feel ko na nag-iisa na lang sa mundong ito , hopeless at wala ng patutunguhan . Ngunit on the other hand , dito ko parin pala nahanap ang mga kasagutan sa lahat. Napatunayan ko ang pagsusulat pala ay nakakawala ng problema at sa bawat komento nito ay natutulungan akong kumawala sa isang lugar na kung saan ako nakakubli ng sobrang tagal. Naiyak me much! Pang Maalala lang ang arte ko dito... Huhuhu!
This is it! This is really is it , is it! I'm back and that's because of you!
Anyway, bakit rags to riches na ang lolo mo ngayon? Well, nakalipat na kami ng bahay along Pasig area and we rent it sa halagang 6k na two bedrooms , may sala , dining area , terrace at isang bonggang bonggang pink na restroom.
Ganito sala namin noon ... |
Pak! Eto na ang sala namin ngayon with matching narra na sala set at may carpet pa! |
Dati sa lapag lang kami nakahiga , ngayon nasa kama na! |
Dati nakikishare lang kami ng space ni Jikoy , ngayon may fabulosa na kaming kwarto! At ayaw paawat ang kulay pink nito! |
Landlord : Papalitan ko na lang yung pink ng kulay blue kasi mga lalaki kayo dito sa loob ng kwarto!
Me: Keribumbum na yan noh! Bet ko nga yung pink! (Sa loob loob ko lang yun!)
Landlord: Ayoko sa bading ha ..
Me: Straight naman po kami! (Chos)
Anong say ni Pinkline sa Pink naming CR ester powder room? |
Mala sosyal naming salamin sa mansyon! |
Sa bonggang terrace na pwede kang kumaway! Sa mga alipin sa labas! |
Ang malaki naming kitchen na dati maliit lang , at samahan mo pa ng katulong! Meet Inday! Lols! |
Inday! Ilabas ang litson!
Inday : Sir , galunggong lang po ang nasa two door nating ref! |
Kaloka si Inday! Akala ko nakalipat na kami pati sa pagkaen naka-buffet na kami. Eh, yung favorite kong isda ang nasa hapagkainan pa rin pala.
At dahil sa bagong bahay :
- Hindi na kami magmo-motel ni Jikoy para makagawa lang ng baby ...
- Nakakatulog na kami ng maayos dahil hindi na masyado mainit...
- Nakakaligo na kami gamit ang shower ...
- Wala na sila doding daga at ms. ipis na kung saan saan nagtatakbuhan ...
- Nakakapagluto na kami ng bonggang bongga!
nakapagblog din sa wakas!
ReplyDeleteGood job!
Deletegusto ko yung ibang job chos!
DeleteHehehe nakakatuwa naman! Bongga ang before and after ng sala ha..Pink kung pink ang bathroom..inggit much!
ReplyDeleteYan ang tinatawag na Lechong Isda! sarap naman nagutom aq bigla.
Nga pla kabilang ka sa aking SMP Award check here na lang po http://mariaswanderland.blogspot.com/2012/12/smp-blog-award.html
thank you!
maria salamat sa award! nakakataba nman ng puso ...
DeleteWow nakakariwasa na :). congrachumalasyens!
ReplyDeletehoy ha! naka-angat lang sa buhay! hahahaha
Deleteahahaha ang kulet lang nung terrace kung saan pwede kumaway sa mga alipin LOL :D (alipin talaga!?)
ReplyDeletehindi naman siguro binabaha jan and nasa second floor naman kayo kaya keri lng kahit umapaw ang ilog pasig sa tag-ulan hehehe!
hahahaha pagbumaha at umabot dito , ewan ko na lang magcocondo nalang ako hahaha
Deleteang drama ng intro..pero ang bongga ng bagong bahay.. hindi ako nainggit sa pink na CR kasi pink din ang kulay ng CR ng mansyon ko sa Cavite.. sa pink na tabo lang ako nainggit.. (Facundo madali ka ibili mo ko ng 100 pcs na pink na tabo!)hehe..
ReplyDeleteso kelan na ang blessing? aatend ako ;)
na-miss kita ah...
namiss din kita! super lahat kayo!
Delete- ung blessing ako na nagbless para tipid! hahaha
congrats sa new home!
ReplyDeletesalamat!
DeleteHuwaw new home. Congrats. blog na ulit!
ReplyDeleteoo im back! gulat kayo no?
DeleteHang sosyal ng bahay. Ganda :)
ReplyDeletehahahaha oo bahay lang ang sosyal!
DeleteWow.. congrats! hong yaman! Papalitan ko nga ang tiles ng CR namin ng pink, nainggit ako e! Wiz na mag-drama, dahil I'm sure na hinding hindi ka mag-iisa.. ever! :D
ReplyDeletehmmm inggetera! tse! hahahaha! mishew!
DeleteHuwaw naman kung makakaway sa mga alipin wagas hehehe.
ReplyDeleteAt natawa ako sa hindi na kyo maghohotel, tipid yan for sure hahahaha.
At ano ang say ng banyo namin sa pink mong powder room na pagka sosyal sosyal hehehe.
Hindi ka nagmimintis patawanin ako:)
waaaaaaaaaaaaaaaaah! salamat! super sobra!
Deletewow. what a big transformation from the before and after. and what the f***, pink bathroom??? well i know the color pink can is a calming color. just go with the flow :)
ReplyDeleteoh yeah, i miss eating gg. yummy.
hahahahaha pink lang diba? hahahah
DeleteYun nga rin una kong napansin paps sa new room, kulay pink. Akala ko nagbakasyon ka kaya ka nawala. At ang ganda ng bahay paps! Maaliwalas at malinis. Huwag kalimutang ipa-bless baka may namamahay na espiritu :) Happy Holidays! :)
ReplyDeletepaps okay lang na may mamahay na espiritu pag in case wala kami may magbabantay hehehe
Deletewow way to go parekoy
ReplyDeletehaha umiimprove na ha,
keep it up
next time mansion na yan talaga ha
ung mala simon's mansion
oo .... next time may pool na at iinvite ko kayong lahat!
Deleteang gara naman!!!! :)
ReplyDeletelakas makamayaman diba?
DeleteThanks for coning back and I like everything, especially the fried fish. Namiss ko na ang pagkaing pinoy:)
ReplyDeletemiss joy pag uwe mo lulutuan kita!
DeleteSige promise kulapipot ha:)
DeletePrince, minsan need din magli-low...then be back with a vengeance! :-)
ReplyDeleteoo nga pau! pak!
DeleteFamiliar ang house te...yan yung nakita ko sa tv, kung saan isang pamilya ang natagpuang tegi! oh no! chos! hehe :)
ReplyDeleteAng saya naman, upgrade talaga. Mas maaliwalas ang house nyo na ngayon :)
Pa house warming ka naman, kahit tirang litson ok na :)
Buti nakapag blog ka na ulit! :)
zai sinisirAan mo tlaga yung bago kong bahay ahaahahah :-)
Deletemagpapahousewarming ako tas kwarto ka lang ha!
ayaw ko dun, dun sila tinegi lahat! huhu!
Deletecongrats naman po :)
ReplyDeletesalamat po ng sobra!
Deleteang mura naman ng rent.. at infairness.. ang ganda.. san yan? may vacent paba?? haha
ReplyDeleteplano kong parentahan ung kwarto ko hehehehe ( kumikitang kabuhayan!(
Deleteoh oh oh!! :D oh matulog na ulet, may lagnat ka na nakapag blog ka pa tlga ha!
ReplyDelete:D putukan na! joke!
luto na me, gutom na me eh. aw!
mahal ko tse!
DeleteINGIT MUCH SA PINK NA POWDER ROOM :) SUPER LIKE
ReplyDeletepaggawa ka sa akin mura lng .. heheheh
DeleteBagong lipat oh!
ReplyDeleteSaan yan? Makalipat na nga rin. Hahaha!
at buti nakalipat na kami tlga ... hehehe para before end of the world safe na kami hahaha
Deleteang bongga ng powder room! ang lakas maka PINK 5!
ReplyDeletehahahahaahha ;-) apir!
Deletekelan ang blessing ng bahay?
ReplyDeletehahahahaah wlaa na gastos lang yun hahahaha ;-) nanakawa na lng me ng holy water !
Deletenice find :)
ReplyDeletesobbra! naswertehan lang!
DeleteHahaha congrats! Namiss ko ang dilaw na blog na to na nagpapangiti at nagpapatawa s akin;) nagbago kba ng url?
ReplyDeleteoo binalik ko na po sa dati ...... mishew pow!
DeleteAba mayaman na nga. Naway lubos na saya at maaliwalas na pamumuhay ang maging dulot ng inyong bagong tahanan.
ReplyDeleteCongrats on the new house! and wow, just P6k?! That's a great deal :)
ReplyDeletes9m14z7l35 w2b88f4j82 d1f73u0d40 n4j88a7k80 v6i09p2c32 m5v66p6f16
ReplyDelete