Friday, August 10, 2012

Pasalubong Galore


Naranasan mo na bang maghagilap ng pera para makuha lang ang promong fare sa net? Naranasan mo na bang magbaon ng biscuit at de lata para makatipid sa pagkaen? Aminin mo na , tiyak naranasan mo na yan! Pero kahit gaanong pagtitipid ang gagawin mo, pagdating sa pasalubong ay di ka napapahinto sa pagkuha ng pera sa bulsa mo ... 

Kaya ayaw na ayaw ko pinapaalam pag may lakad ako. Ikaw ba naman, kulang na lang buong building ang hihingi sayo ng pasalubong... Andyan pa si Ate, Kuya , Bunso si Inay at Itay, diko , ditse, at pati si kapitbahay! Naks! Tuloy napaisip ako, lahat ng binayaran ko ay nakapromo pero sa pasalubong yata ako ay dehado...

 Ok lang! Ansarap kaya ng feeling pag nagbibigay , diba? Oh sya sya ... check natin yung mga nakunan kong   mga masasarap at agaw sa atensyong pasalubong sa tabi tabi ...


Anong bet mo dito?




Di ka pumunta ng Baguio kung wala kang dalang Strawberry Jam!

Rowena's dilis ng Tagaytay ay mapapa oh! ah! ka sa sarap!

at samahan mo pa nito...

Magpakalasing sa wine ng North Luzon

Mag treasure hunting kasama ang barkada ...


Key chains at mga makukulay na abubot ni Manang sa Pagudpud

Shirts, wooden crafts sa antique shop ni Impong...

Banga, baul at iba pa ...

o di kaya sumakay sa mga kalesa ng Vigan...

Magpahangin sa mini windmill ng Bangui...

o kaya uwian mo si Inday ng makukulay na walis tambo  ng Benguet, Baguio

Ikaw.... oo ikaw nga ...  ikaw nga sino pa ba?lol anong paboritong pasalubong mo? Ningangarag ka rin ba nila? Hahahahaha!

17 comments:

  1. Masarap bumili ng pasalubong sa Calle Crisologo :)

    ReplyDelete
  2. Sino naman kasing ngpauso ng pasalubong eh.

    ReplyDelete
  3. Ay pinakapaburito ko ang ube jam sa baguio at yun pastillas de leche ng batangas! Kakamiss! Uwi na ko pinas pls! Lol

    ReplyDelete
  4. natakam ako sa strawberry jam and i like the baul, so vintage...
    thanks for following my blog, sorry ngayon lang nakafollow sa iyo

    ReplyDelete
  5. Oo nga, hindi na nga ako bumibili ng pasalubong dahil ako lang lagi ang naglalakwatsa sa amin. Pero oks lang, sharing gives us blessings in return.

    ReplyDelete
  6. Ako anything na pwedeng kainin yun ang peyborit kong pasalubong. Matakaw kasi ako. hahaha!

    ReplyDelete
  7. Nakakagutom naman! Natakam ako sa peanut brittle at sa mikasan. :(

    Masarap din yung ube galing sa good sheperd! FTW yun forever!

    ReplyDelete
  8. ay tama ka dyan, ang gastos mamili ng pasalubong, hahaha! favorite ko ay chocoflakes ng baguio, ayoko ng walis tambo ah! haha

    ReplyDelete
  9. Thanks for dropping by my blog. That's some awesome photos you have got there. Sorry I dont understand the language but the Strawberry jam looks very delicious.

    ReplyDelete
  10. Minsan hassle lang yung magpapabili ng sangkaterband pasalubong...lalo na kung magtatravel ka...at hindi naman aalis para magshopping...:-)

    ReplyDelete
  11. pwede pa ba humingi ng pasalubong? haha

    ReplyDelete
  12. straw berry jam na lng akin ha mga 3 pede na pasalubong haha

    ReplyDelete
  13. bet ko toh! hahaha, super korek ka sa statement mong ' sa pasalubong dehado'..hehehe

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!