Wednesday, December 19, 2012

New

Hello everyone! Advance Merry Christmas and let's brace ourselves to the end of the world keme ni Sir Nostradamus ... Kalowka diba kung matutuloy yung paggunaw ng mundo! Una , hindi ko pa nareceive yung inaasam-asam kong 13th month pay , pangalawa gusto ko pang manuod ng Miss Universe (mamaya) at pangatlo hindi ko pa natitikman yung crush este yung mamuhay ng marangya! Dyutkonaman sana wag muna!

Anewei , konting random muna ako sa mga bagay na "NEW" at fresh from the oven na pangyayari sa buhay ko ;


# 1  Ang nakakanosebleed na tagpo


Ate Lourdes and his friend Mark finally met dito sa Pinas. Hoy ha! Hindi sila magkeme, friend lang talaga! My sister meet him sa cyberspace and Mark was looking for a friend here in the Philippines to be with him (nahihirapan na ako sa english! hay magtagalog na nga lang) .... Ayun, gusto ni Mark puntahan buong sulok ng Pilipinas at gusto niya magpasama .. All expense paid! Kaya todo volunteer yung lolo mo na samahan siya since my sister was pregnant di siya makakasama ... Kaya get ready Philippines! (sana matuloy!)



# 2 My new BFF 

Well , kalimutan niyo na si Deo at make way for my new mayaman na Bff Tapz! His very good person at pagkasama mo siya in one week pa lang magiging obese ka na! Kaen dito , kaen everywhere! Kalog, adik sa kape at mahilig magdrama! Kaya kalimutan niyo na si Bff Deo ha! lols ...




# 3 Cork Board

Astig tong bagong cork board namin ni Jikoy bagay sa pink naming wall diba? Dyan namin ilalagay yung mga utang namin lahat para di namin makalimutan .. Hahaha!




# 4 Cabinet!

Yipee! Sa bagong bahay namin over-flowing sa dami ng cabinet .. Pero kahit may bagong lalagyan makalat pa din kami ... Ang onti lang damit namin noh? Kasi binibigay namin halos ng mga damit namin sa mga kapatid namin.. Sayang lang din kapag nakastock lang .. Mas maganda ibigay na lang ang iba para mapapakinabangan pa :-)




# 5 New BB

Dahil sa bagong BB ni Deo kaya hindi ko na siya Bff .. Halos 24/7 hawak yung phone niya at halos di makausap! Kaya nakakatampo lang ... 

Hala pindot! Deadma kung deadma!

Lagi na lang may kausap sa phone! Grrrr....

Hindi mo na makausap na matino ... Hoy Bff! loka lokahan portion?


Mas importante pa ang paper bag ng Globe kesa sa akin ...

May sarili ng mundo! Go lang ng go!

Pwes, magsama kayo ng BB mo! Tse!

Pero eto ang mas exciting na NEW ay ang bagong grupo ng bloggers na PBO .. Lakas maka-channel lang ang peg diba lols ... It's Pinoy Bloggers Outreach na naglalayon tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong (lahat) , tama ba ako? So pwede bang ako muna ang unang recipient sa charity niyo? Chos! Anyway, gusto kong iparating sa inyo na full support si Kulapitot sa proyektong to , hehehe wala muna akong ipe-pledge ng kung magkano pero pede ako na lang taga-distribute? Pede ba yun lang ang iaambag ko? Hahaha!  Basta 100% ang supporta ko sa grupong 'to! 







24 comments:

  1. what a nice life! you are gonna be a tour guide for him... ingat

    ReplyDelete
  2. Nice updates lately:) thanks for sharing!

    ReplyDelete
  3. wow very good experience yan ha... since mahilig kang maglamyerda go lang maging tourist guide... natuwa naman ako kay deo... nag bloblog din ba si deo???... gusto ko marinig ang kanyang panig tungkol sa pinag susulat mo sa kanya hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes...I have!!hahah...inaway q na xa>>

      Delete
  4. nakakatuwa naman ang bff mo, enjoy na enjoy lang sa BB nya haha...

    ReplyDelete
  5. Kalimutan na si Bff Deo! Ahaha, naadik sa BB.

    ReplyDelete
  6. nice naalala ko ung nakakanosebleed kong kausap nung last inuman namin ng tropa haha,
    anyways baka naman ng gegame lang di deo haha
    aliw mga pics nya eeh

    ReplyDelete
  7. Patay ka kay Deo, parang endoser ng BB lang! Bongga! :)

    Sabihin mo kay imported friend Mark, isama din ako. Anu pa at naging Ms Tourism Talipapa ako di ba? Haha :)


    Ang saya ng cork board - punuin nyo ng pics para mas masaya! :)




    Advance Merry Christmas friend! :)

    ReplyDelete
  8. Wow! All expense paid na lamyerda! go go go! Swerte mo naman! Yaan mo pagtagal magsasawa din si Deo sa BB nya!

    ReplyDelete
  9. oi may bago ka ng bff! pero parang merong a little bit hawig din kay deo..hmmm.. mas aliw pa rin ako kay bff deo..lakas maka-endorser lang ng bb..

    ayan one of the volunteers ka na sa PBO yey!

    ReplyDelete
  10. hahahaa...adik na rin sa bb...but I understand kc ung bago rin ang bb ko busy mode lagi ako...hahaha!

    anyways...merry christmas and wishing you all the best! enjoy your 13 month pay!

    ReplyDelete
  11. ang cute ni bff! happyng-happy cya sa bb ^^

    ReplyDelete
  12. ahaha, lagi na lang may cameo appearance si Deo sa mga post mo :D

    ReplyDelete
  13. gusto kong mag random post ng ganito ang saya! kaya lang wala akong kasing-aliw na BFF Deo ha ha

    ReplyDelete
  14. ahahahaha!! sobrang tawa ko ke Deo oh oh oh!! hoy ha! pasalubong ko sa lakwatsa nio! :D aw!

    ReplyDelete
  15. Ah ganun Bff,,,,Tinapon q na ung bb!!!

    ReplyDelete
  16. Nakakaaliw mga pics. lalo na dun kay bff deo mo.

    ayan nga oh, tinapon na day BB nya. lol

    ReplyDelete
  17. Salamat sa pagbanggit ng PBO sa post na ito...

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
  18. Dear Kulapipot. Dropping by again to thank you for visiting and leaving a nice comment. Hope naging masaya ang pasko mo and I hope you share updates with us. Happy New Year to you too!

    ReplyDelete
  19. Onga kulapitot isama mo si zai ms tourism talipapa daw sya. :-) mas maaliw ung kano pag tandem kau sa kakulitan :-)

    ReplyDelete
  20. Pang miss unvrse pak: No matter what language you have as long as you have the heart you can inspire other people...winner 2! lol

    wishing you a joyous holiday and smashing new year!

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!