Wednesday, June 20, 2012

Carbs on Carbs on Carbs on Carbs!


Food! Yes! we absolutely love to eat! Kahit sino naman siguro pag may pagkain na nakatambad sa iyong  harapan ay kakain at kakain ka talaga! And believe it or not half of our salaries was spent on food at dahil dito hindi kami nakakaipon. 

Meet Jikoy may partner! Ang pinakamatakaw na taong nakilala ko sa balat ng lupa! Choosy pa yan sa lagay na yan pagdating sa pagkaen! He really loved to eat pasta, pizza and donuts! Iyon naman ang pinagkaiba naming dalawa which I preferred seafood at rice talaga!   



Anything as long as pasta from penne, spaghetti, lasagna at ang pinakafavorite niyang carbonara!


at samahan mo pa ng pizza, mojos , garlic bread at chicken , I am sure di niya uurungan yan!


Alam niyo ba na araw-araw yan bumibili ng donut sa baba ng office niya? Hindi naman siya matakaw masyado kasi inuuwian niya ako ng donut pero yun nga masama yung donut na binigay niya ihahati ko pa kasi gusto din niya! :)


Alam niyo ba na nung naglabas yung Shakey's ng lasagna halos di niya ako tinigilan matikman lang niya?


At dyan kayo nagkakamali pati barbeque at liempo gusto din niya! 


Naalala ko dati pati eat all you can ng Chef de Angelo hindi din niya pinalagpas!

MATAKAWWWWWWWWWWWWWWWW!


Alam niyo ba pati Banchetto pinuntahan din niya?


Eh! ano pa ang Mang Inasal? Certified Tambay po siya ng Mang Inasal ! Lugi po ang Mang Inasal sa kanya!
Imagine nakaka 5 o mahigit pa na rice? Owmygawd!!!!!


Ayan si Jikoy dati ! Payat lang naman po siya! 




Pero eto na po siya ngayon! Puro taba na! Wahahahahahaha! Peace! at everytime na busog siya inaantok agad siya! (Lakas maka baboy diba?)

Sa (31) months na kami magkasama marami akong natutunan sa kanya , yun ang wag hayaan kumalam ang iyong sikmura!

At sabi niya ang tunay na lalaki walang "abs" kung hindi "ab" lang!  Kaya eto nagpapataba na din ako! :)

Naalala ko tuloy yung movie na Kimi Dora and the Temple of Kiyeme! Ansaveeh?


Kimi : That's carbs on carb on carbs on carbs!
Dora: Ate walang basagan ng trip! 





8 comments:

  1. Grabehhh, nagutom naman ako.
    Hinay hinay lang...

    ReplyDelete
  2. Haha ang dami namang pagkain yan. Puro lamon. LOL.
    Lugi din and Mang Inasal sa kaibigan and kapatid ko. Tig-15 na rice!

    ReplyDelete
  3. I love donuts too. Ayos yang carbs, pangpacute. Haha

    ReplyDelete
  4. ikaw na! grabe ginutom mo nmn ako sa post nato! ngdidyeta pa naman ako. chos! haha

    ReplyDelete
  5. Ito yung moment na kakatapos ko lang mag-workout, with my brain totally focused on beating the body and starving the slob inside me, tapos i'm eating classic Italian salad and an imaginary pizza, and then I see this post and the life of other people who are so comfortable eating, and I feel like i wanna do a hara-kiri.... I hate my life!

    ReplyDelete

Thank You for visiting my blog :)

ll try my best to follow your blog and post some comments on it!

Thank You! Love you BLOGGERS!