Monday, September 3, 2012

Boracay: A dream come true!

a continuation  from this post  Nogas Island  my  Panay Island Adventure ...


Kulapitot"Natupad na din ang isa sa mga wish ko na makapunta dito! Yes! 

Boracay 2012
Labag man sa kalooban namin ay kelangan na naming umalis para sa susunod naming destinasyon. Mahirap palang umalis sa isang lugar na sa konting oras at pagkakataon ay napamahal na din sayo... Pero super exxxcited kami dahil first time ko makapunta dito pero si Deo ilang beses na siyang nakadayo sa sikat na islang ito... Ang yaman ni Deo diba? Ginawa nalang pang unwind ang Boracay! Ontorrraay niya noh?



Sakay ng RM LINER na biyaheng hanggang Cubao ay nilakbay namin ng mahigit 6 hours ang papuntang Caticlan. It's a RORO Bus kaya biyahe niya hanggang Manila.

Goodbye Antique!

In a few minutes tulog na agad si Deo na nakasmile pa ang mukha! Siguro nirereyp siya sa panaginip niya! o di kaya sumali sa Beauty Pageant at siya ang nanalo! At least sa panaginip naging maganda siya ! Lols!

Habang tulog ang daga nagPBBTeens naman ang dalawang pusa! Hahaha!

After ilang idlip at silip nakarating kami sa San Jose, Antique ang main city nito.

At after ng ilang tumbling ay nakarating din kami sa Caticlan Jetty Port.

At sumakay kami ng Super Bangkang ito na medyo class! Oyster keme yung name niya.

Sa ganda pa lang ng dagat mababaliw ka na!

May baliw nga! (Five points na ako kay Deo sa pang aalaska! Hahaha!) Sino ang baliw, sino ang tunay na baliw! Crispin, Basilio mga anak koooooooooooo! Wahahaha!

We arrived safe and sound though medyo malakas ang hangin at alon. Actually may kaibigan din ako sa place na to na nag-ayos din ng aming accomodation sa lugar! Nameet ko lang siya before sa Baguio sa  seminar ng buong schools sa buong Pilipinas way back 2006 at atlast! after ilang taon nagkita kami ulet at Engineer na rin siya na nakadestino sa Boracay na may kasalukuyang ginagawang  bagong hotel sa lugar.

Meet Virgo my long distance friend ...

We had a very cheap accomodation dito sa St. Vincent Cottages at its good for 3 persons na siya!
After leaving our things sa room ay hindi na kami nagpatumpik tumpik pa at with our itchy feets pumunta  na kami agad sa dalampasigan! 

Welcome to Boracay!

Tila hindi nga maganda ang panahon sa pagdating namin at medyo galit ang langit pero lutang pa din ang ganda ng lugar lalo na yung pagkapino ng buhangin nito kahit medyo nadismaya lang kami sa mga lumulutang na basura. #Stunning!


Halika at maglakad lakad tayo sa Bora! Ang susunod na istasyon ay 1,2,3 Station!

"Bukod sa mukha mo ano pa ang problema mo?" -sabi sa shirt ni Deo!

Happy yan si Rjay! 

Vinta's were everywhere! Bawal na daw kasi ang mga di-motor daw... #save

Foreigners were everywhere too ... At si Deo uma-aura! Pero nganga naman siya! Hahaha!

 Anong eksena to aber?

Akala mo Deo ikaw lang  !

Bleeeeeh!

Dati nakikita ko lang to sa T.V ...

At itong Sand castle na to oh oh oh oh!

Pero  Boracay Mode na talaga kami! (Si ate nakakasira ng moment!) 


Ang gagaling nitong mga batang 'to magslide slide sa shoreline...

The worlds best island Travel+Leisure!

Ooooooooops! bibitinin ko muna kayo dahil hindi pa dito nagtatapos ang post na ito ..

Thank you pala sa pagvisit at pagcomment sa blog ko  medyo  nahihiya me  kasi andami nagviview pero sobrang saya ko :) ... Salamat sa inyo ......


Fees : 

Anini-y, Antique to Caticlan -  Php 340.00
Boat to Boracay -  Php 40.00
Environmental Fee - Php 75.00
Terminal Fee -   Php 100.00
Tricycle to Hotel- Php 150.00 
Hotel Fee-  Php 1000.00 /good for 3


14 comments:

  1. Wow. Astig naman. Gusto ko rin pumunta ng boracay soon. At ang mura lang ng nagastos niyo ah. Kudos to you. :)

    ReplyDelete
  2. Wow nakapagbora na! Tagal na ako d nakabalik ng bora :-(

    ReplyDelete
  3. akala mo ikaw lang huh, ako din sooooon... (kelan kaya) hehe

    good for you, dream come true!!! :)

    ReplyDelete
  4. sarap magbulakbol. lalo na sa magagandang lugar sa pinas. \m/

    san next destination nio?

    ReplyDelete
  5. wow, dream ko rin na pumunta dyan...one day. thanks for the beautiful pictures and peoples. salamat din sa pagbisita sa blog ko:)

    ReplyDelete
  6. Yii Answeet nila kitang kita ang saya nila enjoy lang ng todo!

    ReplyDelete
  7. Aww, namiss ko ang boracay, sobra! ang ganda kasi talaga.. namiss ko din ang may ka-holding hands, wahahaha, char lang. aliw ako sa sisa pic ni deo, hehe.. boracay ang bet kong destination in case magkalakas ako ng loob to travel solo.. :)

    ReplyDelete
  8. I will visit my favorite beach soon! Ganda noh! :-)

    ReplyDelete
  9. gusto ko ang alphabet shirt ni ser rjay.

    ReplyDelete
  10. at pabalik talaga ako magbasa haha..sorry naman :) ang daming memories saken ng boracay :(

    ReplyDelete
  11. Kakainggit naman. Kailan kaya ako makakarating sa Boracay. Natawa ako sa pic na ni-photo bomb ni ateng naka-blue, para kasing may ginagawang hindi tama si ate hahahaha....Na-curious naman ako dun sa environmental fee, may ganun pa talaga.

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!