Saturday, September 1, 2012

Tell me something about NOGAS ISLAND ...


continuation from this post Sira-an Hot Spring My Panay Island Adventure


Nogas Island 2012

We woke up late dahil sa sobrang pagod sa walkathon namin galing sa Sira-an Hot Spring at di man lang namalayan na umulan ng malakas nung gabing yun kahit ganito ang itsura ng bubong na aming tinutuluyan.



Maniwala man kayo o sa hindi ni hindi man lang ako napatakan ng isang patak tubig ulan sa dami ng butas nito ni hangin wala man lang akong naramdaman.

Agad kaming nagprepare ng aming dadalhin sa lugar sa tulong na din ng mom ni Deo para makagorabells na agad kami sa aming pupuntahan. At hindi lang ang mom ni Deo kung hindi buong kamag-anak niya tulad ng may nagluto ng kilawing isda at nagprepare ng bangka. Astig diba? #Bayanihan sila tito't tita!

While waiting for Jessa Zaragoza sinulit muna namin ang pagkuha ng larawan ng Nogas Island na usually binabangka ng mga 15-20 minutes depende sa lakas ng alon sa lugar. Saan na kaya si Jessa Zaragoza?


The Nogas Island ! 

 At after fifteen golden years of waiting dumating na din si Jessa Zaragoza at unti unti nila itong hinihila papunta sa tubig.



Meet Jessa the bangka!

After ng ilang minutong buhis buhay na pagsakay sa bangka narating din namin ang isla. According to Deo wala daw nakatira sa islang 'to ngunit maraming pusa nakatira dito.Tinanong ko din kung baka may engkanto sa lugar at wala naman daw...


Eh ano yung nakahubad na yan? Hahahaha! (Three points na ako kay Deo) #peace!

Sobrang virgin ng lugar parang ako lang. Malinis na malinis at pasok sa banga! Wala kang mahahanap na cottages o kaya tindahan dito kaya mas maganda may dala kang tent lalo na pag mag-oovernight ka.


Virgin na virgin diba?

Deo said na kelangan daw mag tabi tabi po lalo na ng dumating kami na kami lang talaga ang tao. As in parang ni-rent namin ang buong isla para magswimming.

Si Deo nag-mimini bonfire hahahaha....

Para mag ihaw ng isda. (Ako po nag-ihaw niyan)

Kainan na! #Boodle Fight ang eksena namin dito..Yum! Yum! 

Andami naming nakain at halos di na kami nakatayo. Aside sa inihaw na isda may dala din kaming kinilaw na isda at gulay at sympre mawawala ba ang panulak na emperador!

Solb na solb!


Halika libutin natin ang isla!


Kalachuchi na formed na parang pathway papunta sa lighthouse.

Aaminin ko isa ito sa mga reason kung bakit gusto ko puntahan yung isla dahil sa picture pa lang sa net namangha na ako sa itsura nito. It's surreal! Totoo nga talaga at lakas maka jaw-dropping talaaaaaga!


1,2,3 Jump!

First time kong umakyat sa lighthouse! Oo pwede kang umakyat dyan!

Aerial view from the lighthouse!


The very challenging pag-akyat at baba sa lighthouse! #fearofheights

Mangroves occupies the rest of the shoreline.

Close-up lang oh!

It looks like mga pebbles lang and shells pero most of the mga shells dyan buhay! 

After the tour let me show you mga eksena at pictorials namin sa island! Tan-da-dan-da-dan!


Si Rosalinda nung nagdrugs! Hahahah!

Miss Kalachuchi 2012

Bagay na bagay ! Swak na swak! Bagong model ng DENR!


Sino kaya hinahanap ni Dora?

                           
Aaaaaaaah! Si Butch! Ahahahahah!

Anong say ni Luna at Blanca? 

O etong naliligaw na Amazona?

           May isda kaya dito?                    Ayun may butanding!                     Tuhugin at litsunin!

Akala kung ano tagay lang pala!


Hindi namin maipagkaila na naenjoy talaga namin ang lugar at nakalimutan namin yung mga problema namin ng pansamantala. Enjoy na enjoy kami SUPER DUPER! to the Highest Level!

Enjoy at lasing lang! 

 We may leave the place but the experienced will always be in our hearts at dadalhin namin ito habang buhay.  Goodbye muna Nogas Island at sa uulitin ha .




Next post .... Secret muna :) Dahil sa next post ko natupad ang isa sa mga dream ng mahal ko ....


21 comments:

  1. oi .. yung bangka pala actually libre lang pero binigyan namin si tito ng Php 200.00 pesos .. sa food isang malaking free ;)

    ReplyDelete
  2. What a beautiful place! Love to visit there one day. Beautiful photos and thank you for sharing. I enjoyed this post.

    ReplyDelete
  3. hahaha tomooh! natawa ako dun sa Miss Kalachuchu at Butanding lols

    pero sobrang ganda ng lugar lalo na ung sa may Lighthouse :)

    ReplyDelete
  4. Super ganda ng virgin island, haha.. pero mas nag-jaw drop ako sa pics mong naka-undies lang, ikaw na!

    ReplyDelete
  5. Hahaha hindi ko kinaya ang unang pic LOL...NIce getaway btw...

    ReplyDelete
  6. Ganda talaga ngg Nogas island. Next year puntahan ko yan.

    ReplyDelete
  7. Ganda namn dyan! I love the pathway going to the lighthouse!By the way, ang sexy mo ha! Yun nga palang punta fuego e 1,999 2D/1N per person pero ngayon ino-offer nila ng 1,499 na lang. Free breakfast na. May kamahalan pero sulit naman kasi maganda yung place.

    ReplyDelete
  8. bet ko yung calachuchi pathway ba yun? parang pang movie lang. at ano yang next post mohhh??? excited ako dyan. share share share!

    ReplyDelete
  9. ay... grabe sa ganda ang island na yan - the sea, sand, trees and magroves...dami pang ganyan sa iba't ibang provinces natin di lang nadedevelop, ganda talaga ng pinas!
    love the shot of the pathway going to the lighthouse

    ReplyDelete
  10. Ang nice naman ng adventure...nakakatawa din yung mga caption...i like the butanding..hahahaha...sana maka pag island hopping din ako ulit...xx!

    ReplyDelete
  11. mas napajaw drop ako sa unang pic. ang taray!haha at ang butanding pic sobrang nakakaaliw hihi sana makarating din ako dyan someday ang ganda eh.

    ReplyDelete
  12. briefs kung briefs talaga haha! Ganda nga nung pathway papunta lighthouse :)

    ReplyDelete
  13. haha..ang saya naman..inuman sa virgin island habang naglalaro at naka-undies lang..bet na bet na bet ko yan..sama nio naman ako minsan hehehe...

    ganda nung nagform na kalachuchi...ang romantic :)

    ReplyDelete
  14. If I would be cast away to some island, I would hope to have all three of you with me. Mukhang masaya ma-stranded sa mga isla kasama kayo. Hahaha! Nang damay pa sa kamalasan eh no?

    Again, i always have fun reading your posts and looking at your pictures.

    ReplyDelete
  15. wow survivor lang ganda ung ayos ng kalachuchi

    ReplyDelete
  16. di ko kinaya to. Unang pic palang panalo na. Ikaw na ang wagas magpost.. dami mong entry today ah :P

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!